One

1241 Words
Nikita's POV Seven years ago "Mama, si Rocco oh!" "Ang kulit mo kasi!" "Ikaw ang makulit kasi naninipa ka! Ang sama mo, isusumbong kita kay Daddy!" "Syempre ang kulit mo! Kita mong may ginagawa ako rito, eh!" "Ang panget naman ng sulat mo! Sulat-sulat ka pa ng love letter! Mama, si Rocco may girlfriend na!" "Hindi nga girlfriend!" Napatakip ako ng unan sa mukha nang marinig ang sigawan ni Rocco at Rush. Hindi ko tuloy narinig ng maayos ang pinapanuod ko! Triplets lang ang anak ko, pero ang ingay ng bahay ay parang isang barangay kapag may nag-aaway! Ano ba naman 'to! Habang lumalaki ay mas lalo silang umiingay, kulang na lang bubusalan ko ng tape 'tong mga bibig nila. Nasa bahay ako ngayon dahil sabado. Nakahiga sa sofa naman. Waang pasok sa office at walang pasok ang mga bata sa school. Kanina pa ako naririndi sa sigawan ng mga 'to pero hinahayaan ko na lang dahil nauulit din naman. "Maglaro ka na nga lang do'n! Laruin mo si Kureiji!" Narinig ko pa ang pagtahol ni Kureiji na nasa paanan ko lang. "Ayaw!" "Edi behave ka na lang! Huwag makulit dahil may sinusulat ako— ano ba!" "Ayaw mo makipaglaro sa akin!" Hindi na ako nakapagpigil at inalis ko ang unan sa mukha sabay umalis sa pagkakahiga. Umalis din si Kureiji sa sofa at lumapit sa dalawang nagsisigawan saka tumahol. Hawak-hawak na ni Rush ang papel na mukahng kanina pa sinusulatan ni Rocco. Si Rhys naman ay nasa kabilang sofa at nakatitig lang sa TV. Walang pake sa dalawa niyang kapatid na halos magpatayan na sa ingay. "Mamaya na kasi—" Pinutol ko agad ang sasabihin ni Rocco. "Tumigil nga kayo!" suway ko sa dalawa. Parehas silang napatingin sa akin. Naibaba ni Rush ang kamay at mabilis na ibinalik kay Rocco ang papel na kinuha. Lumambot ang mukha nilang dalawa ay ngumuso. "Kung mag-aaway lang kayong dalawa rito ay lumayas na kayo. Sumama kayo sa Daddy niyo!" pananakot ko sa dalawa. "Ayaw!" Parehas pa silang nailing no'ng sabihin 'yon, niyakap pa bigla ang isa't isa. "Andoon ang ugly girlfriend ni Daddy!" Rocco exclaimed. "Panget 'yon!" Rush shouted. Tumaas ang kilay ko sa narinig. Aba! Nanlait pa ang dalawang 'to! Ang ganda-ganda ni Irish tapos sasabihan lang ng panget?! Kung lalaki lang ako ay magkakagusto rin ako ro'n. Maganda, matalino at mayaman. Lahat na nasa kanya. "Anong panget? Saan niyo 'yan nakuha ha? Ang ganda-ganda ni Tita Irish niyo. Gusto niyo sumbong ko kayo sa Daddy niyo?" tanong ko. Sabay na nailing ang dalawa habang nakanguso pa. "Ayaw namin sa ugly girlfriend ni Daddy," Rush whispered. "Si Mama Nikita lang ang gusto namin para kay Daddy," Rocco said while looking into my eyes. Para namang hinaplos ang puso ko sa narinig pero kalaunan ay may kirot akong naramdaman. Gusto nila ako para sa Daddy nila pero ang damuhong Donovan na 'yon ay ayaw na sa akin! Ang kapal ng mukha na buntisin ako at pakasalan tapos sa huli sasabihin niyang hindi niya talaga ako minahal! Pinakasalan niya lang ako dahil may resposinbilidad lang siya sa akin at hanggang ngayon ay si Irish na first love niya ang patuloy niyang mamahalin! "M-Mama, are you crying?" Napakurap ako sa narinig at agad na pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko. "Oo! Naiiyak ako kasi ayokong magkaroon kayo ng girlfriend," palusot ko sa dalawa. Napanguso naman si Rocco at hinampas si Rush. "Hindi nga kasi girlfriend. Assignment namin 'to, choose one person that you admire in class and give her a letter!" paliwanag niya kay Rush. Napakamot si Rush sa ulo at bahagyang natawa. "Bakit may pa 'I love you' ka?" aniya. Sumingit naman ako. "Hindi pa nga kayo tuli, gusto niyo na magkaroon ng girlfriend? Ayaw niyo nga hugasan pwet niyo after mag-pupu tapos girlfriend na agad?" Nanlaki naman ang mata nila sa sinabi ko. Nakita ko ang pamumula ng mukha nila. Narinig ko naman ang pagtawa ni Rhys na nasa tabi ko na pala. "Sumbong kita kay Daddy, Mama!" maktol ni Rush at mabilis na tumayo saka umakyat sa itaas. Napasinghap naman ako. "Magsumbong ka! Samahan pa kita!" sambit ko habang umaakyat ito sa itaas. Umikot ang mata ko nang mawala sa paningin ko si Rush. Si Rocco naman ay lumapit sa amin at pinakita niya ang sinusulat niya. "It's just an appreciation letter kaya Mama," aniya. Hindi ko na binasa 'yon lahat dahil nagsasabi naman 'to ng totoo. Sadyang makulit lang talaga si Rush kaya inaasar minsan si Rocco. Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi. "Okay, finish that para makapag-shower na kayo. We will go to your Lolo and Lola," sabi ko. Natuwa naman si Rocco at dali-dali na kinuha sa akin ang papel at ipinagpatuloy ang sinusulat. Si Rhys naman ay nagpaalam na mauuna ng maligo. Pinapanuod ko lang si Rocco na nagsusulat. I have a triplets, Rhys, Rocco and Rush. Puro lalaki lahat sila. Si Rhys ang matanda, sumunod si Rocco and si Rush ang bunso. Minuto lang din ang pagitan nilang tatlo. Eight years old na rin sila at currently enrolled sa isang private school as Grade 2 students. Sa kanilang tatlo, si Rhys ang pinakatahimik at seryoso. Si Rocco gano'n din pero makulit minsan. At ang pinakamakulit sa lahat ay si Rush, sa akin daw nagmana sabi ni Mommy. Wow, sa akin lang ba talaga?! Paano naman 'yong tatay— Nailing ako at pilit na huwag na isipin ang kumag na 'yon. Baka masira lang ang araw ko. Sinusumpa ko pa naman siya. "Done na po Mama!" Rocco said happily and lend me his paper. Ngumiti ako at tiningnan 'yon. "Wow, ang sipag naman ng Rocco ko. Halika nga rito at pa-kiss si Mama." Inabot ko siya sa braso at hinila papunta sa akin. Hindi ko pa nga siya hinahalikan pero natatawa na siya. Wala pa nga pero nakikiliti na agad! "Mama, may kiliti ako riyan!" aniya at pilit na lumalayo sa akin. Ngumuso naman ako. "Sige na, pakiss na si mama," paglalambing ko at mas niyakap siya. "May kiliti po at mabaho pa po ako! Hindi pa ako naliligo!" sambit nito at tuluyan lumayo sa akin. Natawa ako at hinayaan na lang siya. Tumakbo na rin siya sa itaas. Panigurado ay maliligo na rin ang mga 'yon dahil excited na makita ang mga lolo't lola nila. My mother texted me na sa kanila na kami mag-dinner. Hindi pa nga ako pumayag dahil andoon ang kuya ko. I was not in good terms with my brother. He was against with my marriage with Rome. Kahit na nullified naman na ang kasal namin ay ayaw niya pa rin. Ayaw ni kuya kay Rome simula pa lang dahil sasaktan lang daw ako nito... and he's f*****g right. Kailan ba kasi mawawala sa mundong ibabaw ang Rome Donovan na 'yon? Ayoko na siyang makita dahil naaalibadbaran ako. Simula no'ng magsama kami puro kamalasan ang inaabot ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nabulag ako at ngayon ko lang napagtanto na mukhang minalas talaga ako. Kung pwede lang na huwag ko na siyang makita o pansinin, ginawa ko na. Ang kaso, may tatlong bata na nag-uugnay sa aming dalawa. May triplets kami. Nagbunga 'yong pagsasama namin. Araw-araw pinapaalala sa akin na may Rome Donovan na nag-exist sa buhay ko. Ang sakit lang kasi akala ko... Akala ko mahal na mahal niya ako, hindi pala. Because while he's with me, iba pala 'yong hinahanap at tinuturing niyang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD