Chapter 34. Fourth Round

4465 Words

“Biglaan naman yata ang pagpapa-meeting mo,” sambit ni Kevin habang inaayos ang mga upuang ginamit ng guro sa meeting. Nasa faculty room sila at doon ginanap ang meeting. Nakaupo si Hera at nakasandal na nakatingin kay Kevin. “Gusto ko bigyan ng magandang alaala ang grade 12 bago man lang sila umalis dito next year, same with the newbies,” sagot niya. “Ano naman ang naisip mong ipagawa? Special activity ’yan, ’di ba?” tanong nito. Ngumiti siya at umayos ng upo. “Yes but with a thrill. Iibahin ko lang ng konti sa last year dahil dito lang ’yon sa loob ng school nangyari. This time, lalabas tayo at doon gaganapin ang activity para sa lahat. And every last Friday ng bawat buwan ay magkakaroon ng activity,” wika niya habang nakangisi. Napatigil si Kevin sa ginagawa at napakunot ang noo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD