Chapter 1.
Month of May, 2022.
Kasalukuyan nasa sala sina Aries, Lorena at Angelina ng umagang iyon. Nag-aalmusal sila habang nagkukwentuhan. Thursday naman at may ilang trabaho na kailangan asikasuhin sa munisipyo pero hindi naman nagmamadali kaya, nakakapagkwentuhan pa sila. Naging daily routine na rin kasi nila na gawin iyon tuwing umaga, quality time na rin nila sa isa’t isa. Dahil sa pasukan ay magiging abala na rin siya sa pag-aaral lalo at nasa grade tenth na siya sa pasukan.
Pinag-uusapan nila ang gaganaping kaarawan ng ama sa isang araw. Gusto nitong simple lang ang selebrasyon kasama ang mga mamamayan na naging bahagi ng kanilang pagtakbo sa politiko, bilang pagpapasalamat na rin.
“Simple lang pero alam kong magiging masaya ang lahat,” sambit nito.
“Oo at para lahat dito ay imbitado,” segunda naman ni Lorena.
Napangiti siya habang nakatingin sa magulang. “Hindi talaga mawawala sa plano ninyo ang mga tao,” wika niya.
“Syempre naman, anak, dahil sa kanila kaya tayo nananatili sa politiko,” sagot ng kanyang ama. Tumatango-tango siya.
Hindi na siya umimik at napatingin na lang sa likuran ng ama. Nakasandong puti ito kaya napansin niya ang tattoo nito sa batok. Tumayo siya at kunot noong lumapit sa ama.
“Dad, what's this?” tanong niya. Mahinahon at may pagtatakang tanong na itinuro pa niya ang tattoo. Napasulyap siya sa ina dahil sa reaksyon nito. Pero bago pa man makasagot ang kanyang ama ay may nag-door bell na.
“Manang Lupe, pasuyo po sa gate, may tao,” sambit nito kaya nawala ang atensyon nito sa tanong niya. Nawala na rin siya roon at tumingin sa labas para tingnan ang bisita.
“Aries, hanap ka,” wika ni Manang Lupe. Tumayo rin si Lorena upang kuhaan ng t-shirt ang asawa.
Para na nila itong kapamilya kaya pamilya na rin ang turing nito sa kanila at ganoon din sila. Bumalik din ito sa ginagawa pagkatapos papasukin ang tinutukoy na bisita.
Pumasok sa loob ang lalaking ma pamilyar na mukha sa kanya. Bumalik ang ina niya at inaabot ang t-shirt bago tumayo at sinalubong ang lalaki.
“Victor, ikaw pala, tuloy ka,” sambit ng ama niya.
“Ano ang gusto mo? Kape, tubig or anything you want?” tanong kanyang ina.
“Kape na lang,” maikling sagot nito at bumaling sa ama niya.
Siya nama’y tahimik ba bumalik sa pagkakaupo sa sofa habang nakatingin. Pinagmamasdan niya si Victor at pilit inaalala kung saan niya ito unang nakita.
’Ah, siya rin iyong lalaking nagpunta rito last, last year,’ sa isip niya na tila may umilaw sa utak niya nang maalala iyon.
Hindi niya ito personal na kilala pero ang alam niya ay isa ito sa tapat na bumoboto sa magulang niya. Makikinig sana siya sa usapan pero tiningnan siya ng ama. Nilingon din siya ni Victor at nginitian. Hindi siya nagbigay ng kahit ano'ng reaksyon dito.
“Angel, iwan mo muna kami, may pag-uusapan lang kami,” wika nito. Ayaw sana niya pero alam din niyang mali ang makisali sa usapan ng matanda kaya sumunod na lang siya. Umakyat siya sa second floor.
“Ano ba ang atin?” tanong ng kanyang ama. Saktong dumating din si Lorena na may dalang isang tasang kape at inilpag iyon sa mesa saka naupo sa tabi ng asawa.
Akmang papasok na siya sa kwarto nang marinig niya iyon. At dahil sa kuryosidad niya, humilig siya sa hagdan upang pakinggan ang pag-uusapan. Gusto niya lang malaman kung ano ang pag-uusapana nila dahil parang malapit si Victor sa magulang niya. Hindi niya nakikita ang mga ito pero naririnig niya.
“Kumusta na kayo? Kumusta ang buhay Mayor at Vice Mayor?” bungad nito.
“Mabuti naman kami. Mahirap pero kinakaya at masaya kami sa ginagawa namin,” sagot ng ama niya.
“Yes. Ang fulfilling kasi kapag tumutulong ka sa kapwa tapos nakikita mo ang ngiti nila sa labi,” sagot naman ng kanyang ina.
Napangiti siya roon dahil sagot ng magulang niya.
“Ganoon ba? Maganda nga ’yan pero…” Tumigil ito kaya napakunot noo siya sa pagtataka.
“Pero, ano, Victor? May gusto ka bang hilingin?” tanong ni Aries.
“Oo nga. Just tell us, ibibigay namin basta kaya namin,” sagot ni Lorena.
Tumikhim ito at umayos ng upo. Humigop din muna ito ng kape bago nagsalita.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Aries. Alam mo na ang dahilan ko kung bakit ako nandito.”
Napakunot lalo ang noo niya dahil lalo siyang na-curious sa tinutukoy nitong dahilan. Bumuntonghininga si Aries.
“At alam mo na rin ang sagot ko, Victor,” simpleng sagot ng kanyang ama.
“Konti lang naman ang hinihingi ko, ipagdadamot mo ba ’yon? Hindi lang din naman ikaw—”
“Victor, kahit ano ang sabihin mo, ayoko. Hindi ko kaya dahil hindi iyon ganoon kadali,” pagputol ng kanyang ama sa sinasabi nito. Nakaramdam siya ng inis dahil hindi niya nalaman ang tinutukoy ni Victor.
“Kung ganoon, hindi na ako magtatagal pa. Wala rin naman pala akong makukuha sa inyo,” wika nito at tumayo.
Pinilit niyang sumilip at nakita niyang nakatayo na ang mga ito.
“Pasensya ka na, Victor. Kung sa ibang bagay sana ay mapagbibigyan kita pero hindi sa hinihingi mo,” sagot ng kanyang ama. Habang si Lorena ay nakatayo lang sa tabi nito at hinihimas ang likod niya.
“Sige, naiintindihan ko. Aalis na ako,” wika nito.
“Mag-iingat ka. At sana makadalo ka sa darating kong kaarawan. Isama mo ang anak mo at kung sino gusto mo isama,” wika ni Aries. Ngumiti si Victor.
“Kailan nga ulit iyon? Sa akinse na?” tanong nito.
“Oo.”
“Titingnan ko kung hindi ako abala sa araw na iyan. Mauna na ako,” wika nito at walang lingon-lingon na naglakad palabas ng bahay nila.
“Kung kaya ko lang ibigay, gagawin ko, pero hindi ko kayang pagbigyan ang hinihingi niya,” wika ng kanyang ama nang makaalis si Victor.
“It's okay. Maiintindihan din ni Victor kung bakit. Mabuti pa, mamasyal na lang tayo kasama si Angel para kahit papaano ma-relax ka,” sagot ng kanyang ina.
Naging hudyat din iyon para pumasok siya sa kwarto habang nagtataka at nagtatanong ang utak niya. Pag-upo niya sa kama ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Victor. Kinain na siya ng kuryosidad at kating-kating malaman ang totoo. Sa lalim ng pag-iisip niya ay nagulat siya sa pagkatok sa pinto.
“Angel,” tawag ng mommy niya.
Napapitlag siya at napahawak sa dibdib. Huminga siya ng malalim bago tumayo at lumapit sa pinto.
“Mom, bakit po?” tanong niya.
“Magbihis ka, lalabas tayo bago kami magtungo sa munisipyo,” wika nito.
“Ahh. Umalis na po bisita ninyo?” kunwari tanong niya.
“Oo kaya bilisan mo. Hintayin ka namin sa baba,” sagot nito at umalis na.
Gusto pa sana niyang magtanong pero ayaw niyang mangulit ngayon kaya hahanap na lang siya ng tiyempo kung kailan niya io-open ang topic na iyon. Kaya bago pa ulit siya lamunin ng pagtatanong ay nag-asikaso na siya.
Habang nasa mall, napansin niyang masaya ang kanyang ama at ina na nagtitingin ng school supplies. Magpapasukan na ulit kaya mamimigay na ulit sila ng school supplies. Nakaugalian na iyon ng parents niya kaya pati siya ay nasanay na rin. Pero hindi pa sila bibili dahil pag-uusapan pa iyon kasama ang konsehal at mga SK. Iyon din ang tatrabahuhin ng mga ito sa munisipyo.
Dahil naroon na rin sila ay ibinili na siya ng mga ito ng gamit niya sa school. Pagkatapos mamasyal ay doon na rin sila nagtanghalian. Pagkatapos ay dumiretso sila sa munisipyo. Sumama na rin siya dahil wala rin naman siyang gagawin. Pero nagpa-iwan lang siya sa sasakyan. Magpupulong lang naman ang mga ito kaya maghihintay na lang siya.
Minsan, gusto na niyang patigilin ang mga ito sa pagtakbo dahil sa ilang beses na rin napapahamak ang pamilya nila. Sa kabli kasi ng kabutihan ng kanyang ama’t ina, hindi pa rin maiiwasan na may mga maiinggit at magagalit. Lalo na iyong mga pakiusap na hindi minsan mapagbigyan dahil sa maraming trabaho ang nakapila sa magulang niya. Kaya minsan, hindi makasagot sa mga pakiusap ng mga tao pero kapag may sapat naman na oras ay binabalikan nila ang mga ito. Hindi rin nagtatanim ng galit ang magulang niya sa mga taong pinagsasalitaan sila ng masama.
Palaging sinasabi ng kanyang ama na, okay lang iyon. Galit lang sila. Minsan naiinis na siya sa sobrang kabaitan ng magulang kaya hinihiling niyang tumigil na sa pagtakabo pero ayaw ng mga ito. Wala siyang magawa dahil iyon din ang isa sa nagpapasaya sa mga ito.
Madalas din siya tanungin ng mga kaibigan ng parents niya kung susunod ba siya sa yapak ng magulang pero palaging iling ang sagot niya. Dahil ibang direksyon ang tatahakin niya. Sapagkat masyadong magulo ang politika, dahil kalimitan sa humihingi ng tulong ay may mga hindi magandang background at maging ang tulong na hinihingi ay komplikado. At ayaw ng ganoon. Naintindihan naman siya ng parents niya kaya maswerte siya.
May ilang oras pa siyang naghintay bago lumabas ang parents niya. Agad sumakay ang mga ito at nagpahatid na sa pag-uwi. Nasa backseat silang tatlo at nasa gitna siya.
“Excited na ako magbigay ng school supplies sa mga bata,” sambit ng kanyang ina. “Sasama ka sa akin, Angel, ah?” dagdag pa nito.
“Sige po, mom,” sagot niya.
“Kahit ayaw mo sumunod sa amin, masaya pa rin kami kasi sinusuportahan mo kami ng mommy mo,” wika ng kanyang ama.
“Syempre po, kasi iyan nagpapasaya sa inyo,” sagot niya.
“Ikaw ang nagpapasaya sa amin, anak, kaya masaya kami dahil ikaw ang anak namin,” wika ng kanyang ina at niyakap siya. Napansin niya pa ang pagsulyap ng kanyang ina sa ama at ang kakaibang tingin nito.
“Oo naman at handa akong gawin lahat para sa anak natin,” sagot ng kanyang ama at yumakap din sa kanya kaya napangiti siya. Hanggang sa maramdaman niyang kiniliti siya.
Sa buong byahe ay nagkukulitan lang sila at masayang-masaya siya. Simple lang ang pamilya niya pero masaya at kumpleto sila.
Pagdating sa bahay, sinalubong agad sila ni Manang Lupe at sakto kakain na sila. Kaya dumiretso sila sa dining area upang magsalo-salo sa pagkain.
“Manang, maupo na po kayo at sabayan na kami. Tinawag ko na rin si Mang Jose para sabay-sabay na tayo,” sambit ng ama niya nang matapos sa paghahain si manang.
Ganito sila kabait sa tao. Si Mang Jose ay ang driver ng pamilya nila at pamilya na rin kung ituring nila.
“Sige, kayo pa ba, hindi ko kayo kayang tanggihan,” wika ni manang.
Malapit si Manang Lupe sa kanila dahil hindi na ito nakapag-asawa. Nang mamatay ang magulang nito ay nagtrabaho na lang ito hanggang sa mapunta sa kanila. Dalaga pa si Lorena ay kasamabahay na ito ng kanyang ina. Hanggang sa makapag-asawa si Lorena at sa kanila na ibinuhos ni Manang Lupe ang atensyon nito. Ipinagpapasalamat at sinusuklian naman nila iyon ng kabutihan at pagmamahal.
Noong gabing ’yon, masaya silang nagsalo-salo sa hapagkainan habang nagkukwentuhan.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-movie marathon sila sa sala. Patapos na ang panonood nila nang nakaramdam siya ng uhaw kaya tumayo siya at nagpunta sa dining area para uminom.
Habang umiinom siya ay muling bumalik sa isip niya ang narinig kaninang umaga. Gusto niyang mag-usisa pero hindi niya alam kung paano dahil baka pagalitan siya sa ginawa niyang pakikinig.
Sa lalim ng pag-iisip niya, hindi niya namalayang pumasok ang kanyang ina sa kusina at uminom din. Napapitlag lang siya nang haplusin nito ang braso niya.
“Anak, what were you thinking? Tapos na ang palabas pero hindi ka pa nakakabalik,” wika nito. Inubos muna niya ang tubig bago sumagot.
“Mom, ano po kailangan noong lalaki kanina?” simpleng tanong niya. Bumuntonghininga ang kanyang ina.
“Kaya pala ang lalim ng iniisip mo. Siya si Victor, kaibigan ng papa mo. Wala iyon, anak. Huwag mo masiyadong isipin,” wika nito.
Hindi siya nakuntento sa sagot ng ina dahil hindi nito sinabi ang sagot na gusto niya.
“Stop thinking, hija. That's nothing,” sambit nito nang mapansin na natahimik siya. Tumitig siya sa maamong mukha ng kanyang ina na nakangiti sa kanya. Iyon ang nagpatango sa kanya kahit labag sa loob niya.
“Alright, take a rest. Late na rin naman ng gabi. Natapos na rin ang palabas. Nagpapahinga na rin ang daddy mo kaya ikaw rin,” saad nito.
“Okay po. Goodnight, mommy. Pasabi na lang po kay dad, goodnight,” wika niya at humalik sa pisngi ng ina.
“Goodnight, hija.”
Pagkapos ay nagpaalam na siya at umakyat na ako siya sa kwarto niya upang magpahinga. Sinubukan niyang pumikit at matulog pero hindi siya dinadalaw ng antok. Ginugulo talaga siya ng mga narinig niya kaya bumangon ulit siya para umihi.
Dahan-dahan siyang bumababa nang mapansin niyang bukas pa ang ilaw sa dining area, it means naroon pa ang kanyang ina. Pero nagtaka siya dahil naririnig din niya ang boses ng ama.
Kaya nagtago siya sa divider ng mga pigurines para makinig. May malaking divider na puno ng figurines bago makapunta ng dining kaya nakapagtago siya roon.
“Ang tagal mo umakyat sa kwarto, kanina pa ako naghihintay,” wika ni Aries. Niyakap nito ang asawa at nilingon ng ina niya si Aries.
“Nagtatanong si Angel about him,” wika nito na ipinagtaka ng kanyang ama.
“Ano ang sinabi mo?” tanong ni Aries.
“Wala, syempre, ayoko mag-alala si Angel.”
“That’s good,” wika ng daddy niya.
“Hindi ba natin sasabihin sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Lorena.
“Hindi. Gusto ko ng tahimik na buhay para kay Angel. Kaya nga ayokong pagbigyan si Victor dahil hindi natin masisiguro ang kaligtasan niya kapag pumayag tayo. Ayokong mawala sa atin si Angel, honey. I can't afford to lose her or ikaw, okay?” wika ng ama niya. Napabuntonghininga ang kanyang ina.
“Everything will be alright, hon,” dagdag ng ama niya.
Gusto pa sana niyang makinig pero nagmadali na siyang bumalik sa kwarto. Mamaya na lang siya iihi. At mas lalo siyang hindi nakatulog sa mga narinig.
‘Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin at ano iyon? Bakit hindi ko pwede malaman? Masaya naman kami at kumportable, pero bakit may mga problema na hindi ko alam?’ tanong niya sa isip niya.
Pero in the end, wala rin siyang nakuhang sagot kaya napailing na lang siya at pumitki. At iwinaksi ang nasa isip dahil baka siya lang naman ang nag-iisip ng ganoon.
‘Siguro nga, wala naman dapat ipangamba. Itutulog ko na lang ito.’ Sa isip niya at pinili na lang matulog.
ONE DAY passed. BIRTHDAY na ng kanyang ama. Sabado iyon.
Maaga siyang nagising noon at bumungad sa kanya si Manang Lupe na abala sa pag-aasikaso sa bahay at sa garden. May mga tao rin na tumutulong kay Manang Lupe. Dahil nga kaarawan ng daddy niya ngayon, napili nitong sa bahay na lang mag-celebrate para hindi na lalayo ang mga taong maiimbitahan. Mabait at marunong din makisama ang mommy at daddy niya kaya naman mahal sila ng mga tao lalo na at sa mga ganitong okasyon, hindi talaga nawawala ang mga taong sumusuporta sa kanila. Ang taumbayan naman ay pinapadalhan nila ng groceries bawat bahay para kahit papaano ay kasama pa rin sila sa birthday ng kanyang ama.
Preparation pa lang naman kaya busy pa ang lahat. Maging ang kanyang mommy ay abala rin sa kusina at ang kanyang daddy ay nagre-relax lang kapag ganito. Habang siya nama’y kumuha lang ng pagkain for breakfast at sa kwarto na lang siya mag-aalmusal. Sa kalagitnaan ng pagkain niya, tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Jane. Ang kaibigan niya.
“Hello, Jane,” saad niya nang sagutin ang tawag.
Ito ang nag-iisa niyang kaibigan. Sa private siya nag-aaral at hindi niya close ang ibang kaklase niya dahil sa mga plastik ito. Alam niyang mabait lang sa kanya kapag kaharap siya pero kapag tumalikod siya ay sinisiraan siya. Naiinggit kasi dahil matalino siya at mayaman tapos nasa politiko pa ang magulang. Kaya masaya siyang nakilala si Jane dahil tunay ito though hindi ito mayaman tulad ng iba at scholar lang sa school nila. Kaya rin siguro sila nagkasundo dahil marunong makisama si Jane.
“Friend, pwede mo ba akong samahan sa mall? Bibili ako gamit para sa pasukan. Tapos diretso na ako riyan after natin mamili, diyan na rin ako kakain ng tanghalian. Alam ko birthday ng daddy mo today kaya huwag kang aangal,” wika nito. Natawa siya dahil sa pagbabanta nito pero sanay na rin siya sa kaibigan.
“May choice pa ba ako?” sagot niya.
“Wala kaya daanan mo ako rito. May kotse naman kayo, eh,” sambit nito kaya mas lalo siyang natawa. Sobrang prangka nito at iyon ang nagustuhan niya sa kaibigan.
“Oo na. Mag-aalmusal lang ako at maligo then puntahan na kita,” sagot niya.
“Yiiie! Ang lakas ko talaga sa 'yo, kinikilig tuhod ko,” wika nito.
“Ewan sa ’yo. Sige na, see you later,” wika niya.
“Okay. Ingat ka mamaya. Babush!” sagot nito at pinatay na ang tawag. Napailing na lang siya at ibinaba na ang cellphone para kumain na nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Hinintay niyang bumukas iyon dahil hindi naman iyon naka-lock. Bumungad ang nakangiti niyang ama kaya napatayo siya pero pinigilan siya ng ama.
“Dad, bakit po? Kain po tayo,” alok niya habang nakatingin sa ama. Ngumiti ito at umupo sa kama niya. “Busog pa ako at kuntento na akong makita kang kumakain,” saad nito
“Daddy, talaga naman, mapagbiro talaga kayo. Pero bakit po kayo naparito?” tanong niya. Hindi naman ito bago sa kanya dahil palagi naman siya nitong pinupuntahan kwarto pero syempre palagi rin may dahilan.
“Wala naman. Gusto lang kitang makita ngayon. Pakiramdam ko namiss kita,” sambit niya. Nagtataka siya sa sinabi nito pero napangiti na lang habang naiiling.
“Dad, palagi naman tayo magkasama rito sa bahay, ah. Nag-bonding pa tayo noong isang araw. Pero mamaya aalis ako kasi nagpapasama po sa akin si Jane,” sambit niya. Tumango lang ang kanyang ama habang nakangiti.
“Ganoon ba, siya, mag-iingat ka ah at hindi mo ako kasama para bantayan ka. Papasamahan ko kayo kay Mang Jose,” wika nito.
“Saglit lang naman kami, dad. Birthday mo pati kaya hindi ako pwedeng magtagal,” sagot niya.
“Okay. Siya, maiwan na kita. Kumain ka ng marami bago umalis…” Tumigil ito at tumayo saka naglakad hanggang bukana ng pintuan.
“Angel, anak, tandaan mo sana na mahal na mahal ka namin. Ikaw ang anghel namin ng mommy mo,” saad nito at hinawakan ang door handle. Tumingin pa ito sa kanya at ngumiti bago lumabas.
“Mahal ko rin...po kayo,” saad niya pero huli na dahil isinarado na nito ang pinto. Gusto sana niyang sabihin ang weird ng daddy niya pero umalis agad ito. Nagtataka siya sa kilos nito pero nagkibitbalikat na lang siya at naisip na naglalambing lang dahil birthday nito. Tuluyan na niyang tinapos ang pagkain niya. Dahil baka mainip si Jane sa paghihintay sa kanya. Baka makatawag pa ito at sermonan siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil maririndi lang siya sa bunganga ng kaibigan. Sapagkat may kadaldalan itong taglay.