“Ethan will move to the next round! Let's proceed to the last and final fight!” anunsyo ni Hera. Mag-aalas dose na at halos matulog na ang iba sa kanilang mga kinauupuan maging si Angel ay nakakaramdam na rin ng antok at gusto na humiga at malapit niya ‘yon magawa dahil sa malapit na rin naman matapos ang huling laban na ang panonoorin nila. Hindi niya maiwasan mamangha sa member ng emperador gang dahil talagang malalakas ang mga ito. Hindi lang talaga basta pumili si Jaxon ng grupo, tila dumaan talaga sa matinding pagsusuri ang pagpili nito dhil walang tapos sa emperador gang. “And now let’s call the last fight. Mina and the pretty princess of this school, Mikaela!’” sambit ni Hera. Hinanap agad ng mata niya si Mikaela at natagpuan niya itong bumababa mula sa dulo at seryoso itong

