NAPAKUNOT ang noo ni Angelina sa sinabi ni Shaira. Hindi niya naisip na may ganoon ang school na iyon. Naghintay siya sa sunod na sasabihin ny principal pero hindi pa ulit ito nagsalita kaya inusisa niya muna si Shaira. “What do you mean?” tanong niya. Nilingon siya ni Shaira na parang hindi ito naniniwala sa kanya. “What?” aniya. “Hindi ka nagbasa ng booklet?” tanong nito. “No. Kailangan ba?” tanong niya. Dahil para sa kanya, pare-pareho lang naman ang rules ng school. “Sana binasa mo,” wika nito. “For what, pareho lang naman ang mga rules,” wika niya at sumandal sa upuan. “Mali ka, Gel. Iba ang rules dito. Iba sa rules kumpara sa normal na school. Maganda nga ang school na ito pero iba pa rin ito. May mga pangyayari o mangyayari na hindi mo kailan mararanasan sa normal na paaral

