Chapter 70.1 - Picture

1221 Words

"WHAT do you think?" Hindi ko kaagad tinugon ang tanong ng kaibigan. Masusi kong pinagmamasdan ang malaki at malawak na lupa sa harapan ko. Dito ipapatayo ang resort, at ngayong araw namin naisipang dalawin ito para masimulan na ang mga plano namin. Magiging matagal ang pagpapatayo ng resort. Alam na alam namin iyon ni Mikael. Kaya naman ay bahagya namin minamadali ang mga prosesong kaya naman madaliin upang masimulan na at hindi masayang ang panahon. Napunta sa gilid ko ang atensiyon ko nang makaramdam ng presensiyang tumabi sa akin. Bahagya akong natigilan nang makita kong si Silent iyon. Kaya ngayon ay napapagitnaan na nila ako ni Mikael. "Doon na tayo sa tent, umiinit na ang araw," aniya. Nangunot ang noo ko at napatingin sa kalangitan. Tulad nga ng sinabi niya ay umiinit na ang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD