NANG makarating kami ni Mikael sa guest, napag-alaman naming kaya pala kami gustong makausap ng guest ay dahil sa isang trabahante. Nagkaroon sila ng kaunting hindi pagkakaintindihan. Mahinahon naming kinausap ni Mikael ang guest dahilan para kumalma ito, at kinalaunan ay tuluyan nang naresolba ang nangyaring gulo. Nang bumalik kami sa restaurant, malayo pa lang ay tanaw na namin ang kaninang lamesang inuukupa namin. Naroroon pa rin sina Silent at ang mga magulang ni Mikael. Pero sa pagkakataong ito, tapos na kumain sila Tita Fely at ang asawa nito. Abala na silang tatlo sa ibang bagay. "Ito naman si Mikael noong bata." Naabutan ko pang sabi ni Tita Fely kay Silent. Nang tuluyang makalapit sa kanila ay tuluyan ko nang nakita ang ginagawa nilang tatlo. Hawak-hawak ni Tita Fely ang table

