"PINAPATAWAG ka po ni Sir Mikael sa restaurant. Magkakaroon daw po kayo ng meeting kasama si Mr. Montealegre." Tamad akong tumango sa sinabi ni Melanie at bumuntong hininga. Marinig ko pa lang ang pangalan ni Silent ay nananakit na ang ulo ko. Labag sa loob akong tumayo sa kinauupuan ko at tinahak na ang daan patungo sa restaurant. Nang makarating ay tanaw ko na kaagad ang square table na inuukupa nila Mikael at Silent. Naroroon din si Chrysler na nakaupo sa harapan ni Silent. Nang mapansin nila ang presensiya ko ay napunta ang mga mata nila sa akin. "Have a seat," ani Mikael nang nasa harapan na nila ako. Isinenyas niya pa ang bangkong nasa harapan niya, sa tabi ni Silent. Ito na lang ang tanging bakante na upuan. Napipilitan akong tumango at naupo malapit sa tabi ni Silent. "Bakit

