ALAM ko sa sariling hindi pa ako tuluyang naghihilom mula sa mga sugat na idinulot sa akin ng mga pinagdaan ko. Mula sa pang-iiwan ko kay Silent para matapos na ang mga paghihirap niya, sa pagkamatay ni Silverio at sa pagsisisi ko sa pagtatago ng totoo kay Silent. Lahat ng 'yon ay pinagsisisihan ko dahilan para sa nagdaang taon ay mamuhay ako bilang malungkot, napupuno ng sakit, at miserableng tao. Pero ang akala ko, kasabay ng paglipas ng mga taon ay ang unti-unting paghilom ng mga sugat ng nakaraan. Pero nagkamali ako. Hindi pa ako naghihilom. Sariwa pa rin para sa akin ang lahat. Hindi pa rin ako nakaka-move forward. I'm still stuck. And still chained to the past. Para bang may malaking kadena ang nakalagay sa mga paa ko dahilan para hindi ako makawala rito. Patuloy pa ang pag-iyak k

