Chapter 62 - Chrysler

2243 Words

NANG matapos sa pirmahang naganap, hindi ko na naisip pa ang makipagkuwentuhan kina Silent, Mikael, at sa attorney na pinapunta ni Silent. Nagdahilan na lang ako para makatakas sa usapan nila. Tulala ako at tila wala sa sarili habang naglalakad sa hallway ng resort. Naiisip ko pa lang ang sa kasunduang naganap sa pagitan namin nila Silent at Mikael ay parang nananakit na ang ulo ko. Muli akong nagkaroon ng matibay na koneksiyon kay Silent, at mukhang malabo nang takbuhan ko pa. Hindi ko naman maputol ang koneksiyon sa pagitan namin ni Silent dahil kapag ginawa ko 'yon ay madadamay si Mikael. Ayaw kong putulin ang pangarap niya sa resort nang dahil lang sa personal kong dahilan. Bakit ba kasi kahit lumipas na ang ilang taon ay nagkatagpo pa muli ang landas namin? Natigil ang pag-iisip ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD