NANANATILING nakatitig lang kami ni Silent sa isa't isa. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulo habang sa akin ay ang matinding kaba. Hindi ko pa rin mahanap ang mga salita na dapat kong isagot sa kanya. "Hestia," aniya nang mainip na sa tagal kong sumagot sa tanong niya. Muli akong napalunok at sinubukang bawiin sa kanya ang pulso ko, pero tila wala siyang balak na pakawalan ako. Hindi man lang niya niluluwagan ang pagkakahawak sa akin kahit na binabawi ko na sa kanya ang pulso. "Let me go, Silent," usal ko, kulang na lang ay magmakaawa na para bitiwan na niya ako. Matalim akong tiningnan ni Silent at inilapit ang mukha sa akin. Bahagya akong napaatras dahil sa kaba. "Answer me first, Hestia. Where did you get these scars? Did you... did you do it to yourself?" Tuluyan na akong na

