Chapter 58 - Wrist

2118 Words

"DO you enjoy your stay here, Mr. Montealegre?" Ang eksenang iyon ang naabutan ko nang makarating ako sa opisina ni Mikael. Bumakas ang pagkabigla sa aking mukha nang maabutan ko rito si Silent. Kasalakuyang nagkakape ang dalawa habang may mga papeles ang nagkalat sa center table sa gitna nila. Magkaharap naman silang nakaupo sa sofa. Napalunok ako nang sabay silang magbaling ng tingin sa akin, mukhang bahagyang nagulat dahil sa biglaang pagpasok ko sa opisina. Ni hindi na kasi ako nag-abalang kumatok nang buksan ko ang pinto. "Celestine," banggit ni Mikael sa pangalan ko dahilan para dahan-dahan kong inalis ang tingin kay Silent at inilipat ito sa kaibigan. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. "Magpapaalam lang sana ako," sambit ko. Isinara ko muna ang pinto ng opisina ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD