"CALM down, Hestia," pagpapakalma ni Mikael sa akin nang makita ang reaksiyon ko. Malalim akong bumuntong hininga. Hindi ko maitago ang kaba sa akin, pero may nagsasaya rin sa loob ko. Tila ba excited sa pagdating ng ama at kakambal ko. Kinakabahan ako sa mangyayari kung sakaling manatili na silang dalawa rito sa resort. Sa ilang araw nilang pananatili rito ay maaaring maraming mangyari. Isa pa, kinakabahan ako kung magugustuhan ni Papa ang pananatili niya rito. Kilalang-kilala ko pa naman siya—isang perfectionist. Napatayo ako nang tuwid nang namataan ko na ang pamilyar na kotse nina Papa at Yesxia. Inayos ko ang postura at taas-noong inabangan sila rito sa harapan ng resort. Nang tumigil ang kotse nila sa harapan ko, may dalawang bell boy kaagad ang lumapit sa kotse nila at inasikaso

