WHEN I entered the cafe, I saw Raileigh sipping on her frappe. Naglakad na ako patungo sa kanya at naupo sa kaharap niyang bangko. Namilog naman ang mga mata niya at umawang ang bibig nang makita ako. “What the hell, Hestia?” bulalas niya. Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. “What’s wrong?” “What’s wrong?” gagad niya sa sinabi ko at pinandilatan ako ng mga mata. “You!” Nangunot lang ang kilay ko, gulo sa mga pinagsasabi niya. “What’s wrong with me?” Napailing siya at napatampal ng sariling noo. “My god, Hestia! Alam mo ba kung nasaan ka?” I nodded my head. “Nasa loob ng isang coffee shop.” “At nasa labas ka ng bahay mo,” she added. Umikit ang mga mata ko nang bahagyang mainis na sa kanya. "Diretsahin mo na nga lang ako, Raileigh.” Idinuro niya ako gamit ang daliri niy

