"HINDI ka sasabay sa akin?" naguguluhang tanong ni Yesxia. Tumango ako. "May dadaanan pa ako." Mas lalong bumakas ang pagkagulo sa mukha ng kakambal ko. "Palagi ka na lang may dinadaanan," aniya. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Pati siya ay tumigil din sa paglalakad. Hindi na ako nagtataka kung bakit tila parang nakakahalata na ang kakambal ko sa hindi ko pagsabay sa kanya sa pag-uwi, pero wala naman akong magawa dahil sa tuwing uwian ay may naghihintay sa akin. Kaya sa huli, magdadahilan na lang ako kay Yesxia para hindi sumabay sa service namin at saka naman ako sasama sa Montealegre na palaging naghihintay sa akin tuwing uwian. "Aminin mo nga sa akin, Hestia. May itinatago ka ba?" curious niyang tanong. Umiling ako. "Ano naman ang itatago ko sa 'yo?" Umiling di

