“BUSY ka palagi nitong mga nakaraang araw,” sambit ni Raileigh habang isa-isang tinitingnan ang mga damit na nasa rack. “Nagpalamig lang,” simpleng sagot ko. Ngayong araw ay naisipan kong samahan si Raileigh na magpunta ng mall para mag-shopping. Kaya nandito kami ngayon sa loob ng isang boutique at tumitingin-tingin ng mga damit. Humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Ipinagkrus niya rin ang dalawang braso sa dibdib. “Nagiging mapaglihim ka na sa akin, Hestia.” Tumigil ako sa ginagawang pagpili sa mga damit at nilingon siya. I shrugged my shoulders. “Lahat tayo ay may sekreto.” “I am just worried! Simula nang matapos ang exam, hindi na kita makausap ng maayos. Napakaraming nangyari sa ‘yo. Hindi ka na rin sumasabay sa akin sa pagpunta sa canteen tuwing recess. Hindi mo na

