"PLEASE lang, pakiayos ang mga trabaho nyo. Hindi kayo binabayaran para mag-tsismisan at pagpantasyahan ang mga guest," iritado kong usal kahit na nananatiling kalmado ang mukha ko. Bumakas lang sa mukha ko ang iritasyon nang isa-isang tiningnan ko ang mga babaeng trabahante ng resort na nahuli kong nagkukuwentuhan lang tungkol sa isang lalaking guest. Lahat sila ay nakayuko lang, mga walang lakas ng loob na salubungin ang titig ko sa kanila. Marahas akong napabuntong hininga at tinalikuran na sila. Mabibigat ang bawat hakbang na ginawa ko nang maglakad ako paalis sa harapan nila at tinungo ang opisina ko. Kahit na nandito na ay ramdam ko pa rin ang init ng ulo ko. Pabagsak kong inupo ang sarili at isinandal ang likod sa kinauupuan. Pumikit ako para maikalma ang sarili. Nasa ganoong po

