"YESXIA!" Nagmamadali kong tinahak ang direksyon ng kakambal ko nang makita siya at tinawag. Nang marinig naman niya ako ay nalipat sa akin ang atensiyon niya. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa waiting area ng hospital at hinintay ang paglapit ko sa kanya. "Where's Papa? What happened to him?" sunod-sunod kong tanong nang tuluyan nang makalapit sa kanya. Mariing kinagat ni Yesxia ang labi niya at nangilid ang luha sa mga mata niya. Nabigla na lang ako nang mahigpit niya akong yakapin at tuluyan nang sumabog sa pag-iyak. "Hestia..." aniya at parang batang umiyak sa bisig ko. Dahan-dahan kong inangat sa ere ang kamay at hinagod ang likod niya. Mas lumakas naman ang iyak niya dahil sa ginawa kong 'yon. "Si Papa, inatake ng highblood niya. Nabigla na lang ako nang manikip ang dibdib n

