NAKAKASAKAL. Ito ang emosyong matagal ko rin hindi naramdaman dahil sa pagiging malayo ko sa pamilya, at ngayong umaga ko na lang muling naramdaman. Tila nasasakal muli ako habang kaharap ko ang kakambal at ang ama sa hapagkainan. Pero sa pagkakataong ito, hindi galit ang namumutawi sa akin sa nararamdaman kong emosyon na 'yon. Pakiramdam ko ay natutuwa pa ako dahil makalipas ng maraming taon ay muli kong naramdaman ang emosyong ito. Nababaliw na yata ako, o dala lang ito ng kalasingan ko kagabi kung kaya'y ganito ang nararamdaman ko. O kaya kailangan ko lang aminin sa sarili na masaya akong kasama ko ang pamilya ko sa pag-aagahan ngayon? "Hanggang kailan ka mananatili rito, Hestia?" Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang malamig na boses ng ama ko. Ilang beses akong napalunok ba

