MABILIS akong tumayo mula sa kinauupuan nang tumunog na ang bell senyales na oras na para sa break time. Isa-isa nang lumalabas ang mga kaklase ko para magtungo ng cafeteria. Nang mapansin kong isa si Chaos sa mga lalabas na kaklase ko ay dali-dali kong tinungo ang direksiyon niya. "Chaos!" I called out his attention. Mahina akong napasinghal nang parang hangin lang ako sa paligid niya, hindi man lang ako pinansin. "Chaos, stop walking!" Nang hindi pa rin tumitigil ang Montealegre sa paglalakad ay napilitan na akong takbuhin ang distansiya sa pagitan namin at iniharang ang sarili sa dinadaan niya dahilan para sa wakas ay mapatigil siya sa paglalakad. Hindi na ako nabigla nang pukulin ako ni Chaos ng masamang tingin. Malamang ay galit pa rin sa akin ang Montealegre'ng ito dahil sa malin

