Chapter 56 - I Like You

2198 Words

MAY pagdadalawang-isip sa akin habang kaharap ang pinto ng kwarto ni Silent. Hindi ko malaman kung kakatok na ba ako o aatras na lang. Pero kung hindi ko naman haharapin ang Montealegre para alamin kung ano na naman ang reklamo niya, baka makasama iyon sa usapan naming tatlo nila Mikael. Hindi ko puwedeng hayaang mangyari 'yon. Nang umalis kanina si Mikael ay ipinagkatiwala niya ang lahat dito sa resort sa akin. Sa huli, bumuntong hininga ako at inangat na sa ere ang kamao ko para katukin ang pinto ni Silent. Ilang saglit ang lumipas ay nagbukas ito at tumambad sa harapan ko si Silent. Nakakunot-noo niya akong pinukol ng tingin at sinenyasang pumasok sa loob. Hindi ko naman nagawang makapagsalita kaagad dahil may hawak siyang phone at mukhang may katawagan. Kaya labag sa loob kong pinaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD