bc

His Galaxy

book_age18+
240
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
possessive
second chance
brave
sweet
bxg
humorous
realistic earth
secrets
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Is second chance really worth it?

***

Gumuho ang mundo ni Andromeda nang mahuli niya ang kaniyang nobyo na si Gilleon sa isang motel kasama ang isang babaeng doble ng kaniyang edad. Mas lalo siyang nasaktan nang sa halip na magpaliwanag ay naglaho ito na parang bula at iniwan siya sa ere.

Lumipas ang ilang taon ay muli itong bumalik at humihingi ng pangalawang pagkakataon. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong nangyari ng gabing iyon?

Tatanggapin niya ba itong muli? O ito ang magiging sanhi ng kapahamakan sa tahimik na niyang buhay.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Happy anniversary, Love." Nagmulat ako ng mata nang marinig ang baritonong boses na iyon ni Gilleon sa likod ng aking tenga. Kasunod niyon ay ang mga mumunting halik sa aking leeg pababa sa aking hubad na dibdib. Napa-arko ang aking likuran nang maramdaman ang palad ni Gilleon na lumalandas sa aking tiyan. "Gilleon—" Naputol ang ungol ko sa pangalan niya nang bigla siyang bumangon dahil sa pagtunog ng kaniyang cellphone. Salubong ang kilay ko na tinitigan siya at umupo saka humalukipkip. Hindi ko tuloy alam kung ano ang priority niya ngayong araw dahil ang sabi niya ay naka-leave siya para sa anniversary celebration namin. "Ano?!" pasigaw na tanong niya at lumingon sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalinlangan sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. "Bakit?" I mouthed and raises my brow as a sign of annoyance. Trabaho pa rin ang inaatupag niya kahit naka-leave. Umiling lang siya at tumalikod saka tumayo. Lumapit din siya sa bintana na para bang sinasadyang lumayo sa akin. Pinaikot ko na lang ang mata ko at inabot ang roba saka dumiretso sa banyo. Ilang minuto pa lang ako sa loob at nasa kalagitnaan ako ng pagsa-sabon ng katawan nang may narinig akong katok. Umangat ang sulok ng labi ko dahil sa kapilyuhan ni Gilleon. Sexy time sa shower? Why not? "Katok-katok ka pa diyan. Pumasok kana—" "Love? I need to go. May pinapakuha ang boss ko—" Hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi nang malakas kong buksan ang pinto ng banyo. Masama ang tinging pinupukol ko sa kaniya at hindi ko na alintana na hubo't hubad akong nakatayo sa kaniyang harapan. "Aalis ka? 'Di ba anniversary natin?" I saw him swallowed a lump while staring on my nakedness. Napakurap pa siya nang ipitik ko ang daliri ko. Dumako sa mukha ko ang tingin niya at napapangiwi sa reaksyon ko dahil sa sinabi niya. "Urgent daw eh," aniya at lumapit sa akin saka hinaplos ang mukha kong may kojic pa. "Dumiretso kana sa favorite resto natin mamayang hapon. Promise, I'll be there." Ngumuso ako dahil sa inis. "Pero naka-leave ka." He sighed. "Saglit na saglit lang ito, pangako." Tumango na lang ako dahil bakas sa mukha niya ang pagmamadali. Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Napapikit naman ako dahil kahit saglit lang iyon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. "Don't be late, ha!" Tumango lang siya at naglakad palapit sa pinto. "I will lock the door, Love and don't open the door without looking at the peephole. Don't wear revealing clothes, okay?" "My body, my rule, lover boy." He sighed. "I know, Meda. Kaya lang kasi, hindi mo ako kasama mag-commute mamaya kaya hindi kita mapo-protektahan." I rolled my eyes. "Oo na! Sige na, nilalamig na ako." He chuckled. "I love you, Meda. I love you so f*****g much. Always remember that." Napaawang ang labi ko dahil sa biglang pagkabog ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Pinilig ko na lang ang ulo ko at mukhang napasobra na naman ako sa kape. "I love you too, Gilleon. Ingat ka." He waved goodbye and left. Pumasok naman ako sa banyo at nagpatuloy sa pagligo. Matapos ay lumabas na ako nang nakatapis at naglakad palapit sa closet. Live-in kami ni Gilleon mula college hanggang ngayon. Sa isang hindi kalakihang studio type apartment lang kami nakatira at kung minsan pa ay hindi umuuwi si Gilleon dahil sa kaniyang trabaho. Ni minsan ay hindi kami nag-away dahil sa babae kahit na ni isa sa mga katrabaho niya ay hindi ko pa nakikilala. Hindi ko rin kasi magawang magselos dahil napakabuti at mapagmahal niyang partner. At dahil maaga pa naman para sa early dinner date namin ay nagdesisyon akong lumabas ngunit nang akmang hahawakan ko ang seradura ay bahagyang gumalaw iyon. And I'm pretty sure that it wasn't Gilleon. Dumagundong sa kaba an dibdib ko at napaatras nang biglang lumakas ang ginagawang sapilitang pagpihit ng seradura. It takes a few minutes when it stop. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito at nakalimutan ko na namang sabihin kay Gilleon ang tungkol dito. I promise, I will tell him later. NASA loob na ako ng favorite resto namin ni Gilleon pero ni anino niya ay wala. Lumapit ako sa waitress para ipaalam ang tungkol sa reservation na agad nitong inasikaso. Iginiya ako nito sa isang al fresco dining for two. May candle, flowers and calming light sa paligid. The atmosphere feels so romantic and serene. Nang umalis ang waitress ay umupo ako at tumingin sa aking wrist watch. Supposedly, Gilleon should came here first. Pero bakit wala pa siya? Kinuha ko ang cellphone ko at wala man lang siyang text message. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage ang naririnig ko mula sa kabilang linya. I waited for him. Seconds, minutes, hours passes by. Pero walang Gilleon na dumating hanggang sa lapitan na lang ako ng waitress para sabihing magsasara na sila. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng resto at naglakad papunta sa jeep. But I suddenly froze when I saw a familiar face hopping in a luxurious car. "G-Gilleon?" Napalunok ako at nang umalis ang sasakyan ay mabilis akong pumara ng taxi. "Manong, sundan niyo po iyon!" saad ko sa driver. Walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na emosyon. Mas lalong tumindi ang aking nararamdamang kaba nang huminto kami sa isang Motel. The car went in at the parking lot. Matapos magbayad sa taxi ay nakatitig lang ako sa gusali kung saan huminto ang kotseng sinakyan ni Gilleon. It took me a few minutes to prepare myself. Pagpasok ko ay nakita ko silang pasakay ng elevator. Mukhang papunta sila ng fifth floor. Hindi ko naabutan iyon kaya tumakbo ako paakyat ng hagdan. Nang marating ko ang ika-limang palapag ay doon ko nakita ang pag-pasok ng isang may edad na babae katabi si Gilleon na may nakaka-akit na ngiti sa labi. Mabibigat ang paa na lumapit ako sa unit at mukhang sinasadyang hindi iyon isara. Nanginginig ang aking kamay na itinulak ang pinto. My world crashed into pieces when I saw how Gilleon buried his face on the old woman's neck while on top. Hindi ko na napigilan ang luha ko at ang panginginig ng aking kalamnan dahil sa galit. "Mga baboy kayo!" They both looked at me. Shock written on Gilleon's face. Sino bang hindi magugulat? "A-Andromeda?" anito at umalis sa ibabaw ng babaeng nakataas lang ang kilay sa akin. Nilingon niya pa ang babae bago lumapit at akmang hahawakan ako nang tapikin ko ang kamay niya. "Huwag mo akong hahawakan!" sigaw ko at umatras. Tila nilalakumos ang puso ko dahil sa sobrang sakit ng pinaramdam niya sa akin. "Love—" "Don't love me! Love-lovin mo mukha mo! Nakakadiri ka! Manloloko! Sinungaling!" Akmang lalapitan ko ang babae dahil nangangati ang kamay kong sabunutan siya nang biglang harangin ako ni Gilleon. Sinubukan kong pumalag ngunit malakas niya akong itinulak dahilan para sumalampak ako sa malamig na tiles. "s**t! Sorry, Meda—" "Huwag." He froze. Nagawa niya akong itulak upang protektahan ang babae niya mula sa akin. Wala na atang mas sasasakit pa doon. "Love, please. Let's talk later—" "Today is our eight-year anniversary, Gil." Tiningala ko siya at tinitigan nang mataman. "Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Nang akmang sasagot siya ay bigla siyang hinila nang babaeng kasama nito sa kama. Nakataas ang kilay nito sa akin at kung makatitig ay para akong nakakadiring basura. Base sa pananamit at itsura nito ay mukhang mayaman at may kapangyarihan ang babae. Kaya ba nagawa akong ipagpalit ni Gil sa kaniya? "Who is she?" tanong nito kay Gil. "Should I call my men—" "You don't have to do that," sagot ni Gil at nginitian nang matamis ang babae. "Let's go inside." Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at nang akmang tatalikod si Gilleon ay mabilis akong tumayo at humawak sa kaniyang braso para pigilin siya. He looked at me. "G-Gil, uwi na tayo," umiiyak na sabi ko sa kaniya. Napabuntong-hininga lang siya at inalis ang kamay ko sa kaniyang braso. "Umalis kana dito, Meda. Please." I suddenly feel empty. Tuluyan na siyang tumalikod at iginiya ang babae papasok saka isinara ang pinto ng unit. My heart is clenching so hard. Tila nagpira-piraso ang lahat ng pangarap na sabay naming binuo. Naglaho na parang bula. Tumakbo ako palabas ng gusali na walang ibang dala kundi ang sama ng loob at sakit na pinaramdam ni Gilleon sa akin. The excruciating pain makes me numb and bitter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook