Where to?
Kasalukuyang lulan ng pampasaherong bus si Natalya papuntang North Cotabato. Mangilan-ngilan pa silang mga pasahero sa loob, halos wala pa sa kalahati.
Nakaupo siya sa pang-isahang upuan sa bandang likuran mismo ng driver. Gusto niya ang pwesto na yun para di masyadong disturbo lalo na kung may ibang pasaherong sasakay.
Isang oras pa siya maghihintay sa terminal bago umalis ang bus at balak nyang matulog kahit sandali lang habang nasa biyahe.
Isinadal niya ang kanyang ulo bintanang salamin na nakasara. Ipinikit nya ang kanyang mga mata habang nag iisip kung anong oras siya makakarating sa Falcon Farm.
She opened her eyes ng maramdaman niyang umaandar na ang bus. Tiningnan nya ang relong pambisig at nakita nyang nakatulog pala sya ng halos isang oras.
Tumingin siya sa lagayan ng mga bagahe sa bandang itaas at nakita nyang andun pa ang backpack niya. Di naman sa wala syang tiwala sa mga tao, kailangan lang talagang mag doble ingat sa panahon ngayon.
Isang backpack, gitara, at ang kanyang sling bag lang ang mga gamit dala nya. Madalian ang pag impake niya, mga importanteng gamit at papeles lang ang laman ng kanyang bagahe. Ayaw niyang may makahalata na aalis sya at malayo ang pupuntahan.
Hindi rin niya alam kung hanggang kailan sya mananatili sa farm.
Depende. . .
Depende kung walang makakaalam.
Depende kung hindi siya masusundan.
Kung siya lang gusto na niyang doon manatili.
Halos puno na ang bus, mabuti nalang at dito sya sa harapan umupo. Kinuha niya ang kanyang jacket nakapatong sa gitara niya na nakalagay sa bandang gilid malapit sa bintana.
Lumalamig na ang aircon ng bus at naka cutoff denim shorts lang sya at cotton t-shirt sya na medyo makapal. Penaresan niya ito ng paboritong sneakers na Chuck Taylor. Isinuot niya ang kanyang itim na jacket at inayos ang hood nito para masuot sa ulo niya at isinuot ang medyo may kalakihang itim na salamin sa mata.
Inaantok talaga sya. Napatingin sya sa palabas sa telebisyon sa bus. Isa itong comedy prank show. Natawa sya. At naibsan ng konti ang problemang dinadala niya.