Nangunot ang noo niya, wala na ang daan na dinaanan niya kanina, sarado na, kinabahan siya bigla, napapunas siya ng luha. Nagpa lingalinga siya baka sakaling namali lang siya ng daan, sumilip siya sa bintana, at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makitang tila langgam nalang ang laki ng mga tao sa islang pinanggalingan niya kanina. Napakabilis ng andar ng yate, mabilis siyang tumakbo pabalik, naabutan niya itong nakatingin sa laot. "Gabriel, ibalik mo tong sasakyan, maiiwan ako ng flight ko." sabi ko dito, wala na siyang pakialam ngayon, alam niyang tigmak ng luha ang mga mata niya. "Save your breath, babalik din naman tayo." sabi nito na iniwan ako doon. Tiningnan ko kung lumiko ba ito pabalik, pero lalong lumayo, hanggang sa papadilim na, at nakita niyang alas singko

