Iniwasan niyang mapahagulhol, kahit na ,kanina pa niya gustong mag breakdown. Ito ang nag drive, mas okay iyon, kasi di niya alam kung kaya niyang mag drive, sa estado ng kanyang emosyon, parang gusto niyang kumanta ng 'labis na nasaktan', kasi bagay na bagay iyon ngayon sa kanya. Parang fit na fit sa nararamdaman niya ngayon ang kantang iyon. Napakarami niyang naging alaala dito, na kasama ito, mula sa tahanan nila, sa trabaho at maging sa hometown nila sa bukidnon, parang kailan lang iyon, tapos ngayon goodbye na ang drama nilang dalawa. Tumunog ang cellphone ko, si Morres, kailangan niya ito ngayon, gusto niyang yumakap dito at kay Mia, pag ganitong mga pagkakataon gusto niyang umiyak lang maghapon, at magmokmok, maybe hahabaan niya ang stay niya sa Boracay, lalo at alam niyang kailan

