Isang buwan mahigit na ang nakalipas, simula ng bumalik sila from bukidnon. Kinailangan ni Gab na pumunta ng US, ilang araw pagtapos nilang bumalik ng Manila, ayun dito ay magpapaopera ang Daddy nito, she fully understand that, ngunit, tanging kumusta lang ang nagagawa nitong i message sa kanya, sabagay at least hindi Hi or hello lang. Araw nalang ang binibilang, kaarawan na niya, habang papalapit ang araw na iyon, ay lalong nawawala na ang pag asang makakapag asawa siya. Ilang gabi na din siyang nag iiyak, she can't help, but to think negatively, lalo at nalaman niyang nakauwe na pala ito ng pilipinas, at di na nagpakita sa kanya. Nagpadala na rin siya ng resignation letter, kaya di na siya pumapasok ng trabaho, nagmumokmok na rin siya palagi. "Hoy, LJ bangon na diyan, buntis kaba?", s

