Araw ng libing ng Lola niya, naging payapa naman ang paghahatid nila sa huling hantungan nito. Di umalis sa tabi nito ang Lolo niya, habang nakikita niya ang Lolo niya, nalulungkot siya para rito, literal na barkada kasi ang dalawa, at ngayon nga ay naiwan itong mag isa, isasama nila ito sa Manila, pansamantala lang naman. Maghapon silang natolog matapos ang libing, nagbawi sila ng tolog, pero ang mga bisita nila ayon kaninang umaga palang e, nag gala na kasama si Kuya Fiel. Tatlong beses na ata siyang naghikab, nagising siya kaninang mag isa nalang sa kama, binihisan na siya nito, ayon sa Mommy niya, sumama ito sa bayan, namili ng mga kakailanganin nila sa padasal bukas. "Yan, sama ka kasi ng sama kay Kuya Gab, kaya ka napupuyat e, nakailang rounds ba kayo?", si Lianne na kinurot ko.

