Nakatolog na nga siya, nagising siya sa mahihinang katok, pupungas pungas siyang bumangon, baka si Mommy na naman niya. Ngunit si Gab ang nabungaran niya, nahihiya siyang napatakip ng bibig, at napasuklay sa buhok niya, susme, parang binagyo pa naman ang buhok niya. "Bakit?" tanong ko. "Matotolog na ako, Sweetheart baka gusto mo na akong papasokin", nakangiting sabi nito. "Ba-ka makita ka nila Mommy." kinakabahan niyang sabi dito, kung siya lang e, mas gusto niyang katabi itong matulog. "Sweetheart, nandiyan sa loob ang gamit ko, kasi dito ako pinapasok ni Mommy." sabi nito, siya naman napamaang at napalunok, patay, mukhang di tolog ang mangyayari, pinapasok niya ito, bago ni lock ang pinto. Binuksan niya ang ilaw, nandun nga sa isang tabi ang backpack nito, kumuha ito ng boxer ata.

