Leo We checked all the footage near in our house. Mula sa pagdating ng isang sasakyan sa harap ng bahay namin at pagbukas ng Manang Hilda sa gate at pagpapapasok ng pinsan ng asawa ko. Ilang minuto pa ang nakakaraan ay may dumating ding mga lalake at pumasok rin sa bahay. Sinalubong sila ni Mang Kanor pero agad pinuruhan sa likod at nawalan ito ng malay at tinago sa gilid. Pagkalipas ng ilang minuto ay hawak na nila si Manang Hilda na buhat ang anak ko. Pumapalag si Manang Hilda pero nakatutok sakanya ang baril hanggang sa naipasok nila ito sa sasakyan at umalis. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas narin ang babae at sumakay din ng sasakyan niya. Wala pang dalawang minuto ay sumunod ang asawa kong may dalang paper bag at tinapon sa garbage bag sa labas ng gate at makalipas ang ilang

