Leo Sunod sunod ang puntahan ng mga nagrereklamo dito sa prisinto ng San Felipe. Isang barangay na halos ang daing ng mga tao ay ang mga nawawalang anak nila na halos nasa dalawang taon pababa ang talagang nakukuha nila. "Pinagkatiwalaan ko ang babaeng iyon! Akala ko nangangailangan talaga ng tirahan! Umiyak pa sa harapan ko, pero kapalit pala non ay kukunin niya ang anak ko!!" Hagulgol at reklamo ng isang ina at maya maya ay nagwawala na. Sa sitwasyon palang niya ay nakikita ko na ang asawa ko ngayon kung ano ang nararamdaman niya kapag hindi ko pa makita ang anak namin. Tiningnan ko ang bawat ang mukha ng mga tao dito. Hindi ko maikukubli na talagang naisahan sila ng mga taong iyon. "May dating hideout daw ang mga sindikatong ito pero umalis nang malaman ng mga pulis. May mga nahu

