Xandra "Malaking kawalan sa kumpanya mo si Mr. Gates Leo. Why you carelessly said that to him??" naiinis na saad ni Glady sa harapan namin matapos ang nangyari kanina. Halos kami nalang ang naiwan ngayon sa bahay at nakaalis na ang mga bisita. "Hindi kawalan ang pangalan niya sa kumpanya ni Leo. His company can stand alone without his name." singit ni Bry habang hawak ang phone na parang may katext. "Pero ako ang kumausap kay Mr. Gates. Ako ang nagrecommend sakanya kay Leo." "Who told you to meddle?" Bigla kaming napalingon lahat kay Leo. Walang emosyon ang mukha ngunit kita sa mata na hindi ito natuwa sa narinig. "I-I just want to help Leo. Alam kong hindi mo sinasabi sa iba ang sitwasyon ngayon ng ... " "SHUT UP!" Halos magulat ako pati ang ibang nakarinig. "Hindi ko kailangan ng

