Xandra Dumating ang ilang buwan at sasapit na ang isang taon ng baby namin. Wala na kaming ibang hiling sa Panginoon kundi ang kaligtasan, kalusugan at mahabang taon na magkakasama kami bilang pamilya. Giving her the best and making her happy is enough for both of us as her parents. Parang kailan lang nang buhat buhat namin siya kada oras. Ngayon ay ayaw nang magpabuhat. Ngiti, tawa at mga halakhak niya ang nakakabuhay dito sa bahay. Kahit minsan na may hindi kami napagkakasundo ni Leo, ang anak namin ang nagpapadikit sa amin. That's how powerful her presence is. She's growing. She learned 'baba' 'mama' 'dada'. Those simple words from her fill our heart with excitement. Malikot at gusto laging nailalapag sa floor. Nagpapahabol narin gamit ang walker niya kapag nailagay namin doon. Mal

