Xandra Napatda at napaatras ako. Napaawang ang labi ko. Hindi maproseso sa utak ko ang mga narinig. Si Haux? Na kaibigan ko ng ilang taon? Na kasintahan ng kaibigan kong si Lexi at aamin sa akin na gusto ako at papakasalan ako kahit alam niyang buntis ako? Gusto ko siyang tanungin, barain na baka prank o biro lang ito pero kita ko sa mga mata niya ang sinsero sa mga sinasabi niya. Seryoso at totoo sa bawat salitang binitawan. Napailing ako. Hindi pwede ang gusto niyang mangyari at hinihiling. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso at napatingin sa kanyang may pagkamangha. "Let go of me Haux." Utos ko. "Marry me Xandra. I can give you everything you want. I will do everything you wanted me to do. Just marry me." He pleaded. Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya sa

