Xandra Napamulat ako ng hagkan ako ng malamig na hangin mula sa bintanang nakabukas at sinasayaw ang puting kurtina nito. Hindi ko namalayan ang pagdating namin dito. Hindi ko rin alam kung nasaan ako. Kami. Nakatulog ako sa buong byahe. Siguro ay dahil sa pagod kakaiyak at pagod din sa pinagdaanan ko sa isang araw kahapon. Mula sa pagtangkang halayin at pag-amin ni Haux sa ginawa ni daddy na pagbebenta sa akin kapalit ng hinahangad niyang proyekto, hanggang sa marinig at malaman ko naman na matagal na akong binabackstab ni Nanny at ni Daddy. At ang masakit pa ay ang malamang siya ang kabit ni Daddy. Sa pagguho ng mundo ko kahapon ay ang pagbangon kong muli ng makita ko si Leo. Para akong nabuhayan at nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong inaapakan ko. Ang inaasam kong kalayaan

