Chapter 3

3092 Words
Xandra POV "XANDRA!" Agad kong itinakip ang unan sa ulohan ko. Hinila ko rin ang kumot ko para hindi ko marinig ang nakakarinding tawag ng pinsan ko. Kailangan ko na bang lumipat? I should do that, maybe later ay maghahanap na ako ng condo para hindi nasisira ang umaga at araw ko. Sunod sunod na malalakas na katok ang sumunod na kinasama ng mukha ko at masama kong tiningnan ang pintuan. Padabog akong bumangon at winasiwas ang kumot sa kandungan ko. Tumayo ako at tinungo ang pintuan na mainit agad ang ulo ko. "What!??" bungad ko ng buksan ko ang pintuan. Nakahalukipkip itong masama akong tinititigan na para bang may ginawa akong mali sakanya. Tumaas ang isang kilay ko at sinalubong ang masama niyang titig. Hindi ako nagpatinig roon. Pumasok ito sa kwarto na halos pasadyang banggain pa ako sa balikat at umupo sa kama ko. "What do you want!?" Irita kong tanong at humalukipkip rin akong hinarap siya ng maisara ko ang pinto. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta si Kurt dito." salubong ang kilay ko siyang tiningnan. "Who's Kurt?" I curiously asked then walking towards in my vanity mirror. Kumuha ako ng isang tali at pinusod ko ang buhok ko. "My ex." Agad ko siyang nilingon. "Then why are you asking me ..." natigil ako ng may maalala. "wait.. Is the Kurt you're talking is the guy who came here yesterday?" Remembering the name she mentioned. "Exactly! Bakit siya pumunta dito at ikaw pa talaga ang kinausap?? How dare you!" She glared at me. "Well, siya pala ang kasama ko that night." Informing her. Biglang namilog ang mata niya sa narinig. "Huwag mong sabihin na ... " I smirked. Tumayo siya at akmang susugurin ako. "Nothing happened between us okay. I was messed up that night." Paglilinis ko ng utak niya. Halos lumaki ang butas ng ilong dahil sa inis sa akin. "And I can't remember anything." Dagdag ko. "Make sure na wala talagang nangyari sa inyo dahil ako ang makakalaban mo kapag ginalaw mo siya." pagbabanta niya sa akin na kinatawa ko. "Are you threatening me? So ako pa ang dangerous for him?" tumawa ako at nilagpasan ko siya. "Baka sayo siya mas kailangang mag-ingat, hindi sa akin Chloe. Kung tutuusin, you're more devil than me." Balik ko sakanya. She then glare at me. I evily smirked then turn my back from her and went to the bathroom. Binuksan kong muli ang pintuan at sumilip. "Just in case you wouldn't found me here, don't look for me. I will be leaving here in peace." And then close the again after stating those. I never heard anything from her aside from the door she'd slammed after she went out. Halos mag-echo sa buong bahay nila ang lakas ng pagkakasara niya sa pinto. I smirked and remove my shirt and take my shower. After an hour ay lumabas na ako ng bahay nila dala ang maleta ko. Nalilito at nagtatanong man ang mukha ni manang Linda ng makita ako ay hindi ko na iyon inentertain pa, bagkos ay nginitian ko lang siya at lumabas na ng bahay nila. Staying too long here suffocated me. I need to look for an apartment or condo maybe. I need to save money for my own. Hindi habang panahon ay aasa ako sakanila. Hindi nga rin ako sigurado kung magagawa ko ang gusto nila sa akin but in exchange to get my freedom ay gagawin ko ito. I was infront of a huge building of an apartment. Kumpara sa mga mumurahing appartment dito sa Manila ay ito na ang sa tingin kong mas kuha sa taste ko. I searched for this. I won't stay here for long kaya apartment na ang kukunin ko. I went in and look for the owner. After negotiating to the landlady ay nasa akin na ang susi. May apartment is on the 4th floor. Nang makapasok ako ay kita ko ang kagandahan sa loob. The interior design doesn't define me personally but calms my soul and relaxes my eyes. I found home here. Kompleto narin ang mga gamit at naayon sa presyong sinabi sa akin. Maliit ang space pero tama lang sa akin na mag-isang titira dito. Satisfied na ako at masasabing nakaramdam ako ng kalayaan dito. Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na sofa. Pinatong ko rin ang paa ko sa center glass table at pinatong ang dalawang kamay ko sa sandalan. Nakatingala ako sa kisame na para bang lumulutang ang pakiramdam sa saya. This might be the freedom that they're talking about. Iyong tipong ang gaan sa pakiramdam na para bang nakalaya na ako mula sa pagkakakulong. I roamed my eyes again here. Napakagat ako sa labi at napangiti ng sumagi ang iba't ibang idea sa isip ko. Matagal ko nang gustong gawin ito pero wala akong chance na gawin iyon dahil nakatali ako sa mga gusto nila. Sa mga responsibilities na pinatong sa akin magmula ng bata pa ako. Lagi kong hinahanap how will I please them and treat me like their own pero nothing happened. I end up asking for nothing and now I'm here carrying the burden of being their perks. Pumunta ako sa kitchen at nagtingin ng mga utensils. Sa cabinet, drawer ay wala akong nakita. So bibili pa ako kung ganun? Tiningnan ko rin ang refrigerator at wala ring laman maliban sa mga bottled water na tatlo. Kumuha ako ng papel at lapis. Nilista ko ang lahat ng wala. First time ko tong gagawin sa buong buhay ko. I feel so excited. Lumabas ako ng apartment na dala ang shoulder bag wearing may oversized tshirt and short ay pinares ko siya sa flat sandal ko. I want to be normal this time. Iyong tipong walang nagtuturo o nag oobliga sa akin. Iyong tinitingnan ako bilang ako at malayo sa pagkakakilala sa akin dahil sa nilakihan kong buhay. I want a simple life. I want a peaceful life. Dahil nakaramdam una ako ng gutom ay naghanap muna ako ng magandang restaurant na pwedeng kainan at maganda ang reviews. Nakarating ako sa isang simple but classic na restaurant. Marami rin ang kumakain at mukhang masarap dahil sa mga mukhang satisfied ang mukha ng mga customers nila dito. Napansin ko ang isang babae na nasa counter at hawak ang phone. Naghanap ako ng magandang pwesto at umupo. I flip my blonde hair and wait for a waiter to approach me. After a minute ay may lumapit na lalake. A waiter with a very huge smile on me. I smiled too. He get my order and after a few minutes ay andiyan na order ko. Sa sobrang gutom ko ay mabilis ko itong nakain at naubos. Naging magana akong kumain dahil ramdam ko ang kalayaan ko. I left the restaurant after I ate everything. Nasa grocery na ako at nasa utensils area na ako. Hindi ako makapili dahil hindi ko alam kung saan ang mas maganda hanggang sa may lumapit sa aking staff na mukhang napansin din akong kaninang pang nakamasid sa mga nasa harapan ko. I composed myself. "Kailangan niyo po ng tulong maam?" She asked me. "I can't just decide what to buy?" amin ko. Nagsimula itong lumapit sa mga kagamitang panluto at inisa isang inexplain sa akin. She even helped me to choose what to buy. I feel comfortable with this girl kaya sakanya narin ako humingi ng tulong para sa mga ibang gamit sa apartment na wala dito sa listahan ko. We even chatted some stuff out of my intention here. She's Irene, my new friend. Nang makarating ako sa apartment ko ay inayos ko na ang lahat. Nilagay sa tamang lagayan ang mga gamit panluto. Mga groceries ay nilagay sa cabinet at drawer at ang iba naman ay sa refrigerator. Bumili narin ako ng mga gamit panlinis at nang makita na nasa order ang lahat ay nakahinga ako ng maayos. Satisfied ako. Nagsimula na ako magluto ng kanin sa rice cooker. Nilabas ko naman ang isang dilata ng cornbeef at itlog. I mixed them. Later on ay naluto ko na ito at kinain ko narin after. Nagshower and do my evening routine at nagpahinga. Before sleeping ay muli kong nilibot ang mata ko sa buong kwarto ko. Bukas ay hindi na ako makakarinig ng nakakarinding boses ni Chloe, wala ring mang -iistorbo sa akin sa pagtulog. Walang mambubulabog at walang nakakainis na magtatanong sa mga gagawin ko. Walang mangengealam sa kung saan ako pupunta at higit sa lahat ay walang magdidikta sa kung anong gagawin ko. I closed my eyes dismissing my mind from those thought. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Maganda ang gising ko. Nakaluto na ako ng pagkain ko. Ini-on ko ang TV para isabay sana sa pagkain ko ng may kumatok sa pintuan. Kumunot ang noo ko. Nilapag ko ang pagkain sa glass table at tinungo ang pintuan. Nang buksan ko ito at ay iyong landlady pala namin. "Goodmorning po." Bati ko. "Goodmorning din iha. Nakalimutan ko itong ibigay kahapon." inabot niya sa akin ang isang basket ng prutas. "Binibigay ko ito sa mga bagong umuupa dito." dagdag niya. Napangiti ako. She's so kind and cheerful. I just remembered nanny to her. Kamusta na kaya siya? "Thank you po." magalang kong pasasalamat. Satisfied ka na nga sa inuupahan mo, bibigyan ka pa ng prutas bilang pagwelcome sayo. "Walang anuman iha." sagot niya. "May kasama din po akong bagong lipat dito?" tanong ko ng mapansin na may isang dala pa ito. "Ahh oo." Nakangiting sagot niya. "Kagabi lang lumipat. Dito, dito sa katabi mo." turo niya sa kabilang pintuan. "Really? Glad to have my new neighbor. She'll be happy too with your welcome gift." saad kong nakangiti. "Lalake iyon iha." Pagtatama niya sa akin. "Ohh." tanging nasagot ko at tumango tango nalang ako. "Oh siya at susunod ko namang puntahan iyon." at tinapik na ako sa braso bago ito tumungo sa kabila. Pumasok akong dala ang mga prutas at nilagay sa maliit na table ko sa kusina. Kumuha ako ng isang orange at sinabay ko sa pagkain ko. Nakaligo na ako at nakaayos narin ng makatanggap ako ng sunod sunod na tawag. It was my dad. Siguro ay nalaman na niya ang pag alis ko kina Chloe. I smirked bitterly. I was their daughter pero sa iba sila mas nagtitiwala at naniniwala. Nagsinunaling na naman siguro ang babaeng iyon sa daddy ko. I sighed. What else should I expect from her? She's the worst. I wore a denim dress na above the knee with my white sneaker. Sinugbit ko ang shoulder bag at lumabas na ng apartment ko. Nasa elevator na ako at pipindutin na sana ng may humabol na sumakay na dalawang lalake. Napatingin ako sa mga ito. The other guy is taller than the other one. Parehas silang nakapang office attire. The taller guy looks familiar to me but I didn't gave much attention to it. I didn't scan them too long dahil pinindot ko na ang button. Nilabas ko ang cellphone ko galing sa bag at tiningnan ang mga message sa akin ng daddy ko. Nagbabasa ako ng mga message ng biglang tumigil at bumukas ang pintuan ng elevator at napalikod ako dahil sa dami ng pumasok. Pag-atras ko ay may biglang pumisil sa pwet ko na kinaigtad at harap sa lalaking matangkad kanina. Inosenteng nakatingin ng diretso sa harap at napatingin lang ito ng hinarap ko siya. I glared at him and gave him a sharp look. Tumagilid ako palayo ng kaunti sakanya pero dahil sa siksikan kaming lahat dito ay hindi ako masyadong nakalayo sakanya. When we reach the ground, naramdaman ko na naman ang kamay niyang pinisil ang pwet ko kaya hinarap kong muli siya at malutong na sinampal. "p*****t!" I shouted. Nagulat siya sa ginawa ko maski ang mga kasamahan namin dito sa loob. Bumukas ang pintuan at lumabas ang mga tao mukhang pinag-uusapan ang ginawa ko sa lalake. Tulala at napaawang ito ng labi sa ginawa ko na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko sakanya. I hissed. Kunwaring walang ginawa? Good actor huh! He didn't look at me ,instead, he glared the person behind me. Sinundan ko iyon at nakita ko ang isa pang lalakeng kasabay niya kaninang pumasok. He was smirking like no one notice his existence. At doon ko napagtanto ang ginawa ko sa kaharap ko. Napagbintangan ko ba siya? Oh no! I was about to say sorry when he reach the hand of that guy. "Ikaw ba?" isang buo at mababang boses ang narinig kong tanong ng kaharap kong lalake sa isa na papalabas na. Pagkarinig ko palang sa boses nito ay para bang kinilabutan ako. It's like a warning for me not to make mistake next time. I gulped. I looked at the guy behind me. Maang itong umiling. Salubong ang kilay ko sa asta nito at tumingin pa ito sa akin. "Really?" At tumingin ito sa taas. Sa gilid namin. Napasunod din ako at nakita ko ang isang CCTV. Nag-iba ang mukha ng lalake na kanina ay nakangisi lang ngayon ay biglang kinabahan. He looks furious now. Tatakas na sana ito ng hilain siya sa kwelyo ng lalakeng matangkad at pinigilang lumabas. "Aminin mo ang kasalanan mo." Utos nito. May bahid ng takot at kaba sa mukha ng lalake. Halos malukot ang coat nitong maayos pa kanina ng pumasok ito. Bukod sa mas matangkad ang lalakeng nakahawak sakanya ngayon ay halata rin ang nakakatakot na aura nito sa simpleng pag-uutos niya na gagawin. Hindi pasigaw, hindi rin galit pero dala nito ang pangamba na pwedeng mangyari sa utos niya. "A-ako a-ang gum-gumawa non miss." Utal at takot na takot na amin niya. "In detailed." He commanded maintaining his authorative and low voice. "Ako ang pumisil sa pwet mo." at biglang tinakpan niya ang buong mukha niya ng braso niya na para bang sasampalin ko rin siya nang gaya ng ginawa ko kanina sa humahawak sakanya. Sumeryoso ang mukha ko. Nang mapansin niyang wala pa akong ginagawa ay sumilip ito sa akin na para bang nag-aalangan. Dahan dahan nitong tinanggal ang braso sa mukha at doon ko naman sinalubungan ng malakas na sampal na halos mauntog ito sa pader ng elevator at mapaupo dahil sa pagkakatama nito. "The next time you'll do that again, I'll make sure to see you in jail." banta ko dito at sa sobring inis ko ay tinalikuran ko ang mga ito at iniwan ang dalawa sa elevator. I composed myself. Sa CR muna ako tumungo at inayos ang sarili ko. Nanggigil ako. This is my first day but that guy ruined it and I hate him so much. Paglabas ko sa CR ay agad kong hinanap ang phone ko sa bag, sa bulsa. Nataranta ako ng hindi ko iyon mahanap. Bumalik ulit ako sa elevator pero closed na ito. "Nahulog mo." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Hinarap ko ito. It was the guy whom I slapped turned to be my savior. "T-thank you." Kuha ko sa inabot niya and then he left. Sinundan ko ito ng tingin. I scan his back. He has a broad shoulder. Long and strong legs. Muscled arms and good physique. Very manly. "Excuse me miss." Napaigtad ako ng mapansing nakaharang ako sa bungaran ng elevator. Pumagilid ako. Hinanap ko ulit siya pero hindi ko na siya mahanap pa. Lumabas ako at tinungo ang malapit na bus stop. Malapit lang naman sa hotel ang apartment ko at isang sakayan lang ng bus. I was hesitant at first riding a bus going there but collecting experience far from what I live in is something I can keep in. Pagstop ng bus ay agad na akong sumakay. Nang makahanap ako ng vacant seat ay agad akong umupo sa malapit sa bintana. Hindi ko na napansin ang mga nagdadaan at pumasok na pasahero na maski ang tumabi sa akin ay hindi ko rin inalintanang lingunin. My eyes were busy looking afar when the conductor asked where I'm going. Sinabi ko ang lugar pero napakamot ito ng ulo. "Naku miss, sa baclaran ang rota ng bus namin at hindi kami dadaan doon." Paliwanag niya. My lips parted hearing those. Agad akong nagpababa ng mapagtantong ibang bus at wrong way din ito. Nagpalingalinga ako at nagdecide na magtaxi nalang. Nang makapara ako ay agad kong sinabi ang lugar na pupuntahan ko. I checked on my wallet kung may cash ako. Wala na sa isang libo ang pera ko. I cursed. Nakalimutan kong makapagwithraw. What's wrong with me? Bakit ako minamalas. Sinundan ko ang metro nito sa harapan at mabilis ang pagtakbo kahit nakahinto at nag-aantay na umusad ang traffic. I was trapped. "Manong. Pakibaba nalang po ako sa tabi." I said. Nagtaka siya sa una pero niliko niya ito at binaba rin ako. Ang malapit na daan ay naging malayo dahil sa pagiging absent minded ko. Napansin ko ang isang malaking building. Nagsisilabasan ang mga employees and staff. Bigla akong nakaramdam ng inggit. I want that. I want that kind of work. Noong bata ako ay lagi kong pinagmamasdan ang mga employees ng magulang ko sa company. They were all busy rushing something but still have time to laugh and chitchat with their colleagues. Free time to relax kumbaga. When my dad told me to take a business course, I grab it immediately. It's my line anyway. I studied well. I got high marks. But everything went into nothing when I heard my mom wouldn't let me in to work in our company. I heard that my dad agreed too. I crampled my supposed gift to them. My grades. I graduated with flying colors but not totally happy at all. They attended my graduation at last but not that same feelings I have felt before. I'm not happy. I was dissappointed. All my life, I was tied up and pleasing their wants and now asking for my freedom in exchange of their request. I hate my life. I hate being born like this. I turned my back from that building when I notice a familiar guy standing not too far from me. He's looking at me. Ang tindig at ang mata ay nasa akin. No emotion. Just his eyes met mine. Lumapit siya sa akin. I was stuck on the way he looked at me na para bang kami lang tao sa lugar na ito. For the second time, I feel like we've met before pero hindi ko maalala kung saan. When he reached my place, he stopped. His both hands were in his pockets. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "We met again, Miss Jones."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD