Chapter 3

1026 Words
3RD PERSON POV Kinabukasan, maaga na siyang nagising, hinayaan muna niyang maka tulog si Lila. Siya na ang nagluto ng agahan para sa kanyang tiyahin at mga anak nito. "A-Ate, bakit di mo ako agad ginising?" "Mukhang masarap kasi ang tulog mo," natatawa pa niyang ani dito kaya sumimangot ang kanyang kapatid. Lalo naman siyang napatawa at hinaplos nang puno ng pagmamahal ang ulo at hinalikan ang noo nito. Paalis na siya patungo sa bayan ngayon para magbenta ng malalaki at matatabang tupa. Sakay ng depadyak na lalagyan ng ibebentang alaga ay nagtungo na siya sa bayan. May mababait na ka-nayon siyang nakakasalubong na nag aabot at nagbibigay ng sariwang gulay at prutas. "Maraming maraming salamat po, aling Nena. Dadalhan ko po kayo ng harina pagbalik ko." "Naku wag na Red, baka mapagalitan ka pa ng tiyahin mo kapag binawasan mo ang perang napagbentahan ng mga tupa." pagtanggi pa nito. "Oo nga pala, kamusta naman ang pagtrato ng tiyahin mo sa inyo ni Lila?" medyo nabigla siya sa tanong nito kaya di agad nakasagot. "A-Ah maayos naman po, wag na po kayo mag alala." "Naku, totoo ba yang sinabi mo. Ibinilin pa naman kayo ng inyong ama sa akin." anito pa kaya napangiti siya. Kahit marami nang taon na lumipas nang mamatay ang kanyang ama, ramdam pa rin niya ang pag mamahal nito sa kanila. "Marami po talagang salamat aling Nena, maayos lang po kami. Tutuloy na po ako." pagpapaalam pa niya dito. Tumango naman ito at kumaway. Makalipas ang ilang oras na pagpapadyak, halos mangimay na ang kanyang binti pero masaya siya sapagkat nakarating na siya sa bayan. Maingay dito at maraming mga tao, napakasarap nila pagmasdan. Lalo na ang iba't ibang mga tinda na makikita rito. Itinabi niya ang sasakyan at ibinaba ang mga tupa para makita ng mga mamimili. "Uii Red, akala ko di ka magtitinda ngayon ah!" masiglang saad ng kaibigan niyang si Theo. Ang pamilya nito ay magtitinda ng tinapay, may panaderya ang mga ito kaya hindi naghihirap sa buhay. Kaya naging kaibigan niya ito sapagkat sa labas ng panaderya nina Theo siya lagi nagtitinda. "Ikaw talaga, nahuli lang ako ng ilang minuto inakala mo na agad iyon," sagot naman niya dito. "Bakit hinihintay mo ba ako?" nakangisi pa niyang turan, kaya namula ang pisngi ng binata. "U-Uy hindi ah, s-sinong naghihintay sayo?" pagtanggi pa nito, sabay kamot sa ulo. Habang nagkukulitan sila ay lumabas ang ina ni Theo, binati niya ito at nagpasalamat muli sa pagpagpayag na magtinda siya sa harap ng panaderya ng mga ito. "Magandang umaga din Red, mabuti narito ka na, kanina ka pang hinihintay ni The--" "Ina naman!" Napatawa siya dahil sa hiyang hiya na mukha ng kaibigan. Gusto pa sana niya itong asarin ng makarinig sila ng kaguluhan sa di kalayuan. Napasilay siya pero di niya makita ang nangyayari sapagkat napapalibutan ito ng maraming tao. Hindi rin naman siya makaalis sa pwesyo dahil baka nakawin ang kanyang mga tindang tupa. Maya-maya pa at nakita niya si Theo na tumatakbo palapit sa kanyang dereksyon. Napaka-chismoso talaga ng lalaking ito, ni hindi niya namalayan na wala na pala ito sa kanyang tabi at nakatakbo agad sa mga nagkakagulong tao. "Oh anong balita?" "Wala naman, may matandang baliw lang dun na kung ano-anong sinasabi," anito, na bakas ang pagkadismaya. 'Luko din ang isang to, gusto pa atang makita ay ang mga taong nagbubugbugan o nag aaway,' napapailing na isip-isip pa niya. Nagpatuloy ang kanyang araw, may mga bumili ng kanyang mga tindang tupa ganun din ang mga balahibo nito. Maya-maya pa ay may sumitsit sa kanya kaya napalingon siya. Si Theo pala nakasilip sa pinto ng tindahan ng mga ito. "Bakit Theo?" "Eto tinapay at gatas, kumain ka muna," inabot naman niya ang ibinigay nito at nagpasalamat. "Salamat Theo, halika sabayan mo ako," aniya, na nag bigay ng malapad na ngiti sa labi ng binata. Sabay silang kumain ng tanghalian habang nakamasid sa abala at mataong pamilihan dito sa bayan. Tahimik at payapa ang kanilang pamumuhay, walang gulo o away na nagaganap sa pagitan ng mga nayon kaya naman masasabi niyang maswerte sila. Hapon na at kailangan na niyang umuwi, ubos na ang lahat ng kanyang paninda at dala na niya ang pera. Gusto man niyang bumuli ng pasalubong sa kapatid ngunit di niya magawa sapagkat magagalit na naman ang kanyang tiyahin. 'Hays, kami pa ang nawalan ng karapatan kahit na amin ang bahay at lahat ng mga ari-arian na iyon. Kung buhay lang sana si Ama. Sana di kami naghihirap ni Lila. Sana makahanap kami ng lugar na para talaga samin.' Pasakay na sana sila sa depadyak na sasakyan ng humabol sa kanya si Theo. "Teka, Red! Ito oh dalhin mo kay Lila." "Theo, hindi ka ba napapagalitan ng iyong ina? Lagi mo na lang ako binibigyan ng tinda ninyong tinapay." "Hindi ah, si ina nga ang nagpapabigay nito sayo," nakangisi pa nitong saad, sabay abot ng supot ng tinapay. "Salamat Theo, bukas na lang ulit!" sigaw pa niya habang kumakaway paalis. -------------+++ Nang makarating sa bahay ay hindi niya inaasahan ang kanyang maabutan. Umiiyak ang kanyang kapatid na si Lila habang nakaluhod ito sa sahig. Nakatayo sa harap nito ang galit na galit na tiyahin nila, may hawak din itong patpat na ipinapalo sa kanyang kapatid. Matulin ang kanyang naging paglalakad para pigilan ito. "Tiya, wag nyong saktan ang kapatid ko!!!" "Hindi mo alam ang ginawa nyang walang kwenta mong kapatid kaya wag kang makialam, sinira lang naman niya ang mamahalin kong Vase!!!" "Kahit ano pang rason ninyo, wala pa rin kayong karapatan!" aniya, sabay lapit sa kapatid at tinulungan itong tumayo. "Sumasagot ka na ngayon ha!? Baka kailangan mo na din ng parusa!" sigaw pa nito, sabay hampas ng hawak na patpat sa kanyang likod. Niyakap niya ang kapatid para di masaktan ito. Maya-maya pa ay napasilip siya nang maramdamang tumigil na ito sa paghagupit sa kanya. Hindi niya inaasahan na may makikita siyang lalaking lumabas mula sa kwarto ng kanyang tiyahin. "Rugal, itapon mo nga ang dalawang yan sa lagayan ng mga lumang gamit sa labas!" utos pa ng kanyang tiyahin sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD