Chapter 2

1030 Words
3RD PERSON POV "Kruuu~ kruuu~" Napahawak si Red sa kanyang kumukulong tiyan, wala siyang agahan ganun din ang tanghalian. Kapag kasi nagbanta ang kanyang madrasta, tinutupad talaga nito. 'Napaka walang awa talaga ng matandang yun, ano kayang nagustuhan ni ama sa kanya?' tanong pa niya sa kanyang isipan habang naglalakad sa kagubatan para mangaso. Napabuntong hininga na lamang sya habang patuloy na naglalakad hawak ang pana na kanyang dala. Marami silang alagang mga kambing at tupa, hindi sila nagkukulang sa karne pero dahil sa kaartehan ng kanyang mga kapatid-kapatidan ay humuhiling pa ang mga ito ng ibang pagkain. 'Pasalamat nga sila at may pagkain, nagagawa pa nilang umarte,' saad pa niya, sa isipan dala ng inis sa mga ito. Tanda pa niya ang eksaktong nangyari at sinabi ng mga ito sa kanya. "Ma, sawa na ako sa karneng tupa. Wala na ba tayong ibang pagkain?" ani Hilda, habang nagpapaawa sa ina nito. Alam niyang kuripot ang step mother nila kaya hindi ito gagastos ng pera para makabili ng manok, isda o kahit anong karne sa bayan. Magaling lamang itong gumastos pagdating sa mga pampaganda at mamahaling damit. "Oo nga naman Mama, gusto ko naman ng karne ng usa o ligaw na baboy," untag naman ni Rosie, ang nakababatang kapatid ni Hilda. Si Red ay nakapakinig lamang habang nagpapakain ng mga alaga. May ideya na siya kung bakit malapit sa kanya ang mga ito habang nag uusap. Hindi na nga siya nagkamali ng bumaling sa kanyang dereksyon ang tiyahin. "Red halika!" Kahit may pagtutol sa kanyang kalooban ay minabuti na lamang niya na sumunod at lumapit sa mga ito. "Ano po yun, tiya?" "Dalhin mo ang pana at magtungo ka sa gubat para mangaso," ma-otoridad na utos pa nito. "P-Pero, sino po ang magbabantay sa mga tupa?" "Sinusuway mo ba ako!? Pag sinabi kong mangaso, mangaso ka! Wag ka nang mag tanong pa!" galit na sigaw pa nito kaya na payuko na lamang siya. Ang mga bwisit naman niyang mga kinakapatid ay nakangisi pa habang pinagtatawanan siya. Wala na siyang nagawa kung hindi sumunod, wala na nga silang pagkain sa buong maghapon, mahirap na pag nagalit ito at patulugin sila sa labas ng bahay. Pumasok siya sa bahay at umakyat sa kanilang kwarto para kunin ang sandata. Sa kanyang pagbaba ay nakasalubong pa niya ang bunsong kapatid na si Lila. May dala itong walis at handa nang maglinis. "Ate saan ka pupunta?" "Sa gubat lang, may iniutos lang si tiya kaya ikaw muna ang bahala dito ha," aniya, sabay haplos sa ulo ng kapatid. "Okay po ate, pero mag iingat po kayo," nag aalala namang pahayag nito, kaya napangiti siya. Ang isang bagay na nagpapatibay na lamang sa kanya ngayon ay ang kapatid, handa siyang gawin lahat para dito maging ligtas lang ito at manatili silang magkasama. NAPABALIK ang ulirat ni Red nang makarinig ng kaluskos sa paligid, mabilis siyang nagtago sa gilid ng puno at hinintay kung anong hayop ang lalabas sa likod ng halaman. Inihanda na niya ang pana at hinawakan ito ng mahigpit. Kung baboy ramo, usa o kaya ay kuneho ito ay handa na siyang panain ito. Makalipas ang ilang sandali, hindi niya inaasahan na isang lobo ang kanyang makikita. Hindi ito pangkaraniwang lobo lamang. Hamak na mas malaki ito kaysa sa mga normal na lobong kanyang nakikita sa loob ng gubat o sa bundok. May itim itong balahibo at nag nining-ning na asul mga mata. May hinahanap din ito sapagkat inaamoy nito ang hangin sa paligid, dahil sa pagkamangha ay natulala na siya habang nakatingin dito. Nagulat na lamang siya ng bigla itong lumingon at magtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang nagtago habang sapo sa kanyang mga kamay ang dibdib na kumakabog ng malakas. Nang kumakma na siya ay muli niyang sinilip kung naroon pa ang lobo. Nang makita na wala na ito ay may kung anong panghihinayang at kalungkutan siyang nadama. Bago pa siya tuluyang mabaliw dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon ay napagpasyahan niyang ipagpatuloy na lamang muli ang pangangaso. Siguradong magngingitngit sa galit ang kanyang tiyahin at mga kinakapatid kapag umuwi siya na walang dala. Umaga nang umalis siya at pumasok sa gubat, ngayon ay palubog na ang araw at balak na niyang umuwi. Hindi naman siya nabigo sapagkat marami siyang nahuli. May kuneho, baboy ramo at isda nang mapadaan siya sa isang ilog sa loob ng gubat. -----------+++ Matapos iluto ni Lila ang kanyang mga nahuli ay inihanda na nila ito sa mesa. Akala niya ay bibigyan man lang siya ng mga ito kahit kaunti sapagkat siya naman ang naghirap sa paghuli nito pero katulad ng laging nangyayari. Hindi pa rin tinutubuan ng puso ang mga ito. Habang kumakain ang mga ito sa mesa na puno ng pagkain. Sila naman ay nakatayo lamang sa likod ng mga ito at nakapanood lamang sa pagkain ngga ito. Napalingon pa sa kanya si Hilda at tinaasan sila ng kilay sabay hagis ng isang piraso ng tinapay. Pinulot naman niya ito at pinagpagan, ibinigay niya ito kay Lila dahil alam niyang gutom na gutom na ito sa maghapon na pagtatrabaho sa buong bahay. "Ate, hind--" "Sige na kainin mo na, mag hahanap na lang ako ng kamote sa likod bahay mamaya," aniya, sabay ngiti dito. Tumango naman ito at dahan-dahang kinain ang tinapay. Matapos kumain ang kanyang tiyahin at mga anak nito ay marami pang natira kaya may nakain pa si Lila. Siya naman ay tinupad ang sinabi kanina at naglaga na lamang ng lamote at patatas para maging pagkain sa araw na ito. Nang sumapit ang gabi, pagkatapos niyang kwentuhan ang kapatid at nakahiga na sila sa higaan ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang lobong nakita sa loob ng gubat kanina. Ang maitim na balahibo nito mukhang malambot at masarap hawakan, ganun din ang asul na mga mata nito na parang tagos sa kaluluwa niya kung tumingin. Napaka-talim at ganda nito. 'Hays, kailan ko pa nagustuhan na mag alaga ng lobo? Nababaliw na ata talaga ako?' Ipinilig pa niya ang ulo ng ilang beses para mawala ang imahe ng lobong iyon sa kanyang isipan. Minabuti na lamang niyang matulog sapagkat marami na naman silang gagawin bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD