Chapter 17

2650 Words
3RD PERSON POV "HAAAAA!!!" "ANO YAN!?" "TAKBO!!!" Hindi magkamayaw na sigaw nina Red, Theo at Aries habang hinahabol sila ng isang malaki at bilog na bato. At dahil pababa ang daan na kanilang tinatahak kaya naman mas bumibilis ang paggulong ng batong iyon. Kapag hindi nila binilisan ang takbo ay siguradong maiipit sila nito. Ano nga ba ang nangyari at napunta sila sa ganitong sitwasyon? Magbalik tayo, isang oras habang naglalakad sa loob ng gubat ang tatlong magkakaibigan. Napatigil sila nang biglang tumakbo palayo si Theo at sumigaw na para bang manghang-mangha. "Oi! Tingnan nyo, nasa taas pala tayong parte ng gubat!" ngising-ngisi pa nitong ani habang nakatanaw sa mas ibabang parte ng gubat. "Oo nga no, parang burol pala ang kinalalagyan natin ngayon," saad naman ni Aries nang makarating din ito sa kinatatayuan ni Theo. Ngayon ay tanaw nga nila ang tuktuk ng mga puno sa di kalayuan. Hindi naman ganun kataas at di masasabing bangin na ang kinalalagyan nila ngayon. Kaya pa rin makababa gamit ang sarili nilang lakas, medyo nangangamba nga lamang sila sapagkat baka may mas mababangis na halimaw sa ibabang parte ng Nuctious na ito. "Tama kayo. Ano sa tingin nyo? Kailangan ba nating bumab--" naputol ang sinasabi ni Red nang marinig ang hiyaw ni Aries. "UTAK IPIS! SAAN KA PUPUNTA!?" Napanganga siya sa gulat nang makita ang pagtalon ng kaibigan na tila ba ay walang takot sa pwedeng mangyari. "Theo! Teka lang!" "HINDI AKO UTAK IPIS! LABO MATA!" sigaw rin nito pabalik kay Aries at nagpadulas sa tagilid na lupa upang makababa ng mas mabilis. "----At saka, ano pang tinatayo-tayo nyo dyan, wala pa tayong mapa kaya naman sa halip na manatili sa isang lugar, mas maganda kung maglilibot tayo!" Dahil wala na silang pagpipilian ni Aries kaya naman tumalon na rin sila upang sundan ang pasaway na kaibigan. Siguro ang pagiging inosente nito at minsan ay ignorante ang dahilan kaya hindi ito nakakaramdam ng kaba at takot. "--- malay nyo makahanap tayo ng clue!" "Alam namin yun, pero walang masama kung mag iingat tayo," inis na tugon naman ni Aries at mabilis na binatukan si Theo nang makalapag na sila. "Arekup!" daing pa ni Theo, ngunit hindi na ito gumawa pa ng paraan upang gumanti. Bago magpatuloy ay nagmasid-masid muna sila sa paligid, nang masigurong maayos pa rin naman ang lahat at wala pa silang nararamdamang presensya galing sa mga nilalang dito ay nagpasya na silang magpatuloy. Pansin nila ang pagkakaiba ng parteng ito sa kanilang pinanggalingan kanina. Pansin ni Red ang ilang mga piraso at sirang parte ng mga gusali na tila ba ay nadurog at nagkahiwa-hiwalay. Nakakalat ang mga bahagi ng pader at halagi sa kanilang dinadaanan. Ngunit dahil siguro sa tagal na nang pangyayaring sumira sa gusaling ito ay mapapansin ang magkain ng kagubatan sa mga natirang bahagi ng gusali. "Hm, totoo nga na may mga nabuhay na kaharian sa lugar na ito," rinig niyang bulong ni Aries. Napatango na lang siya sapagkat iyon rin ang kanyang naisip habang nakasilay sa sirang lugar na ito. "Ibigsabihin tunay iyong mga nakatagong kayamanan?" interisadong saad naman ni Theo kaya mabilis nilang pinatahimik ito. "Shhhh, wag kang maingay, Theo." "Hehe sorry na," napapakamot sa ulo naman nitong paghingi ng tawad. Base sa mga kwento ng matatanda mula sa kanilang nayon. Ang mga taong naghangad ng ginto at kayaman mula sa mga sira at abandunadong kaharian sa loob ng Nuctious ay hindi na nakalabas pa. Iba ang kanilang pakay kaya naman ayaw nilang isipin ng kagubatan na katulad sila ng mga ganid at makasariling tao na nagtutungo rito. "Pero, wala namang nakakarinig sa atin di ba, wala namang ibang tao dito." "May mata ang lupa at may tenga ang mga puno, mas mabuti nang mag ingat kayo. Hindi tayo nakakasiguradong tayo lamang ang narito ngayon," paalala niya sa kaibigan. "Sige," maikli nitong sagot, kaya naman akala nila ni Aries ay natuto na ito ngunit doon sila nagkamali. "THEO!" pabulong na sigaw pa nila nangmakita nila na bigla itong nahulog sa isang bukas na lagusan patungo sa hindi nila alam na lugar. Kahit hindi pa rin makapaniwala sa nakita ay mabilis rin silang nagising nang marinig ang sigaw nito. "Ahhh!" "THEO!" anila at matulin na pumasok rin sa lagusan na parang isang tunnel. Pansin nila na hindi pantay ang daan. Tila ba ay pababa ito at mas palalim pa. Madilim sa loob kaya naman napalingon siya nang maglabas si Aries ng maliliwanag at maliit na bola ng apoy. Lumutang ang mga ito at naging ilaw nila sa lugar na ito. "Ui, nahulog din kay--- " natigilan sa pagsasalita si Theo nang makita ang galit at seryosong si Aries na naglalakad patungo sa kinalalagyan niya. "---Aray!!!" sigaw pa ni Theo nang mabatukan siya. Napatawa na lamang naman si Red dahil sa kakulitan ng dalawang kasama. Habang sinesermunan ni Aries si Theo ay napasilay na lamang sa paligid si Red sapagkat tila ba may narinig siyang tunog mula sa lagusan na dinaanan nila kanina. Nanlaki ang mata ni Red dahil sa nasaksihan. Ang lagusan kanina ay wala na. Tila ba ay nagsarado ito at wala na silang lalabasan pa. Maya-maya pa ay nalingon siya sa mga kaibihan nang may naramdaman siyang paggalaw. "Ramdam nyo ba iyon?" "Oo, saan galing ang pagyanig na iyon?" tanong pa ni Theo habang nagpapagpag ito ng short dahil sa pagbagsak kanina. "T-Teka! Nawala ang lagusan," "Yun nga sana ang sasabihin ko sa inyo, paano na tayo lalabas dito?" natataranta na din niyang saad. Ngunit bago pa sila makapag isip ng paraan ay may naaninag sila mula sa dating lagusan. Ganun din ang paglakas ng yanig na kanilang nararamdaman. At iyon na nga ang naganap, at ngayon ay hinahabol na sila ng isang malaking bato sa madilim at masikip na tunnel na ito. "AHHH! BILISAN NYO!" sigaw ni Aries. Sumunod naman si Red ngunit nabigla na naman sila nang tumigil si Theo mula sa paggakbo. "THEO, SAKIT KA TALAGA SA ULO!" galit na sigaw ni Aries dito. Hindi naman sumagot ito at nanatiling nakatayo habang mabilis na gumugulong ang malaking bato palapit sa kanila. "Theo! Tayo na! Nandyan na ang bato!!!" pag mamakaawa ni Red at Aries. Tila ba ay wala itong narinig at mas pinatibay ang tindig nito. Pansin sila ang paghinga nito ng malalim na para bang nagko- concentrate. Napayakap na lang sa isa't isa sina Red at Aries sa takot sapagkat malapit na ang bato sa kanila. Hindi na nila nagawang pumikit sa bilis ng mga pang yayari. Sa isang iglap ay tumilapon sa magkabila nilang tabi ang bato. Nang tingnan nila ito, makikita ang malinis na pagkakahati rito. "Woah," hindi makapaniwala nilang bulong ni Aries habang nakasilay kay Theo na ngayon ay nagbabalik ng espada sa likod nito. "A-Ang galing mo, Theo," manghang ani Red. "Syempre naman!" masaya at magiliw na saad na ulit nito. Halos hindi nila maisip na kaya naman pala nito maging seryoso kung gugustuhin lamang nito. "---- nakita mo ba yun labo mata!? Ang galing ko di ba!?" pagmamalaki pa nito kay Aries. "Hm," tipid na tugon ni Aries at saka mabilis na tumalikod. Napangiti naman si Red sapagkat alam niyang sa unang pagkakataon ay humanga ang kaibigan niyang si Aries kay Theo. Ayaw lamang nitong aminin. "HAHA ANG GALING KO DI BA? DI BA?" Napailing na lamang si Red habang naglalakad sila paderetso sa lagusan. Hindi an sila bumalik pa sapagkat sarado na ang lagusan na iyon. Hinihiling na lamang nila na sana ay may labasan pa silang makita sa dulo ng tunnel na ito. Ganun din ay mula kanina pa inaasar ni Theo si Aries sapagkat alam nitong hindi ito makakapalag sa kanya. Pakiramdam nito ay isa na talaga siyang tunay na bayani, isang swordsman at magiting na lalaki. Habang si Aries naman ay pigil na pigil sa sarili na hindi ito mabatukan ulit ang nagyayabang na kaibigan. Hindi nagtagal at nakahinga silang lahat nang makita nila ang liwanag mula sa dulo ng tunnel na kinalalagyan nila ngayon. Mabilis na tumakbo si Theo at dahil naka akbay ito kay Aries ay nadala na rin ito sa bilis ni Theo. Naiwan siya sa loob ng tunnel. "Red, bilisan mo!" Rinig pa niyang saad ng dalawa mula sa labas kaya naman tatakbo na rin sana siya ngunit parang may napansin siya sa kanyang likodan kaya lumingon siya. "Hm, wala naman," bulong pa niya sa sarili. Para kasing namalikmata siya at may nakitang maliwanag na bagay sa kanyang may likod. 'Baka naman, apoy lamang iyon ni Aries,' pag kumbinsi niya sa sarili at sumunod na rin sa dalawang kasama na kumakaway na sa kanyang kanina pa. ▼△▼△▼△▼△ "Hays, pagod na ako. Pahinga muna tayo dito," nanlulumong pakiusap ni Theo sa kanila. "Sige, pero kailangan nating maghanap ng medyo tagong lugar para hindi agad tayo makita ng mga nilalang dito," suhestyon ni Red at sumunod naman ang dalawa. Nakahanap sila ng isang nakatumbang puno at sa likod nito doon sila nagpahinga. "Halos isang linggo na tayo mula nang pumasok dito, pero wala naman tayong nakikitang kakaiba, maliban sa nangyari nung unang araw at iyong malaking bato na may galit ata sa atin. Nanghahabol nang walang dahilan eh. Napapaisip na talaga ako kung tunay ang mga kwento nila tungkol sa kagubatang ito," napapakamot pang ani Theo. Siguro ay inaasahan nitong mga tatlong ulong dragon o kaya malalaking halimaw agad ang kanilang makakasagupa sa pagpasok dito. "Hindi pa naman tayo nakalalayo kaya hindi pa natin yan matitiyak. Pero hindi mo naman siguro nakakalimutan ang mga bangkay na naabutan natin sa bungad ng gubat," pagpapaalala pa ni Aries dito. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nasaksihang iyon, masyadong brutal ang pagkamatay ng mga taga-Nayon na nagtanggkang mag alay kay Lila. "Tama, ganun rin ang mga halikaw na sumalakay sa nayon," pagsegunda pa niya. "Siguro nga." Napakibit balikat na lang si Theo habang nakamasid sa paligid. Kahit si Red ay medyo nagtataka rin sapagkat tila ba napakatahimik ng lugar na ito. Totoo na may nararanasan silang kakaiba pagpasok palang sa gubat na ito tulad na lang ng mga boses na tila ba ay umiiyak at humihingi ng tulong, ganun din ang mga insidenteng pagkawala ng ilan nilang gamit kahit wala naman silang nararamdamang presensya sa kanilang paligid. Napakahiwaga nga naman talaga ng gubat na ito. Kung ano pa ang kanilang makaka Ang mataas na puno at mayabong nitong dahon ay lumilikha ng marahang tunog na kanilang naririnig. Ang nakakapanibago sa gubat na ito ay walang makikitang senyales ng kahit anong hayop na normal na naninirahan dito. Pansin rin niya na iba't iba ang hugis at anyo ng mga punong kahoy na para bang sumasayaw ang mga ito. Hindi sila tuwid katulad ng normal na mga puno. May nakahiga, may pilipit at minsan ay may nakahilig pa. Sa mga lumipas na gabi sa loob ng gubat na ito ay nararamdaman nila ang pagsubaybay at pagma-manman sa kanila. Kung sino at ano man iyon ay hindi nila alam. Ang nasisiguro lamang nila ay nakahanda silang labanan kung anong nilalang man ang magpapakita sa kagubatang ito. "Ang kailangan nating isipin ay kung paano magpapakita ang mapa sa librong ito, kung hindi ay magpapatuloy tayo sa paglalakad nang walang maayos na dereksyon." "Tama, masasayang lang ang oras natin kung ganun." "Anong gagawin natin? May ideya ba kayo? Ikaw Aries, baka pwede yang magic mo," magiliw pang ani Theo. "Kung ganun lang kadali sana ginawa ko na noon pa, pero ilang araw ko na ring sinusubukan ngunit ayaw talaga nitong magpakita." Napayuko na lamang si Theo dahil sa naging kasagutan ni Aries, napahawak rin siya sa kumakalam niyang sikmura. Kruuu~ Kruuu~ "Ano ba yan, nagrereklamo natin ang tiyan ko." "May tira ka pa bang tinapay, Theo?" "Oo, eto Red," saas nito matapos mabilis na magkalkal sa dalang bag. Tinanggap niya iyon at hinatian si Aries, habang nagpapahinga ay nagpatuloy sila sa pagkain ng tahimik. Maya-maya pa ay biglang tumayo si Theo kaya napatingin sila dito. "Saan ka pupunta?" tanong pa ni Aries. Alam naman nilang pasaway itong si Theo kaya kailangan talaga bantayan. "Iihi lang, sama ka," may pagkindat pa nitong asar sa kaibigan. Binigyan lang naman siya ng inip na ekspresyon ni Aries bago itaboy papalayo. "Theo, wag kang lalayo!" sigaw pa niya upang balaan ito. Kita pa nila ang pagkaway nito na tila ba ay masaya pa sa pag alis. "Oo, dito lang ak---" Dahil nakatingin ito sa kanila, hindi ni Theo pansin ang mabilis na paggalaw ng malaking kahoy sa likuran nito at walang awang pinuluputan ito sa katawan gamit ang matitigas at matibay nitong sanga. "THEO!" malakas na sigaw nina Red at Aries nang makita ang mga pangyayari. Mabilis silang tumayo upang puntahan ito at tulungan. Nang hindi nila inaasahan na kanina pa palang nakagapang at nakalapit sa kanila ang mga mahahabang ugat ng mga puno dito at pinigilan sila ng mga ito sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang mga paa at katawan. Puno ng kaba at takot ang kanilang mga puso habang hindi makapaniwalang nakasilay sa mga buhay na puno na may hawak sa kanila. Nagawa pa ng mga ito na isabit sila at mataas na lugar upang hindi sila makawala. "A-Anong---" hindi makapaniwalang saad ni Aries, habang nakasilay sa maitim at malalim na mata ng puno ganun din ang malalaki nitong bibig. "RED! AYOS LANG BA KAYO?" sigaw nito mula sa di kalayuan sa kanila. "OO, THEO!" aniya naman habang nagpupumiglas sa pagkakatali ng mga ugat at baging sa kanyang katawan. Mataas ang kanilang kinalalagyan kaya naman hindi sila maaaring magpadalos-dalos. Makaalis nga sila sa pagkakatali, pero patay rin sila kapag nahulog mula sa taas ng kinalalagyang ito. Habang humahampas ang malakas na hangin kasabay nang biglaang pag himig ng mga punong kamoy ay halos mabingi sila sa lakas ng mga iyon. Doon rin nila nakita nila ang kakilakilabot na totoong itsura ng kapaligiran. Hindi na ito ang simple ang normal na gubat na kinalalagyan nila, para bang may nakabalot nang makapal na hamog sa paligid at mapapansin ang mga nagsabit na bungo ng tao sa bawat baging at sanga ng kahoy. May mga buto at kalansay din nakabaon sa katawan ng mga kahoy na ito na tila ba ay nilamon at kinain ng buhay ang mga taong ito. Kahit inihanda na niya ang kalooban at pag iisip sa kung ano ang mga nilalang na makikita ito bago pumasok sa gubat ay hindi pa rin niya maiwasanang di mangilabot sa mga bagay na nakikita ngayon. 'Hindi nagbibiro ang mga taga-Nayon, kumakain nga ng mga tao ang gubat na ito.' ANG crooked forest, ang tirahan ng mga buhay na punong kahoy. Ito ang pinaka unang dumahadlang sa mga manlalakbay na sumusubok na pumasok sa kagubatan ng Nuctious. Madilim ang paligid ngunit nasasaksihan pa rin nila ang paggalaw at paglakad ng mga puno sa kanilang paligid. Maya-maya pa nga ay nakarinig sila ng isang sigaw, malapit iyon kay Red kaya naman napalingon siya sa kanyang tabi kung nasaan si Aries. Namutla ang kanyang mukha sa takot nang makitang nakabuka na ang malaking bibig ng halimaw na kahoy at handa nang lamunin ng buo ang kanyang kaibigan. "ARIES!!!" hiyaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakatali. Mahigpit ang pagkakapulupot ng mga ugat sa kanya, pero nagawa niyang makawala nang maabot niya ang sandatang nakasukbit sa kanyang likuran. Ang kusarigama na pamana ng kanyang ama. Si Theo naman ay gumagawa din ng paara upang makawala ngunit mahigpit ang pagkakatali niya, kaya hindi niya magawang maabot ang espada na nakalagay sa kanyang likod. Matapos ihagis ni Red ang isang patalim at bumaon ito sa katawan ng puno, hinawakan niya ang kabilang banda ng kadena upang makapag lambitin siya at mailigtas si Aries. Maayos na sana ang lahat, maaabutan na sana niya ito ngunit hindi hindi napansin ang mabilis na paghaplit ng mahabang ugat at muling kumapit sa kanyang paa. Kaya naman sa halip na maabutan niya si Aries ay nasaksihan niya ang pagkahulog nito sa bunganga ng halimaw. "ARIES!!!! HINDI!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD