Chapter 2: Ivan?!

2324 Words
- - Siargao - - "Good Morning, SIARGAO!!!!!" Hindi ko talaga alam kung san humuhugot ng energy at kapal ng mukha itong si Faustino magsisigaw. Mula sa pagpasok ng van at pagdating namin dito sa resort na nirentahan nila ay agaw eksena agad ito. Sana all may energy mag ingay. Ako kasi nanlalata, patunay na hindi talaga ako fun ng paglayas layas. Ayoko sa biyahe! Lagi lang talaga akong kinakaladkad ni Jillian at Faustino sa mga lakad nila. Pero hindi pa din ako sanay sa biyahe. Shit! Nasusuka nanaman ako! "Bestie, tubig oh. Wag kang susuka antanda mo na, kakahiya ka." Maarteng abot sa akin ni Jillian ng tubig habang nakalingkis sa jowa niya. "Are you okay? Wait papabili ako ng gamot kina Saturn." Nag aalala itong si Cara pero naka poker face pa din. Ang contradicting niyang tao. Hindi mo malaman kung sincere ba o napipilitan? Pero mabait yan, we are not really close but I can assure you guys mabait yan. Cara is Jillian's girlfriend na hanggang ngayon ay pinagtataka ko. Anong nakita netong si Cara kay Jillian? I don't have any problem sa same s*x couples ha. Relax guys, I'm okay with them. It's just si Cara Mikayo ito! Ang face ng Guineever for 4 years. 1st year kami nun at payapang nakain sa canteen ng sumulpot itong si Cara sa table namin na may dala dalang white roses. Announcing that she will court Jillian Thates. Aba! nagimbal lang naman ang buong Guineever, kasalukuyang 2nd year noon si Cara at sikat na sikat sa buong campus. Kaya andaming na broken hearted ng may nakabihag na ng puso nito. At ngayon malapit na sila mag 3 years. I hope they will stay strong at bigyan pa ni Lord si Cara ng mahabang pasensya para kay Jillian. They really compliment each other. "Gal! Tara let's na. Tulaley ka pa diyan! Dinala na ng mga kaibigan ni Cara ang mga gamit natin." Bastos talaga to si Faustino basta ba namang manghila. Nauuna na palang maglakad ang mga kasama namin. Bale sampu kaming magkakasama. Kami nila Jillian at ang mga kaibigan din ni Cara. Kilala ko naman ang mga ito pero hindi din ako masyadong close sa kanila kasi mayayaman nga sila. Medyo nahihiya akong makipag usap. Pero ilan sa kanila taga SSC din. Si Faustino at Jillian lang kasi ang kilala kong balasubas na mayaman. Tama wala na akong mahahanap na gaya nila Jillian! Huminto kami sa paglalakad at ngayon ko lang napansin na andito na pala kami sa lobby ng resort. Cara is going to give the keys of the rooms we are going to stay. Habang busy silang naguusap - usap kung sino ang magkakasama sa kwarto someone caught my attention. Kasama ba namin siya? She is beautiful, no- she is more than the word beautiful itself. The girl has a lazy blue eyes and a pale complexion. She is also tall pero mukhang tamad na tamad kumilos. Mukha din siyang bothered sa paligid. Kasi kanina pa siya palinga linga at parang bata na nakapit sa damit ni Sillica, one of Cara's friends. Now I know the feeling of what they say "nabato balani". She looked like a deity that got lost in world of humans and it would be a mortal sin to touch her beauty because she's a flower that bloom for herself and not for others. Hindi na ako nakatiis kaya kinulbit ko si bakla. "Faustino sino siya?" Turo ko dun sa babaeng maganda. Alam kong kasama namin siya kasi hindi siya humihiwalay kay Sillica. "Ganda ano? Akala ko nakaka inggit ka na. Pero mas nakaka inggit siya gal! Nasa kabilang van siya nakasakay kanina. Kaya kanina ko lang din siya nakita." Parehas na kaming nakatitig ni Faustino sa babaeng may asul na mata. Na-a-amaze talaga ako sa mata niya. "Base sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Luxe kanina. Ang pangalan niya ay Ivan Blue Maddison. First year fine arts student siya sa Guineever. Pero ngayon ko lang siya nakita. May naitatagong magaganda pa pala ang school natin?!" Hindi ko masisisi si Faustino na ganto siya mag react. She is indeed beautiful, ang sarap niyang titigan. Don't get me wrong straight ako ha! Na appreciate ko lang talaga ang ganda niya. Bakit defensive? Hahaha!!! Tse! Manahimik ka diyan. Ikaw ang may kasalanan bat ako broken hearted ngayon. Luh! Bat ako sinisisi mo?! Eh sa wala along ibang masisi eh. Nagulat ako ng bigla lumingon sa direksyon ko yung babae. Kaya naman huling huli niya akong nakatingin sa kanya. Mas napagmasdan ko tuloy ng maigi ang mukha niya pati na din ang mata niya. Hindi pa ako nakakatagal sa pagtingin sa mata niya pero para na akong malulunod kaya ako na ang naunang humiwalay ng tingin sa kanya Nakakasuffocate ang mata niya. - - Room 0905 - - Nakangiti kong binubuksan ang orange na pinto sa harap ko kasi ito daw ang magiging kwarto ko o namin for three days. Hindi ko na inintindi kung sino kasama ko sa room. Kelangan ko na talaga humiga nahihilo ako dahil sa biyahe. My smile grew wider in the view of two comfy beds inside this cute room. Tinatawag na ako ng kama kaya basta ko na kang ikinalat ang bag ko at ang neck pillow na kanina ko pa dala. Tutulog ako! "Sillica, please I don't wanna be here." "Just give it a shot. This would really help you. Trust me okay? She's a good person." "I know she is but I am not. This is not a good idea, let's stop this already." "Ivan you promised me." Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko at biglang pagbukas ng pinto nitong kwarto na tinutuluyan ko. Wala sa oras na napaupo ako sa kama na parang lutang kasi wala talaga akong idea sa nangyayari. Nagulat na lang ako ng makita kong nakatingin sa akin si Sillica kasama yung babaeng may blue na mata. "Sillica, please?" Wala akong idea kung anong pinaguusapan nila kaya humiga na lang ulit ako para matulog hindi pa talaga kaya ng katawan ko bumangon ngayon. Pagkatapos ng mahabang pagtulog hindi ko namalayan na gabi na pala. Kahit nakakatamad pinilit kong bumangon kasi nakakaramdam na ako ng gutom. Tumayo ako at akmang papasok na sa banyo ng madulas ako kasi may naapakan akong malambot. Neck pillow ko yun! Nakapikit at palagay na ang loob kong magkakabukol ako dahil sa pagiging tanga. Pero hindi ako sa sahig bumagsak. Hindi din ako nauntog at nasaktan. Teka san ako bumagsak? Dahan dahan akong dumilat para iconfirm kung tama ba ang hinala ko and then nagulat na lang ako ng may malakas na pwersang tumulak sa akin para makabangon. And hindi ako OA pag sinabi kong sobrang lakas ng tulak niya, tumama lang naman ako sa may gilid ng kama! Wala akong bukol sa noo pero nabugbog ang balikat ko. Nakangiwing nakahawak ako sa balikat ko ng tumingin ako sa talimpas na salarin kung bakit ito kumikirot ngayon. And to my surprise it was that girl in the lobby who pushed me. Nakayuko itong nakaupo sa sahiggaya ko pero I'm sure she is that girl, ito lang naman ang mukhang maputla sa amin. Saglit akong natulala bago ko marealize na bagong ligo ito. Mukhang nasaktuhan ng pagtumba ko ang paglalakad niya galing banyo.  She's my roommate? Napailing iling ako. Oo kasalanan ko na nadaganan ko siya. Pero hindi niya ako kailangan itulak ng sobrang lakas.   Tatayo na sana ako ng makita kong nanginginig siya habang nakaupo. She's trembling? "Ahmm. A-ano, ayos ka lang?" Nag aalangan kong tanong. Bobo mukha ba siyang okay? "H-hey Blue may masakit ba sayo kasi nadaganan kita?" Nag aalala kong tanong. Nagulat ako ng malakas na paluin nito ang kamay kong hahawak sana sa braso niya. Napangiwi naman ako dahil sa ginawa niya. Nakakadalawa na tong taong to ha. Di porket maganda siya papalampasin ko to. "Look Blue I'm sorry kung nadaganan kita. I'm just trying to help you 'cause your obviously trembling. Baka lang may masakit sayo. I'm a nursing student I know first aid and I'm harmless." Nayayamot kong sabi. "Shut up! D-dont talk to me!" Madiing sabi nito bago pumunta sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Ako? Eto nakakunot ang noong hindi maintindihan ang nangyayari. I don't have my long patience with me right now to analyze things. Iniwan ko sa bahay kasi akala ko di na kelangan dito. "Okay, suite yourself." Nagiging maldita ako dahil sa babaeng to. Kaya mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Ikakain ko na lang to. I wanna be friendly with her pero mukhang ayaw niya sa mga gaya ko kaya bala siya sa buhay niya! • × • × • × • Nakasimangot kong binabagtas ang daan papunta sa open restau nitong resort ng makasalubong ko si Sillica. Nako- naalala ko nanaman yung babaeng talimpas. "Hi Memo, are you going to have dinner? They are all there in the open resto" Nakangiting tanong ni Sillica. Hindi ba to nilalamig? She's only wearing her black bikini that emphasize her color and beauty. Asa beach nga pala kami.. "Ah yes. Ngayon lang ako nagising eh. Andun ba sila Jillian?" "Are you okay?" She move closer to me as if trying to figure out something. "Yep hindi na ako nahihilo. Di lang talaga sanay sa biyahe." Nahihiyang pag amin ko. "No, that's not what I meant. What happened to your shoulder, you keep touching it." Okay, self kalma. Ang cute kasii ng aussie accent niya! "Ah-eh" Pano ko ba sasabihin na gawa to nung kaibigan niyang talimpas? "Your hand is so red as well. Did Ivan did this?" "Huh?" "Did something happened?" Concerned na tanong nito. "Ahmm. Nadulas kasi ako sa neck pillow ko kanina nung papasok ako ng cr and nadaganan ko siya. Siguro nasaktan, kaya medyo napalakas ang tulak niya sa akin. Tumama ako sa gilid ng kama but, I'm fine." Mahabang chikka ko kay Sillica. "And your hand?" Andami niyang tanong guys. "Ano p-pinalo niya nung hahawakan ko sana siya. I'm trying to ask kung okay lang siya kasi she's trembling but she get mad at me." "Ohhh, she's mad at you? Am I hearing it right?" She said while smiling and continuously nodding. "That's good, she's showing improvements" Huh? Bat to natatawa? Ang weird din niya. "Pero I think hindi siya okay?" Nag aalangang tanong ko. "Hmm. Are you mad at her?" Curious na tanong nito. "No, no! Bat naman ako magalit?" Natataranta kong sagot. Pero nakakainit siya ng ulo. "Okay good. I'll go and check on her. See you later!" Nakangiting paalam niya bago tumakbo. • × • × • × • "BESTIEEEEE!!" Tama po kayo si Faustino yan. Nakangiti itong kumakaway sakin ng makita ako pagpasok ko sa open restau nitong resort. Kasama niya sa table sila Cara at ang iba pang kaibigan nito. They are all in their beach attire. Ako? Naka bikini rin ako but I'm still shy to flaunt my body, kaya may patong pa ako and on the top of that it's freaking cold here.  Open area po ang kainan nitong resort at malapit pa sa dagat kaya sobrang lamig ng hangin. Puro seafoods din ang mga pagkaing makikita mo dito sa buffet. Nagdadalawang isip talaga akong pumunta sa table nila Faustino ngayon. The table are full of gorgeous people kaya naman ang daming taong napapatingin sa kanila. Parang ayaw ko na talangang pumunta. Nakakainsecure sila, kahit sira - ulo si Jill and si Fausti hindi mo maikakaila na anak mayaman sila dahil sa ganda at tindig. Cara is a head turner, her friends Deluxe and Kalle also screams class and fortune. Nandito nga din pala si Saturn at si Coma, bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumunta sa table nila.    "Gutom na gutom?" "Oo, may problema ka Jillian?!" Wag ako, mainit ulo ko ngayon at insecure pa. "Nireregla?" Sumbat ni Faustino "Manahimik ka Faustino." Natatawa namang nanunuod sa amin ang mga kaibigan ni Cara. "How's Ivan?" Napatigil ako sa pagsubo ng lechon sa tanong ni Deluxe. "Oo nga pala bestie! Siya ang roommate mo for three days. Wag mo gapangin ha! Bata pa yun." Ako na lang talaga ang nahihiya para sa sinasabi ni Faustino. "She was actually older than you guys. Kaedad niya si Ate Cara." Natatawang sabi ni Saturn. Wait- what?! "Seryoso!?" I feel you Jill, we have the same reaction! "Opo, sabi ni Ate Sillica nag - stop lang po siya for personal reasons." Bat ang bata niya tingnan?! "We are actually trying to help her right now." Cara said while looking at me. "Kaya pasensya na kayo if ever hindi niya kayo kinakausap at tinitingnan. She's having a hard time socializing with other people and we are trying to fix that kaya kinaladkad namin siya." Deluxe suddenly turned serious. "Correction kayo ni Sillica ang kumaladkad sa tao." Tanggi ni Kalle."Ba't pati sa amin galit si Ivan?" Tanong din niya. "Ate Sillica told her that she was just following your orders." Natatawang turan ni Coma "Bwisit na Sillica yun!"  "Don't be mad at Sillica, she has no choice. Baka umalis sa poder niya si Ivan kapag nalaman nun na siya ang may pakana ng lahat." And the mood between Cara and her friends became gloomy again. Okay, anong meron kay Blue? "She's currently a mess blooming like a flower." Deluxe mysteriously said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD