- - Siargao Day 2 - -
"A penny for thoughts?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sillica sa harap ko.
I am here near the shore, just admiring the beauty of Siargao. Napagod ako sa mag - hapong activities na ginawa namin.
We've done island hopping, diving, swimming and volleyball. Humapdi na din ang balat ko kakababad sa init ng araw but it's worth it. Good memories talaga ang napapala ko kakahila sa akin nila Fausti sa galaan.
Kaya eto ako ngayon nagpapahinga, pero sumulpot naman tong si Sillica with literally a penny in her hand. Take note 5 peso coin ang dala niya, kaya nawewerduhan ko itong tiningnan. Nako nako nahawa na ata ito kina Jillian, nakikita ko kasing lagi nila itong kausap.
"Hey! I'm talking to you. I thought the 5 pesos would work. Fausti said it would be funny." Her aussie accent is really cute.
"Ang cute mo, umupo ka nga."
"So you like me na?" Anlakas din ng apog ng babaeng to ha.
Sillica is gorgeous, she is a walking temptation for men and a huge insecurity for women. Kanina pa ito nagbabalandra ng katawan dito sa resort. Pag ito kinabag tatawanan ko siya mamaya, wala ata itong ibang dalang damit kundi two piece.
"The last time I check lalaki pa naman bet ko. Inform kita pag I swing the other way na." Sakay ko sa biro niya.
"Tsk. I need someone to marry pa naman." Nahihinayang na sabi nito.
"Si Faustino single." Natatawang suggest ko.
"Oh, please! he act more girly than me. How can I introduce him to my parents?" Seryoso ba to?
"Broken hearted pa ako gurl, kaya di kita masalo." Natatawang bwelta ko ulit.
"Bless your soul." Nangutngutya ang loka.
"Pakihanap yung soul ilang linggo na nawawala." I still feel empty, hindi kaya madaling mag move on. Kaya hands up ako para sa mga taong mabilis bumangon. May rebisco kayo sakin!
"I don't if it will help but I know you will be okay. You are bright, strong and beautiful, know you will eventually get up and face everything." Bolera to ah.
"You think I can?" Tanong ko.
"Yep, I honestly want to be your friend but you are such a busy person. Well you are the student council President that's why. Even Saturn is hard to find at times, I always hear how Saturn admire you and your wits" Ngayon ko lang naalala magkapatid nga pala sila ni Saturn ang aming SC Secretary.
"Oo, minsan nga pinapauna ko nang umuwi ang batang yun. Kaso napaka responsable naman." Naiiling ako kada naalala ko ang kasipagan ni Saturn, bukas bukas sa kanya ko na ibibgay ang pagka - presidente.
"She really is. That's why I'm proud of her." She said with a smile. Well who wouldn't? Kahit ako pinagmamalaki ko si Saturn. The SC can go without me as long as she is there.
"Ah eh. Sillica marunong ka bang magtagalog?" Nanunuyo na ang utak ko, masarap siya kakwentuhan pero durugo na ang tenga ko.
Natahimik naman ito. "Don't tell me hindi ka marunong?"
"I know how!"
"Defensive!!"
"It's true I know how!"
"Sige nga. You say nakakapagpabagabag." Natatawang hamon ko sa kanya.
Mukha naman itong natataeng ewan ngayon. Nasa mood ako mambully, sorry Sillica.
"Okey, bulol ako. Hindi rin shaw nila minshan maintindihan kayah medalang ako magshalita ng thagalog." And I can't help it anymore.
Tuluyan na akong natawa. Kasi legit na bulol siya at slang, daig ko pang nakipagtext sa jejemon ngayon. Puro may h ang tagalog niya.
"Okay, okay." Pagpapakalma ko sa sarili ko. "Isang nakakapagpabagabag muna."
"Nakhakhabagbapagbagpag." Kahit anong pigil ko, wala tawang tawa talaga ako.
Nayayamot naman itong tumingin sa akin at hinampas ako ng hinampas. Okay close na nga kami.
"Fausti is right! Bully ka!" Reklamo nito.
Wala naman akong ibang nagawa kundi tumawa.
"Can you please stop na?!" Okay self kalma galit na si Sillica.
"Okay, hindi na. Hindi na." Saglit kaming natahimik at tumingin sa dagat dumidilim na pala.
"Memo?"
"Hmm?"
"What do you think about Ivan?"
The question is out of the blue kaya tumingin lang ako sa kanya.
"What I mean is, are you curious about her?"
"Hmm. A bit."
After my response magsigla itong nag - hum sa tabi ko at nakangiting nakatingin sa dagat. Okay ang weird din niya.
"Sillica kakain na daw ng hapunan." Buti na lang hindi ako magugulatin, anong meron sa mga tao ngayon at sulpot na lang ng sulpot bigla?
"Hi, Ivan!" Masiglang bati ni Sillica dito.
Nilingon ko na din ito at kahit two days ko na itong nakikita nagugulat pa din ako sa ganda niya.
Wala itong imik na tumalikod sa amin ni Sillica at umalis. Di man lang ako inakit kumain, nako Blue nakakaiyamot ka.
- - Siargao 3rd day - -
" Ang aga aga nakabusangot ka" Walang habas na inirapan ko si Jillian na naka pulupot nanaman kay Cara.
"Humiwalay ka nga muna kay Cara hindi na yan makahinga." Hindi ko alam kung nagbibiro si Jill, pero anlakas ng sipa niya sa binti ko. Muntik ako matumba ha, pisikalan ba gusto neto?
"Cara, ilayo mo yan. Malulunod ko yan sa dagat." Aliw na aliw naman ang itsura ni Cara sa pag - aaway namin ng girlfriend niya. "Palibhasa malapit ka na mag menopause." Aba aba!
Hihilahin ko pa lang yung buhok ni Jill ng may humila sa akin. "Ang gaganda niyo lang pero anlalakas ng bunganga niyo." Nagsalita si Fausti, eh mas malala siya sa amin.
Yakap yakap naman ni Sillica ang braso ko at binati ako ng good morning, syempre dahil new found friend ko siya. "Walang good sa morning bulol, lumayo ka ayaw ko munang tumawa."
"Bhwishit ka!" Hinila naman niya ang buhok ko. At dahil friendly ramble ito isinama ko so Fausti sa pag - lalambingan namin. Sinampahan namin ni Sillica ang likod niya habang hinihila ang buhok nito. Si Jillian naman ay nakadagan kay Sillica at kinikiliti ito. Si Cara, andun sinukuan na kami.
"Ate?" Napalingon kami kay Saturn na nakangiwing nakatingin sa aming apat. Kasama din nito ang kinabwibwisitan ko nung isang araw pa. Alam niyo yung feeling na automatic na kukulo ang ang dugo mo.
"Yes?" Ang sosyal talaga nitong si Sillica, kala mo di bulol.
"It's time to buy souvenirs na po. Pinapatawag na tayo nila Kuya Deluxe." Mabilis na tumayos ang tatlo at tumakbo. Last day na nga pala namin today, ang bilis lumipas ng araw.
"You look like an idiot." Naiwan pala ako kasama ang nakakabwisit na to. Ang cold ng boses niya pero ang lamang ang init ng ulo ko sa kanya.
"Umalis ka baka di kita matantiya." Kung nagtataka kayo kung bakit ang lala ng pagkabwisit ko sa kanya. Simple lang naman, kinain niya yung binili kong cookies. Hindi lang siya bastang cookies! Ang mahal noon kasi last stock na yun dun sa pinuntahan naming island.
Pasalubong ko dapat yun kina Ate Trese at yung isang kahon para sa akin. Pero pagdating ko kagabi sa kwarto kahon na lang!!!
Kinain niya kasi naiwan ko sa kama niya. Pero it has my name on it! Cookies ko yun!
She keep looking at me blankly, akala mo walang ginawang mali sa mundo. Bago pa ako sumabog sa inis ay uuna na akong maglakad sa kanya.
"The cookies are great by the way." Bwisit ka Blue!