Prologue
“Ano'ng ginagawa ng babaing iyan dito sa pamamahay natin, Miguel?”Dumadagundong na sabi ni Paula nang makita si Athena na kausap si Miguel sa harap ng gate.
“Please, Miguel, kausapin mo naman ako. Please, hindi ako manggugulo kung talagang iniwan mo na kami ng anak mo, pero please naman, paniwalaan mo naman ako, please.” Nagmamakaawang sabi ni Athena habang sapo ang malaking tiyan.
“Athena, umuwi ka na muna saka na tayo mag-usap. Bakit kase nagpunta ka dito? Ang sabi ko ay hintayin mo ang tawag ko, hindi ba?” Sabi ni Miguel na panay ang lingon sa galit na si Paula, panay din ang tingin niya sa itaas ng bintana dahil baka sumilip ang kanyang biyanang babae.
“Kailan mo ba ako balak puntahan? Magdadalawang buwan na, eh. Malapit na kase akong manganak at kailangan sana kita, Miguel,” sabi ulit ni Athena.
Agad kinuha ni Miguel ang wallet at kumuha ng ilang taglilibuhin. Inabot ito kay Athena. Isiniksik na sa bulsa para matapos na ang usapan nila. Dadagdagan ko na lamang iyan sa pagdalaw ko. Sige na, Athena, baka mapahamak ka. Ingatan mo si Baby. Hintayin mo lang ako. Sige na, sige na. Lakad na.
“Pero kase Miguel, may sakit kase si Miggy; baka pwede mo ako samahan umuwi sa Palawan. Hindi ako makatulog, eh nag-aalala ako sa kanya. Please… please, Miguel, umuwi tayo sa Palawan,” pagmamakaawa ni Athena, na kinapitan na ang damit ni Miguel para hindi makaalis ang lalaki.
Buong akala naman ni Paula ay pinipilit ni Athena na yakapin ang asawa niya, kaya naghurumintado na si Paula at malaki ang hakbang na binuksan ang gate, saka hinablot ang ulo ni Athena na nakakapit sa gate. Kinaladkad ni Paula ang buntis na si Athena hanggang sa kalsada at tinulak pa.
Napatda naman si Miguel nang makitang kinaladkad ng kanyang asawa si Athena at lalong nagimbal si Miguel nang itulak ni Paula si Athena sa semento.
“Paula No…” Sigaw ni Miguel at sasaklolohan sana si Athena, pero pinigilan ito ni Paula.
“How dare you stop me, Miguel. Shame on you for bringing your woman into our house, Miguel. I hate you for this. At ikaw na ang makating kabit ng asawa ko. Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko.Hindi kita sasantuhin. Hindi ako pumapayag na pinupuluputan ng mga ahas ang asawa ko. Umalis ka na sa pangingin ko. Alis na.” Pero imbes na sumagot ay napapalahaw sa sakit si Athena.
“Miguel......Miguel, ang sakit, Aaaah, ang sakit! Saklolo...saklolo!” Pagmamakaawa ni Athena.
“Oh, cut your drama. Pitong buwan lang ’yan. Paano ka mapapaanak? Ang tanga naman talaga ng mga kabit. Hoi, Lintang, makapal ang mukha. Ang mabuti pa, hayaan mo nang mamatay ang nasa tiyan mo, ni hindi nga sigurado si Miguel kung sa kanya nga iyan o baka ipinaaako mo lang. If I know, ginagamit mo lang ang kabaitan at pagkatanga ng asawa kung ito para lamang siya perahan," sabi ni Paula, sabay tumingin nang matatalas kay Miguel.
"No! b***h, hindi ka magtatagumpay. Ang mga kabit dapat itinatapon sa kangkungan. Ang mga sabit ay dapat nasa sulok at dapat lang manahimik," sabi ni Paula na dinuraan pa ang babae.
“Hindi ako kabit!" sigaw ni Athena. "Aaaaahh, aray Miguel ang sakit na talaga...”muli niyang sigaw na napakapit sa gate.
“Oh, wow! Nangarap maging legal ang makating lintang ito. Kabit! kabit! kabit k.a.b.i.t! kabit. At habang buhay kang kabit!” Nangiinis pa lalong sabi ni Paula. Habang halos yakapin na naman ito ni Miguel para ilayo siya kay Athena pero ang mga mata ni Miguel ay hindi kailanman umalis kay Athena.
“Hindi ako kabit! Ikaw ang kabit. Dahil ako ang una sa kanya. Una siyang naging akin.......ahhhhh...Aray ko, Miguel. Miguel, Saklolo,” sigaw ni Athena bago tuluyang lumuha dahil sa nararamdang sakit.