Ihinanda ni Atena ang bangka. Pinunasan ang mga bangkitong gawa sa kawayan na uupuan ng pasahero. Saka siya sumandal at inipit sa kilikili ang sagwan at hinintay ang magiging pasahero. Ilang beses na rin siyang nakapaghatid ng mga dayo sa kabilang isla. Naroon kase ang magandang spot ng dagat at naroon ang malalaking coral reefs.
Nakapagserbisyo na rin siya sa dayuhan at dasal niya na maulit iyon dahil sa malaking magbibigay ng tip.
Sabi ni Mang Isong ay anak daw ng amo niya ang magiging pasahero. Naisip ni Athen na baka si maldita si Beatris. Yun lang naman ang alam niyang anak ng amo nitong may-ari ng bilihan ng mga pagkain ng manok at kung anu-ano pa.Medyo mataray ang isang yun kaya naman hinanda ni Athena ang sarili. Malamang, ang astang mayaman iyon dahil kilalang spoiled brat ang babae.
“Haist… kung hindi lamang talaga kapos ang kita sa patulan, di ko na papatusin ang trabahong ito. Sinkuwenta pesos ang bayan sa paghahatis, minsan natatawad pa ngang trenta. At kung ganitong balikan with pag-aantay, masuwertena si Athena kung abutan ng isang daan. Maliit, kung tutuusin, dahil hindi mo alam kung ilang oras kang maghihintay, pero pwede na rin pang-ulam na nila yun nang dalawang beses.
Nasa ganoong pagmumuni-muni si Athenaa ng may magsalitang malagom na boses na parang ang seksi ng may-ari.
“Excuse me, I’m looking for Mang Isong. Siya kase ang bangkerong maghahantid sa akin sa kabilang isla. Kaso kanina pa ako palinga-linga, di ko siya makita. Sabi niya, dito ako sa may puno ng kambal na niyog pupunta eh." sabi ng boses ng isang lalaki.
Lumingon si Athena para lamang matulala. Para siyang dinala sa shooting ng isang pelikula .Paang artista ang kaharap nila. Teka artist aba ito. Naliligaw ba? Nakakalaglag panty naman ang kaguwapuhan ng lalaki . Parang ibinaba ng langit”
“Aah, miss okay ka lang? Kilala mo a si Mang Isong. Can you tell me where to find him?” Sabi ng lalaking pinukaw ang tila natuklaw na ahas na babae.
“Anong ginagawa ng magandang babae sa pangpang? Aah, baka tulad niya ay pasahero rin ito at mamamasyal sa kabilang isla,” sa isip ni Miguel.
“Miss....Miss… Hello, okay ka lang ba?” Pukaw ni Miguel sa babaeng hanggang sa sandali iyon ay nakatitig lang sa kanya. Bigla naman natauhan si Athena nang marinig ang pitik ng daliri ng lalaki. Namula siya sa sobrang pagkapahiya dahil natulala siya dito, kaya mabilis na nag-isip ang dalaga ng posibleng sabihin para hindi kahiya-hiya ang sitwasyon niya.
“Ay Sorry…akala ko kase ikaw yung.... Ay, never mind na lang, malabo namang ikaw yun dahil kung ikaw yun di sana nakakulong ka na ngayon?” Sabi ni Athena.
“Ano? Sino yung napagkamalan mong ako?” Takang tanong ni Miguel.
“Ah, pasensya ka na may gumagalaw kasing serial killer dito at rapist pa daw at binibiktima ang mga babaeng may maamong mukha at probinsyana lalong lalo na daw yung mga nakatambay madalas sa bangka kaya natulala ako sa takot kanina." pasisinungaling ni Athena.
"A-Ako serial killer, yung hitsura na ito?" takang tanong ni Miguel.
“Naku naman, sorry na," sabi ni Athena pero diba gets mo naman kung bakit ako natakot meron talga kase." sabi pa niya. "Naku mamang poging hulog ng langit. Pasesnya na sa pagsisinungaling ko. Eh kase nakakahiya kase ako kanina. Mukha akong si Maria Clara na natigang kay “Ibabara,” bulong ni Athena.
“Really, eh ba’t parang hindi naman takot ang mukha mo kanina. Saka what? May serial killer and rapist sa lugar na ito? then your alone her exposing your legs ike that?” Namamanghang sabi ni Miguel.
Hindi siya makapaniwalang may ganoong lugar na iyon, lalo na't hindi siya makapaniwalang napagkamalan siyang serial killer ng cute na babaeng ito.
“Aah eh kuwento lang naman yun ng mga marites sa bayan Sir at… at.. guwapo daw kase kaya akala ko ikaw"
Sabi ni Athena, sabay pinagalikop ang mga binti na akala mo ay maitatago ang mabilog at long legs niya.
“Really? guwapo ang serial killer? Aba, sinasayang niya. So, kung napagkamalan mo ako, ibig bang sabihin nun miss guwapo din ako?” Medyo gustong matawa si Miguel.
“Tanong ba ’yan o gusto mo lang mapuri? Anyway, anuman ang hitsura nun, rapist at serial killer pa rin siya; basta masamang tao para sa akin ay saksakan ng pangit yun.” Sabi ni Athena.
“At buti na lang hindi ikaw yun. Hawig lang Sir,” Bawi ni Athena sa lalaki. Nakita niyang natawa ito.
“Nakita ko nga sa tingin mo sa akin kanina mukha ngang hindi rapist ang tingin mo eh.” Sabi ni Miguel na tuluyan ng tumawa.
“Ano ho yun?" Kunwari ay hindi narinig ni Athena ang sinabi nito.
“Ah, wala sabi ko sayang may magandang bingi.” Sabi ni Miguel pero hininaan lamang.
“Nasan na kaya si Mang Isong medyo mahuhuli na ako sa lakad ko eh”
Sabi ng lalaki, saka nagkanda-haba ang leeg sa pagtanaw kung nasaan ang hinahanap. Doon lamang bumalik ang wisyo ni Athena.
"Oo nga pala, hinahanap nga pala nito si Mang Isong at magpapahatid sa kabila. Malamang ay ito ang sinasabi ni Mang Isong na anak ng amo niya. Pero babae ang kilala niyang anak ng amo nito.”
"Ah, baka naman sa ibang amo o baka naman may kapatid 'yun, kilala niya na hindi niya lang kilala o nakikita," sabi ng dalaga sa sarili. Agad itinulak ni Athena ang kanyang bangka patungong pagpapahanggang sa nasa mababaw na bahagi na ito ng tubig. Saka inayos ang upuan at kinawayan ang lalaki. Kitang-kita niya na nanlaki ang mga mata nito nang mag-isa niyang itulak ang bangka.
“Tara na, Sir, wala si Mang Isong at ibinilin ka niya sa akin. Ako ang bankera mo for today, Sir,” sabi ni Athena.
“Ikaw? Are you kidding me? Miss, babae ka eh, paano ka naging taga-sagwan?” Hindi kapani-paniwalang sabi ni Miguel.
"Aah tatay ko talaga dati sir kaso kinapitan na ni Katam kaya ako na ang nagpatuloy" sabi ng dalaga.
"Tara na, sir, kase bago pa tumaas ang tubig," sabi ni Athena. Walang nagawa si Miguel kundi ang sumakay na nga lang; kung hindi lang talaga mahalaga ang sadya niya sa kabilang isla, ay hindi na siya tutuloy. Hindi niya kaya maging at ease. At mag-relax nang nakaupo habang babae ang nagpapakahirap magsagwan. Para sinasampal ang p*********i niya noon.
Una, malaking lalaki siya at mabigat pa. Hindi naman kalayuan ang kabilang isla, pero kakain din ng halos isang oras ang pagsagwan.
"Paano nakakaya ng isang babae iyon?" Nang makita niyang nagsagwan na ang babae, napahanga siya. Mukhang bihasa nga ito at mukhang malakas ang braso. Hindi halata sa hitsura nito na kayang magbanat ng buto.