Chapter 7

1234 Words
"Ahh, hindi po ako aware na Valentine's Day pala ngayon at hindi buwan ng ka-fiestahan ninyo," biro ni Miguel at nagtawanan na ang mga tao. "But since nabanggit na rin lang, pasensya na po at mahiyaain ang aking kasintahan , kaya isang mabilisang mensahe lang ha dahil baka mamaya ay umuwi ako mag-isa kapag napikon 'yan," pabirong sabi ni Iguel at sumulyap ulit kay Athena. "Anyway, babe, thank you sa support and sa love. I will always be here for you, and I love you, " Sabi ni Miguel. Maging ang binata ay namangha sa nagawa .Ganun kase kagaan at kadali para sa kanya ang masabi ang bagay na iyon at isa iyong himala. Halos mamula at lumubog naman si Athena sa kinatatayuan. Sana lang ang panalangin niya ay walang tagabaryo, bakawan, ang makapal ang mukha at nakikipista dito sa kabilang isla, at makilala siya dahil kung saka-sakali ay hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa kani-kanino. Naghiyawan naman ang mga manonood. Gusto pa sanang puntahan ng Mc si Athena, pero hindi na ito pinayagan ni Miguel. Hanga naman si Athena sa galing magkunwari ng lalaki. "Hindi nga kaya artista ito sa Maynila? Hindi pa lang sikat kaya di pa niya kilala masyado.Hah para kasing kung magsalita kanina eh mula sa puso" Pero kasabay ng pagpuring iyon sa lalaki ay ang kurot sa damdamin ni Athena. Nangarap ang dalaga na isang araw ay may isang lalaki rin na sasabihan siya ng ganoon, yung totoo na hindi na kunwari lang. Sinulyapan ni Athena si Miguel na wala siyang kaalam-alam na nakatingin din pala sa kanya. Nasa mukha nito ang tila paghingi ng paumanhin, kaya tinanguan niya ito. Saka niya ito nakitang ngumiti at nakipagkuwentuhan na sa mga kapwa hurado ng gabing iyon. Samantalang si Miguel naman ay hindi pa nakaka-move on sa gulat sa mga nasabi. Dapat sana ay sasabihin lang niya ang salitang thank you at huwag sanang mainip, pero kung ano-ano ang nasabi niya at gulat na gulat siya nang sabihin niya pa ang I love you sa dulo ng mensahe niya. "Ano yun Miguel? Kailan ka pa naging aktor?" Sabi niya sa sarili. "You're in trouble, Miguel... you better be prepared," Babala ng binata sa sarili. Ang buong akala nina Miguel at ni Athena ay matatagalan ang patimpalak. Hindi naman pala. Pitong contestant lang naman ang pagpipilian at kada kalahok ay may 4–5-minute dance showdown. Bago ang announcement ay nagpa-raffle ang mga youth at madalas si Miguel ang inaanyayahang bumunot. Kontodo ngiti naman si Miguel kahit pa nga nababagot na. Tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang kalangitan, kaya naman halos excited na ang lahat ng manonood na malaman kung sino ang nanalo at magtatanghal sa kapistahan. Si Miguel ulit ang naawitang mag-anunsiyo ng nanalo. Nabunutan ng tinik ang binata nang i-announce ng MC na doon na nagtatapos ang programa, pero namomroblema si Miguel dahil inimbitahan pa siya ng kapitan at ng isa sa mga judge na kapatid pala ng kapitana. May ipinahanda raw itong pagkain nilang lahat ng mga hurado.Kaya hindi na nakatanggi si Miguel nang hilahin na siya ng mga kapwa hurado. Samantalang si Athena naman ay tumalikod na sana dahil akala niya nga ay tapos na at sa wakas ay makakauwi na siya. Pero narinig niyang nagsalita ang lalaking pasahero at muling ikinawindang niya iyon. "Ay, wait lang, tawagin ko lang ang girlfriend ko." Yun ang narinig ni Athen na sinabi na ikinakilig na naman niya, pero ikinawiwindang palagi. "Love...Love... Okay lang ba kung sumama muna tayo kumain?" tawag nito sa kanya at sabay tanong pa na para bang hinihingi ang permiso niya. Dahil nga ang mga nakatingin sa kanya ay ang ilang hurado at mga kabataang pamunuan ng event na para bang hinihintay din ang desisyon niya bago sila kumain, hindi nagawang senyasan ni Athena ang lalaki, kaya tumango na lamang siya. Nagulat pa ang dalaga nang malambing siyang akbayan ng lalaki. "Let's go, love, e enjoy na lang natin to, total medyo maaga pa naman," sabi nito sa kanya. Mayaman pala sa lugar na iyon ang kumumbida sa kanila, kaya bukod sa kanila ay halos naroon ang buong baryo. Masagana sa pagkain at bumabaha ng alak. Bukod pala sa naging hurado, ang pinuntahan nila ay iyo rin ang sponsor ng patimpalak. Nailang si Athena dahil sa hitsura niyang naka-shorts at tsinelas lang na Ramboo. Pero muli siyang kinabig ng lalaki at hinawakan pa ang kamay niya. "Love, anong gusto mong kainin?" bulong ni Miguel. "Sir, bilisan mo lang kumain at nang makauwi ka na sa ha .Para na akong ibinabaon sa lupa sa hiya, sir, eh," sabi ni Athena. "Why? Ikinahihiya mo ako, love?" Sabi ni Miguel na may himig na biro. "He he he funny ka sir? Ikaw ang ikahihiya ko? Baka ipagsigawan pa kita sa buong karagatan," sabi ni Athena na naging totoo lang sa nadarama. "Ang sinasabi no, sir, eh yung hitsura ko," sabi ni Athena, saka ibinuka ang kamay para makita ng lalaki ang ibig niyang sabihin. "Oh aah yun lang? Don't worry, sweetheart, kahit naman maging beach walk ang tsinelas mo, maganda ka pa rin and very sexy," sabi ni Miguel. Namula na lang sa hiya at sa kilig si Athena. Hindi siya makapaniwalang nabobola siya ng lalaki. Naengkanto na ba siya? Muli siyang inakbayan ng lalaki, sabay bulong. "Miss, baka pwede kang umarte na malambing kong girlfriend kahit ngayon lang, huling hirit ko na , please," sabi ni Miguel. "Tingnan mo, baka isipin nila namimilit na ako ng babae, eh," dugtong pa ng binata. "Eh kalokohan mo kase, sir eh bakit ba kase sinabi mo pa yun?" Sabi ni Athena. "Hindi ko rin alam, Miss. Sige na, please.Hahayaan mo bang pagtawanan ako dito?" Pangungunsensya ni Miguel. Ewan din ng binata kung bakit nga ba siya nagkakaganito. Basta isa lang ang alam niya, ayaw niyang mawala sa paningin niya ang babae. "Love at first sight," maybe ewan niya, hindi niya matukoy. Basta, ang alam niya, halos matuliro siya kapag kausap na ito. Pinagbigyan na lamang ni Athena ang request ng lalaki. Total, ano bang masama? Hindi naman masamang tinapay ang lalaking ito.Aba, kung may asawa o may totoong kasintahan, ito ang problema niya, yun. Eto naman ang makulit, eh. At, in fairness, aba, hindi masamang tinapay ang lalaki, artistahin ito, ano. Kaya naman nang hawakan ng lalaki ang kamay niya, as in holding hands, ay umayon na lang siya, lalo na't sinandokan siya nito ng pagkain. Bilang ganti, sinuklian niya ito ng matamis na ngiti at sinabing. "Thank you, love." Saka siya dumampot ng malaking alingango na nakahiwa sa dalawa. "Love, favorite mo to, hindi ba?" Sabi ni Athena, saka sinungkit ng tinidor ang mamuumtok na laman ng alimango at isinubo kay Miguel. Nagulat si Athena dahil kinakain din ni Miguel ang isang kabiyak ng alimango, sinungkit din at isinubo sa kanya. Nenerbiyos si Athen at biglang namutla, pero nakatingin sa kanya ang mga kapwa hurado na parang naaliw sa sweet swetan nila ni Miguel, kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang gumanga at tinanggap ang isinusubo ng binata. Pagkatapos ay uminom ng maraming tubig ang dalaga at kumain ng maraming kanin. Pagkatapos kumain ay naudyukan pa si Miguel na tumagay ng lokal na alak ng lugar na pinagbigyan nito. Ang isang grupo naman ay tinagayan ang binata ng mamahaling alak na sinadya daw ihain para sa kanya, kaya naman pinagbigyan pa ni Miguel na tumagay ng mga tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD