PROLOGUE:
Mag-asawang sampal ang pinadamo ko sa mukha niya… habang hilam ang luha sa mukha.
“Hinayaan ko kayo sa mga kahayopang ginagawa n’yo sa ‘kin. Peru ‘yong patitirahin mo ‘yong babae mo rito, habang kasama kami ng mga anak mo, ‘yon ang hindi ko hahayaang mang-yari!” mangiyak ngiyak kong sigaw sa pagmumukha niya habang nanlalabo ang aking mga mata.
Ginawa ko lahat para mapabuti ang pamilya namin dahil ‘yon naman dapat. Hindi ko alam kung saan ako nag-kulang o, nag-kulang nga ba ako o, sadyang napabayaan ko lang siya nang ‘di ko alam. Ano klaseng asawa siya na dito niya papatirahin ang babae niya. Ibang usapan na ‘yong dito niya ibabahay ang babae niya habang nandito rin kami ng mga anak niya. Napakahayop nila! Anong ginawa kong kasalanan bakit nagkakaganito kami. Unang araw pa lang na pagkikita namin ng babae niya ay ‘di na maganda ang kutob ko sa kaniya. Peru pinagsa-walang bahala ko na lamang dahil alam kong nakaraan na ‘yung may namagitan silang dalawa ng asawa ko.
Tapos ngayon magugulat ako sa sasabihin niya na dito niya papatirahin ang babaing ‘yon kasi nabuntis niya. Mga putang ina sila… mas mahasol pa sila sa mga hayop na walang mga puso. Hindi man lang sila naawa sa mga anak ko. Ang babata pa nila Misha at Lander para maranasan ang ganitong sitwasyon sa buhay naming mag-asawa. Hindi man lang niya naiisip ang mararamdaman ng mga anak namin kung sakaling malaman ng mga bata ang sitwasyon naming mag-asawa. Napaka-walang kwenta niyang ama. Akala ko makikita ko na ang lalaking nararapat sa ‘kin. Peru ang akala na ‘yon… ay isang bangungot lang pala!
Ginawa ko lahat bilang asawa. Pero ano ‘tong binalik niya sa ‘kin? Akala ko magiging masaya na ako dahil nakita ko sa kaniya ang pagmamahal at pag aalaga niya sa ‘min ng mga anak niya. At isa rin ang pamilya niya nag-bigay kulay sa pagkatao ko, para mabuo ulit ako. Kaya’t ‘di ako nag-dalawang isip na pakasalan siya dahil alam ko na ‘di niya ako pababayaan at sasaktan. Peru nagkamali ako… dahil ang pamilya na binuo namin ay mawawasak rin pala.
Hindi ko alam kung saan ako nag-kulang bilang asawa niya. Lahat binigay ko… hindi lang pagmamahal kundi buong pamilya pa. Masaya at kumpleto dahil ‘yon ang sinumpaan namin sa isa’t-isa. Maging sa magulang niya ay nangako siyang ‘di niya kami pababayaan. Napahagulgol ako nang iyak dahil sa samo’t saring bagay na pumapasok sa isip ko. Maging ang nararamdaman ko ay hirap na hirap rin ako.
Ano na lang sasabihin ko sa mga anak ko. Na dito titira ang kabit ng Daddy nila dahil magkakaroon na sila ng kapatid sa ama? Gano’n ba? Gano’n ko ba sila papaintindihin? Parang ako rin ang magtatanggal sa kanila na magkaroon ng karapatan sa kanila ama.
Napahagulgol ako ng iyak dahil sa sakit nang nararamdaman ko… Naaawa ako sa mga anak ko. Ang babata pa nila para magka-watak-watak ang pamilya namin. Naiisip ko pa lang ang bagay na ganito ay sobrang sakit na. How much more pa kaya sa mga anak ko! Hindi… hindi ko kayang mag-dusa sila nang ganito. ‘Di bali na ako ang masaktan ‘wag lang sila ang masaktan. Dahil ‘di ko kaya na pati sila ay mahihirapan.
“I’m sorry.” Napaangat ako ng mukha nang mag-salita siya.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o, maawa. Peru parang ‘di naman niya kailangan na kaawaan siya… dahil nagawa naman niyang sakyan ang babae niya na ‘di man lang nag-alinlangan.
“Sorry? Is that all you’re going to say? Sorry, huh!?” sigaw ko sa kaniya. “Putang ina… Liam, pagkatapos ng ginagawa mong kagagohan sa pamilyang ‘to, ngayon maghihingi ka ng sorry? Gano’n gano’n na lang ba ‘yon? Huh!? Sorry kasi ano? Kasi nakagawa ka ng kasalanan sa ‘kin, sa ‘min ng mga anak mo? Kasi nabuntis mo siya? Kasi ex mo siya? At to be continue ‘yong love nest na naudlot n’yong relasyon na dalawa? Tapos hahayaan mo na lang kami ng mga anak mo? Kasi magkaka-anak ka na sa kaniya? Kaya’t balak mong patirahin siya rito sa bahay natin kasama ng mga anak mo, dahil magkakaanak na rin kayo! Gano’n ba ‘yon? ‘Yon ba ‘yung… hinihingi mo ng sorry? Huh?!” sumbat kong sigaw sa pagmumukha niya.
Ang kapal nilang dalawa. Ang lakas ng loob niyang sabihan ako na dito na rin niya papatirahin ang babae niya… kasi buntis dahil sa kagagohan niya. Handa akong makisama sa kaniya kahit naapakan na ang pagkatao ko… alang ala sa mga anak ko. Handa ‘kong gawin ang lahat kahit ilang ulit akong apakan ng ama nila. Kahit masakit man para sa sarili ko, alang-ala sa mga anak ko handa kong tanggapin ang laht ng kagagohan ng Daddy nila.…para mabuo pa rin kami at matawag na isang pamilya. Handa ko isugal ang kaligayan ko alang ala sa prinsipyo ng mga anak ko.
Hindi ko na kayang makipag-usap pa sa kaniya. Agad akong uamlis sa kaniyang opisina dito sa bahay at pagbagsak na sinara ang pinto ng kwartong pinagmulan ko. Lakad takbo ang ginawa ko… papunta sa kwarto naming mag-asawa. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinanap ang maleta ko na paglalagyan ng mga damit ko.
Aalis kami rito. Hindi ko kayang manatili sa pamamahay na ‘to kasama ang kabit niya. Ang kakapal ng mga mukha nila. Sa’n kaya sila kumukuha ng lakas ng loob para pagkaisahan ako! ‘Di porket pinapakisamahan ko siya ay wala na akong alam sa kung ano ang pinaggagawa niya. Hindi man ako mayaman at may sinasabi sa buhay… walang-wala ako ikukumpra sa kabit niya. Peru ‘di ako bobo! Kahit papa ‘no nakapagpatapos ako nang pag-aaral. Dahil ‘yon lang ang kayang kong ipagmalaki. At ‘yon lang ang meron ako… pati mga anak ko!
Narinig ko ang pag-bukas sara ng pinto dito sa kwarto. Alam kong si Liam ang pumasok… base sa panlalaking amoy nito. Alam na alam ko kung ano ang mga gusto nito. Sa tagal naming mag-asawa ay kabisado ko lahat ang mga gusto at ayaw nito. Kaya’t nagugulat ako kung pa ‘no niya nagawa sa ‘kin ang mangaliwa na kung totoosin ay ginagampanan ko ang pangangailangan niya bilang lalaki. At kung sa pag-aalaga naman ay sobra sobra pa. Halos buong buhay ko binigay ko sa kaniya. Ni wala nang natira para sa ‘kin… dahil alam kong mabuti siyang asawa at ama sa ‘min. Ngunit nag-kamali ako! Nag-kamali ako ng pananaw sa kaniya. Nagkamali ako nang pagtinggin sa kaniya na akala ko ay pang-habang buhay na.
Umupo siya sa paanan ng kama habang nakatingin sa ‘kin na nag-eempaki ng mga gamit. Hindi ko siya pinansin… ni kahit sulyap ay ‘di ko ginawa. Wala akong pakialam. Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa kahayopang ginawa nila ng kabit niya!
“Sha, please, t-talk to me. Ako na lang aalis. Itigil mo na ‘yan… ‘wag kayong umalis ng mga bata. Asawa pa rin kita, at mas may karapatan ka sa bahay na ‘to. Please, baby,” napahinto ako sa ginagawa kong pag-e-empaki nang marinig ko ang tinawag niya sa ‘kin.
Ang lakas ng loob niyang gamitan ako nang endearment para sumunod ako sa sinasabi niya. Oo, ako talaga ang mas may karapatan sa pamamahay na ‘to, dahil ako ang legal na asawa. Peru dahil sa kagagohan niya… parang wala na akong amor pa na tumira dito… dahil sa mga alaala namin dito sa pamamahay na ‘to.
Kinalma ko ang sarili. Humugot ako nang malalim na paghinga at napatingala sa kisame para mahinahon ang pakikipag-usap ko sa kaniya. Nang matapos ay agad kong binaling ang tingin sa kaniya at tinitigan siya. Titig na alam kong hindi na madudugtungan pa. Titig na may pagmamahal peru hanggang dito na lang.
Naninikip ang dibdib ko… at tumulo na naman ang letching luha ko, dahil sa sakit na naiipon sa dibdib ko. ‘Di ko akalain na hanggang dito na lang kami bilang mag-asawa. At sana malagpasan ko ‘to, na kahit kami na lang ng mga anak ko.
“Alam mo kung gaano kita kamahal Liam. Buong buhay ko binigay ko sa ‘yo, para mapasaya ka lang… tayo. Lahat ginagawa ko para sa pamilyang ‘to. Dahil ayaw kong maranasan ng mga anak mo, ang naranasan ko. Alam mo… kung ano ang kwento ko. Peru ang ‘di ko ma intindihan kung bakit mo hinayaan na magpadala ka sa mga bagay na buong pagkatao ko binigay ko naman sa ‘yo. Hindi ko lang maisip kung saan ako nag-kulang sa ‘yo, hmm? Naging mahigpit ba ako sa ‘yo? Nasasakal ka na ba sa pagmamahal ko? Ano? Pwedi naman akong mag-bago kung may ayaw ka sa ugali ko, sabihan mo lang ako. Alam mo kung gaano ko kayo kamahal ng mga anak natin. Iniingatan ko ang pamilya na binuo nating mag-asawa dahil ‘yon ang sinumpaan natin sa harap ng Diyos at sa pamilya mo. At pangarap din natin ‘yon… dahil alam mong lumaki akong ulila sa mga magulang ko. Peru ikaw lang din pala ang wawasak pangarap na siyang binuo nating mag-asawa.” Humugot muna ako nang malalim na paghinga habang pinupunasan ko ang mga luha ko sa mata. “Sana hindi mo ito pagsisisihan. At sana sa pangalawang pamilya mo, ‘wag mong iparanas sa kanila ang ipinaranas mo sa ‘min ng mga anak mo.”