Magaan ang mga hakbang ni Moses habang papalabas ng kanyang opisina. Alas sinco pa lang ng hapon pero lumabas na siya dahil may gusto siyang daanan bago umuwi. Balak niyang dumaan sa isang jewelry store dahil gusto niyang bilhan ng gold necklace ang asawa. Napansin niya kasi na luma na ang sinusuot nitong white gold na kwintas kaya it's about time na palitan na. After all his wife deserves it. Hindi niya na lang ipinaalam sa asawa ang tungkol sa balak niya dahil tatanggi ito kung sakali.
Isusuksok niya na lang ang susi sa kotse niya nang makarinig siya ng mga yabag mula sa likuran, mabilis siyang pumihit paharap at ang nakangiting si Harper ang bumungad sa kanya. "Harper, ikaw pala! Hindi ka pa ba uuwi, napadaan ka yata?" tanong niya.
Ngumiti ng tipid ang dalaga. "Pauwi na sana ako kaso naisipan kong daanan ka. I was thinking na makipag-meeting sana sa'yo if it's your free time na,"
Nangunot ang noo niya. Pagkatapos ay tiningnan ang kanyang relo. "May lakad sana ako eh," aniya.
"Ahh, I see! Akala ko pauwi ka na rin. We can talk about it on our way home sana..." anang dalaga.
"I'm sorry, Harper, but I've got plans this afternoon. If you want to talk about business, you can come inside. Nariyan si loob si Mon, he can help you with your concern. He knows everything, I promise. Sa ngayon, mauna na muna ako sa'yo. Baka magsara na kasi ang pupuntahan ko." Aniya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang kaibigan ng asawa dahil mabilis siyang pumasok sa sasakyan at pinasibad iyon papalayo.
Hindi siya sanay sa presensiya ni Harper sa opisina niya. Pakiramdam niya ay sinasadya nito na makipaglapit sa kanya at hindi niya iyon gusto. He knows na kaibigan ng kanyang asawa ang babae pero hindi tama na sa kanya ito dumidikit. Ayaw niyang magkaproblema kaya ngayon pa lang ay gusto na niyang malaman ng dalaga na hindi siya interesado sa pakikipagmabutihan nito sa kanya.
Samantala, nakatanaw naman si Harper sa papalayong kotse ni Moses. Naikuyom nito ang mga palad habang nagpuputok ang kalooban. Halos iluwa na nga niya ang buong kaluluwa niya ultimo laman-loob pero walang epekto kay Moses. Sexy naman siya ah! Mas mabango pa nga keysa kay Isla na amoy natuyong gatas! Bakit siya iniiwasan ni Moses? Para itong manok na nagtampo sa palay. Bahagya siyang lumingon at napangiti siya nang makakita ng bakanteng taxi. Pinara niya iyon para sundan ang sasakyan ni Moses. Gusto niyang malaman kung saan ito pupunta at kung bakit nagmamadali ito na parang may hinahabol.
Halos bente-minutos na binagtas ni Moses ang kahabaan ng Pasay Road. Pagkatapos ay ipinarada nito ang sasakyan sa tapat ng isang jewelry store. Nakita ni Harper na patakbong pumasok sa loob si Moses. Sinamantala niya iyon para magbayad sa taxi na sinakyan niya at bumaba. Maingat siyang pumasok sa jewelry store at natanaw niya si Moses na namimili ng gold necklace na may pendant na mother and child. Mabilis itong nagbayad at umalis na rin kaagad.
'Gano'n ba talaga ang mga lalaki pag namimili? Walang kuskos balungos? Ni hindi namili ng ibang design?'
"Excuse me, Ma'am... May gusto po ba kayong bilhin?" tanong sa kanya ng salelady. Lumapit na pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan.
"Hmm, yes! I would like to purchase the same necklace that he bought recently," aniya.
"Sino po, Ma'am?" Clueless na tanong ng tindera.
"Yung lalaki na kakaalis lang. If I'm not mistaken he bought a gold necklace with a mother and child pendant? I want the same as him." Aniya sabay turo sa isang piraso na naiwan.
"Ah! 'yung kagaya po ng binili ni Mr. Rosales para sa asawa niya!" nakangiting sambit nito.
Hindi siya kumibo. Bagkus ay inilapag niya ang mamahaling bag sa babasaging estante at dinukot ang kanyang credit card. "Palagi ba siyang bumibili rito?" tanong niya.
"Hindi po madalas, pangalawang beses pa lang po. Pero natatandaan namin siya, dahil dito rin siya bumili ng wedding ring para sa kanila ni Ma'am Isla. Ang sweet kasi ni Sir kay Ma'am noon kaya hindi namin makalimutan." Tsika ng kausap.
"I see." Sagot niya.
"Bale, 19k po ang price nito Ma'am, mura na po ito dahil nag sale po kami. Unlike po sa iba na nasa 30k ang isa."
"I don't care kung magkano 'yan, you don't need to tell me. Just get it done." Aniya na tila nauubos ang kanyang pasensiya.
"Sige po, Ma'am!" sagot nito. Ibinalot ng babae ang nabili niyang kwintas at isinilid sa maliit na paper bag. Pero pinatanggal niya iyon dahil ang kwintas lang naman ang kailangan niya. She doesn't need that trash para bitbitin pauwi. She paid it right away and stormed out of that store. Sa tingin niya ay nakauwi na rin si Moses kaya hindi na niya ito sinubukan pang sundan.
Dumaan siya sa isang restaurant at nagpasyang doon na lang kumain ng hapunan. Ayaw niyang sumabay sa mag-asawa. Baka masuka siya sa kasweetan ng mga ito.
***
"For you, my sweet!" ani Moses sa asawa pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Kinuha niya mula sa bulsa niya ang binili niyang kwintas para dito.
Napangiti si Isla ngunit bakas ang pagkadisgusto nito sa ginawa niya. "Gumastos ka na naman ng wala sa plano natin, nasisira ang budget natin..." anito.
"You deserved this, okay? Huwag ka nang tumanggi, you're an awesome mom and wife! Napaka swerte namin ni Summer sa'yo!" aniya. Lumigid siya likuran ng asawa at isinuot sa leeg nito ang kwintas na iyon. "From now on, wear this everyday, okay? Gusto ko lagi 'yang nakasabit sa leeg mo. It will remind you kung gaano kita naa-appreciate at kung gaano kita kamahal..." aniya.
"Aww! Ang sweet naman talaga!" ani Isla nang nakangiti. Pinatulis nito ang nguso para magkiss sila at pinagbigyan naman niya ang asawa.
"I love you, my sweet!" malambing niyang sabi rito na kaagad naman nitong tinugon.
Naulinigan ni Isla ang mga yabag sa labas. Buti na lang at maagap si Manang Ester at ito na kaagad ang nagbukas ng pinto para sa kanilang bisita.
"Harper! You're home! Kumain ka na ba?" bati ng kaibigan.
"Yeah, dumaan ako sa restaurant kanina." Ani Harper.
"Mabuti naman pala kung ganoon, nagworry pa ako na baka hindi ka pa kumain, naubos kasi ni Moses 'yung niluto ko..." turan ni Isla. Pagkatapos ay yumakap ito sa beywang ng asawa.
'Damn!' sa ganoong sitwasyon nadatnan ni Harper ang dalawa. Umiwas na nga siya para hindi ito makasabay sa pagkain. Pero wala naman pala siyang ligtas sa paglalambingan ng mga ito.
"Nakausap mo ba si Mon?" usisa ni Moses.
"Nope, maybe some other time na lang! May biglaan din kasi akong pinuntahan," aniya. "Mauna na ako sa inyo na magpahinga ha, medyo pagod din ako sa paglalakwatsa. Thanks!" dagdag niya.
Malalaki ang mga hakbang niya hanggang sa sapitin niya ang guest room. Kinuha niya ang kanyang unan at paulit-ulit itong pinagsusuntok.