5 | THOUGHTFUL WIFE

1303 Words
Maaga siyang nakapagluto ng pananghalian kaya nag desisyon siyang ipaghanda ng makakain ang asawa. Ipapahatid na lang niya kay Manang Ester. Minsan na lang niya iyon magawa kaya natutuwa siya kapag naipagluluto niya ang asawa kahit na busy rin siya sa pag-aalaga kay Summer. "Manang Ester, pwede po bang pakihatid kay Moses itong inihanda kong pagkain para sa kanya?" tawag niya sa kasambahay. Nagpupunas siya ng basahan sa kamay dahil gusto na niyang kargahin si Summer dahil nagising na ito. Saktong pagkarga niya sa anak nang biglang lumitaw si Harper. Nakasuot ito ng pang alis. "Do you need something?" tanong nito. "Oo, pero 'wag mo na intindihin 'yon. Kaya naman ni Manang Ester itong ipapagawa ko sa kanya." Sagot niya. "May pupuntahan ka ba?" dagdag tanong niya. "Well, I got bored watching the ceiling for thirty minutes straight, I decided na magliwaliw na lang muna." Anito. Nagpalinga-linga si Harper at nakita nito ang baunan na inihanda niya para sa asawa. "Para kanino 'yan?" tanong nito. "Para kay Moses, nakisama kasi itong si Summer kaya nakapagluto ako. Dinamihan ko na para mapadalhan ko si husband. Alam ko namimiss na rin no'n ang luto ko." Sagot niya ng nakangiti. "Gusto mo ba ako na ang maghatid niyan? Mukhang busy si Manang Ester sa taas. Pwede kong daanan ang asawa mo bago ako gumala." Alok nito. "Ha? Talaga? Seryoso ka?" gulat niyang tanong. Napakasexy kasi ng suot ni Harper. Isa iyong hapit na hapit na dress na may malaking uka sa bandang dibdib kaya halos lumuwa na ang malulusog nitong dibdib. "Why not?" "Ang ganda kasi ng suot mo, hindi ka ba mahihiyang magbitbit ng baunan?" aniya. Napakurap ito, marahil ay hindi nito kaagad naisip ang bagay na iyon. Ngunit bandang huli ay pumayag na rin si Harper at pinangatawanan ang desisyong ito na ang magdadala ng pagkain ng asawa. "Are you sure na kaya mo ha..." paniniyak niya sa kaibigan. Isinulat niya sa kapirasong papel ang address ng opisina nila at ibinigay iyon sa kaibigan. "Maraming salamat, Harper!" "Of course! Hindi ko naman lalakarin mula rito hanggang sa opisina ng asawa mo. Mag-grab ako, bye!" anito. Sinundan niya ng tanaw ang kaibigan na pakending-kending pa sa paglalakad. Nasa ganoon siyang hitsura nang bumaba si Manang. Pati ito ay nakita ang ayos ni Harper at napailing na lang ito. "Oh bakit, para saan 'yang buntong-hininga na 'yan, Manang at hindi ko yata maarok?" biro niya. "Bilib ako sa kaibigan mo na 'yan at mukhang hindi pa nagkakapulmonya. Halos hindi na magdamit eh!" sagot nito. "Gano'n talaga magdamit ang mga dalaga sa America, Manang..." "Ang kaso wala na siya sa Americ, nandito na siya sa Pilipinas at sa ayos niyang 'yan, pagtitinginan siya ng mga tao. Halos ibuyangyang na niya pati kuyukot buti sana kung nasa sarili siyang bahay. Ang kaso hindi, at nakikitira lang sa kaibigan. Parang walang respeto sa'yo lalo na sa asawa mo." Mahabang litanya ng matanda. Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Hindi kasi sanay si Manang Ester na makakita ng ganoong ayos kaya nabigla ito. Gayunpaman, may bahagi ng isipan niya ang sumasang-ayon sa mga sinabi nito.  *** "Yes, my sweet?" malambing na wika ni Moses nang sagutin niya ang tawag ng asawa. Naghahanda na siya para lumabas at nagugutom na siya ngunit natigil siya bahagya dahil tumawag si Isla. "I've got something you will surely love!" ani Isla. Napaupo si Moses sa kanyang swivel chair at pinaikot-ikot iyon. "At ano naman kaya 'yun?" "Just wait for a while, it will be delivered right at your doorstep," anang kabiyak. "Hmmm, let me guess, pinagluto mo ako ng lunch?" aniya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng maluwang dahil sa saya. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit labis niyang mahal si Isla. Masyado itong sweet at maalaga kahit na may anak pa sila. "How do you know?" ani Isla na kunwa'y malungkot. "I know you, my sweet! Anyway, nakahanda na sana akong umalis. Pero dahil sabi mo nga you're going to treat me for lunch, I'll stay na lang and wait for my delicious food made." "Great decision! You'll surely not regret it!" anang asawa. "I know right," sagot niya. "Lalo tuloy kitang minamahal... Salamat sa pag-aalaga mo sa amin ni Summer... Sobrang thankful ako sa'yo kasi kahit mahirap mag-alaga ng sanggol ay hindi ka pa rin nawawalan ng time para sa akin." "Sus, ang asawa ko, ipinagluto lang ng lunch, mukhang paiiyakin pa ako!" ani Isla. Natawa siya. "Dahil diyan, may gift ka sa'kin, mamaya!" aniya. "Kung mamahalin 'yan, huwag na. I-save na lang natin para kay Summer." kaagad nitong tanggi. "I am asking you to stay calm, okay? You are worthy for everything my sweet! I won't take no for an answer. I love you, bye!" mabilis niyang pinutol ang tawag para hindi na makaabante pa ang kabiyak. "Ehem!" anang tinig. Kaagad na lumipad ang tingin ni Moses sa may pintuan. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone sa gulat nang makita ang kaibigan ng misis na nakatayo roon. "Harper, what are you doing here?!" gulat niyang tanong. "Kanina ka pa riyan?" dugtong niya. "Hindi naman gaano, masyado kasi kayong sweet ni Isla kaya hindi ko na kayo inabala. I can wait naman," anito. Isang pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Please come in!" anyaya niya sa talaga. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang dala nitong baunan. Alam niyang iyon ang sinasabi sa kanya ng asawa na inihanda nito para sa kanya. "Thank you! Siguro naman ay nasabi na sa'yo ni Isla na may present siya sa'yo. I think hindi ko na rin kailangan pang sabihin sa'yo kung ano itong dala ko ngayon," anito. Lumapit ito sa kanyang desk at inilapag doon ang dala nito. "Yes, my wife told me about it. I just don't know na ikaw pala ang maghahatid, where's Manang Ester?" tanong niya. Hangga't maari ay sa mata niya ito tinitingnan. Ayaw niyang tumingin sa dibdib nito na halos lumuwa na sa suot nitong bestida. "Busy si Manang Ester, kaya ako na lang ang naghatid. Hindi naman siguro bawal hindi ba?" anito. Maluwang ang pagkakangiti ni Harper. She's a bit friendly pero wala roon ang atensyon niya kung hindi sa mabangong amoy ng adobo ng asawa. Lalong kumalam ang sikmura niya dahil sa amoy na iyon. "I see, thank you! Much appreciated!" sagot niya. Dala ng matinding gutom ay binuksan niya na kaagad ang baunan at tumambad sa kanya ang pagkaing pinaghirapang lutuin ng asawa. Adobong manok na pinatuyuan ng sabaw. May naka separate pang gulay at panghimagas. "Ganyan mo ba kagusto ang lutong-bahay na pagkain?" tanong nito. "Oh God, I'm drooling!" hindi niya mapigilang sabihin kahit nasa harapan niya pa ang dalaga. "And to answer your question, yes, basta ang asawa ko ang nagluto, no doubt! She's simply the best! Huling-huli niya ang gusto ng panlasa ko!" "I see," nagpatango-tango ang dalaga. "I think I've done my job already, alis na rin ako." Paalam ng dalaga. She couldn't stand him for praising Isla that much in front of her face. "Sure, thank you! I'll dig in na. Lalo kasi akong nagutom sa amoy pa lang." Aniya. Mula sa kanyang drawer ay kinuha niya ang plastic hand gloves na ginagamit niya kapag kakain. Mas gusto niya kasing magkamay lalo na kapag masarap ang ulam. Dangan nga lamang at nasa opisina siya kaya gumagamit siya ng gloves para kapag may tawag ay kaagad niya itong masasagot nang hindi na kinakailangan pang maghugas ng kamay. "You're welcome," huling wika ni Harper bago ito tumalikod. Nilingon pa nito si Moses na akala mo mayroon ng sariling mundo habang ngumunguya sa pagkaing inihanda ng asawa nito. Gano'n ba kasarap magluto si Isla? "This is heaven! Super sarap!" he exclaimed. Pinaikot ni Harper ang mga mata bago nagmartsa papalayo ng opisina. She's even more annoyed with how Moses enjoyed the food.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD