"Where do you think you're going, huh? Do you think I'll let you go?" mariing wika ng binata. Kandangiwi si Harper sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Mon. Pakiramdam niya ay madudurog pati na ang mga buto niya. "M-mon, I am begging you, just let me go... Hindi natin kailangang humantong sa ganito! Lalayuan ko naman dad mo kung 'yan ang gusto ninyo. You don't need to do something heinous just to get rid of me!" anang dalaga. "You asked for this from the moment you decided to be one of my dad's side-chick. Dapat noon mo pa alam na may mga consequences sa kalandian mo!" angil ni Mon. Nanlilisik ang mga mata nito. Nakakatakot. Pakiramdam ng dalaga ay katapusan na niya sa kamay ng binata. "P-parang awa mo na, Mon... Pangako aalis ako rito kapag pinakawalan mo na ako, hindi na ako magpapak

