26|DANGER

1208 Words

Kanina pa napapansin ni Harper ang kulay abong sasakyan na nakabuntot sa kanya. Lalong nadagdagan ang takot niya nang sumunod pa rin ito sa bawat kalsadang nililikuan niya na para bang wala itong balak na lubayan siya. Naghahalo na ang takot at kaba sa puso ng dalaga at halos nanginginig na ang buo niyang katawan. Tauhan ba iyon ng babae o ni Damian? Ano ang gusto ng mga ito mula sa kanya? "Oh, God!" hiyaw niya nang makita ang biglang pagtulin ng sasakyan mula sa kanya at mag overtake ito. Isang nakakangilo at biglaang preno ang ginawa niya huwag lang niyang masalpok ang kaharap. "Oh, God! Please help me, I don't want to die, not now. Please!!" hiyaw niya. Mas lalong nanginig ang bawat himaymay ng katawan niya nang makarinig siya ng magkakasunod na katok mula sa windshield ng sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD