Ramdam ni Harper ang matatalim na titig sa kanya ng matandang babae na nasa harapan niya. Sa tingin niya ay nasa 60's na ito, bagama't sopistikada ang ayos ay hindi pa rin maikukubli ang mga wrinkles nito sa mukha. Hindi niya alam kung bakit siya nito napapayag na makipagkita ng araw na iyon pero heto siya at tinatanggap ang mapanuri nitong mga titig sa kanya. Nasa isang mamahaling restaurant sila ng matandang babae. Nasa pinakang sulok na sila ng restaurant para makapag-usap ng masinsinan. "What do you want from me?" malamig niyang tanong habang nakikipagtitigan sa matanda. Ayaw niya ring magpatalo rito. Malakas ang kutob niyang may kaugnayan ito kay Damian dahil hindi naman pwede na sa side ito ni Bruno dahil kilala niya ang mga kaanak ng binata. "I'm not here to declare war, matanda

