Chapter 10

2206 Words
• ALYNNA MARIE PAREDES • Woah. Nasa isang fitness gym kami ngayon ni Shibama. Ang ganda pala rito. Sobrang laki ng puwesto. Hindi ko inakala na may gym pala na umaabot nga dalawang floors. Kumpleto rin ang mga gym equipments. May mga panglalaki at pambabae. Mayro’n ding sauna at steam room sa mga tamad siguro mag-exercise. Mayro’n ding yoga room sa mga gustong magpaka-goma. Mayro’n ding dance studio sa gustong gumiling at sumayaw habang nagbu-burn ng calories. Ang ganda talaga. Mayro’n pang libreng kape, tsaa at internet. Ansaveh! Ang ganda talaga ng buhay ng mga mayayaman. Napakaswerte ko na nararanasan ko itong lahat, kahit isang taon lang. Inikot ko ang tingin ko sa buong gym. Ang gwa-gwapo ng mga lalaki! Ang dami nilang mga abs! Totoo palang nakakaakit ang mga ito! Lalo na yung isa banda sa gilid, oh! Gwapo no’n. Tisoy na tisoy! Pwede! Hihihi! Omg, haliparot hormones! Magsitigil kayo! Nakakakilabot! Pero bakit naman kaya ako dinala rito ni Shibama? Ang alam ko ay kailangan kong pumunta sa gym thrice a week. Ginagawa ko naman iyon. Dinadala kasi ako ni Shibama lagi sa gym ng condo namin. Pero ngayon, bakit kaya kami nandito sa mas malaking gym? Hmm. "Shibs, bakit tayo nandito?" tanong ko. "You'll workout! You're becoming super thin na kaya! You have to work out and be fit, girl!" "Eh ‘di ba pangpapayat ang work out?" "Meron din namang pangpa-gain, ‘no!" Nanlaki ang mata ko. "Ay talaga?" "Yup!" "Kaya ba tayo nandito?" "Correct! You're here to gain weight! Kasi kapag pinabayaan lang kita sa gym natin sa condo on your own, lalo ka lang papayat." "So nakakataba rito?" "Hahaha! You're funny! Of course not. We are here to meet your trainer!" "Wow. May trainer trainer pa? Parang aso lang?!" gulat kong tanong. "Yup! Parang doggies! Hihihi! See that super gwapo boy there? He is Dylan Carlos. He is Janina's personal fitness trainer." Tinuro niya sa akin yung lalaking nakita ko kanina na nagbubuhat ng barbel. Yung lalaking pinagnanasaan ko kanina! Wow. Siya ang trainer ko? Hayahay! Pero baka naman hindi ako makapag-concentrate. Gwapo eh! Hehehe. "Wow." Ito lang ang nasabi ko. "True! Super wow! Fafa kung fafa!" dagdag pa ni Shibama. "Fafa nga," pagsang-ayon ko sa kanya habang nakatingin pa rin kay Dylan. Para kaming baliw! "Right, girl! You got it!" dagdag pa ulit ni Shibama sabay kagat pa ng labi niya. Hanep! Hahaha! Tinignan ko ang trainer ko hanggang sa nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin. Waaaa! I will die. Joke. Hehe. Landi! Grr! Lumapit siya papunta sa kinatatayuan namin ni Shibama. "This is it!" bulong ni Shibama sabay kindat sakin. Yung tipong malanding kindat pambakla. "Shibs! Palapit na siya! Alam ba niya na peke ako?" bulong ko pabalik sa kanya. "Umm no." "Hala!" Nanlaki ang mga mata ko kay Shibama. "Hihi! ‘Kaw naman, girl! ‘Di na mabiro. Of course he knows! Yung students lang sa ECB ang hindi nakakaalam." Napahinga ako ng malalim. "Hay! Buti naman!" At least ‘di ko na kailangan magpanggap kay Papa Dylan. Ay, sir Dylan pala. Hehe. "Hi, Ynna,” panimula ni sir Dylan. Ang gwapo niya. Pero bakit gano’n yung boses niya? Ang liit! Nahiya naman yung laki ng katawan niya sa boses niya. At nahiya rin yung mga chipmunks sa kanya. Hahaha! "Hi, sir,” bati ko pabalik. "Dylan nalang. Ano ka ba naman. Trainer mo lang ako." Ang liit talaga ng boses! "Ah. Okay. Dylan." Pinipilit kong 'wag tumawa. Ang cute! Liit! "Nako nako! Dyls! Don't hit on Ynna, may boyfriend na ‘yan!" singit ni Shibama na mukhang natatawa rin sa reaksyon ko. Siguro matagal na niyang alam na ganito ang boses nitong si Dylan. Malamang, trainer pa ni siya ni Janina, eh. Sayang talaga. Ang hottie pa naman niya kanina. Pero no’ng nagsalita na, waley na. May mga gano’n pala talaga. "Ah, really?" tumingin sa direksyon ko si Dylan. "Ay. Eh. Oo. Haha. May boyfriend na pala ako." "Hahaha! Maiwan ko na nga kayo at may churva pa akong gagawin!" tumawa bigla si Shibama. "Iiwan mo kami?" tanong ko. "Uh, yeah? Alangan namang magwork out din ako? Ikaw lang ang member dito, girl! At ikaw lang ang may trainer!" "Gano’n ba..." "Don't worry, Ynna. You're safe with me. And I won't hit up on you. Haha! Shibama's just overreacting," pagklaro ni Dylan. Ang cute talaga ng boses niya. Gusto ko tuloy mag-baby talk kapag kausap ko siya. Haha! "Ah. Sige." "Let's start?" "Okay." Hindi naman na ako natatakot kay Dylan. Sa umpisa lang pala siya nakakatakot. Yung katawan lang niya ang nakakatakot pero ang boses niya, aba'y alam na. Si Shibama kasi talaga kung anu-ano yung mga iniisip at kung anu-anong kalokohan lang ang pinaggagawa sa akin. Oo, gwapo siya. Pero wala naman akong gusto sa kanya. Lalo na yung narinig ko na yung boses niya. ‘Yon pala yung ibig sabihin ng turn off. Ngayon ko lang na-gets. Basic training exercises lang ang pinagawa niya sa akin. Masakit sa katawan pero kayang kaya ko naman. Mas mahirap pa dito yung mga ginagawa ko noon sa Bohol. Habang nage-exercise ay hindi ko maiwasan tumingin sa mga muscles niya. Ang lalaki kasi. Halatang pinaghirapan niya talaga. Mukhang tumira yata siya sa gym ng pagkahaba-habang panahon. Hindi rin pala maganda pag nasobrahan na sa muscles. Nakakatakot tignan, eh. Mas maganda pa rin yung muscles ni Sky. Tama lang sa katawan niya. Bagay din sa mukha niya at sa height niya. Perfect. Ayan na naman, eh. Tsk tsk. Bakit ko ba nasasama si Sky sa mga iniisip ko? Tsk. Baliw ka na, Ynna, baliw. "So we're done!" si Dylan. Ngumiti lang ako sa kanya. “Thank you, Dylan!” "Sige, mag-shower ka na and then I'll call Shibama to pick you up already." "Okay." Hinatid ako ni Dylan hanggang sa pinto ng CR ng mga babae. Nagpasalamat ako sa kanya sa training bago ako tuluyang pumasok sa CR. Wow. Omg. Yung totoo? Ano ito? Grabe! Yung mga babae sa CR ay walang mga saplot! Sige, hubad d’yan, hubad dito! Grabe! Bakit ganito? Hindi ko yata kayang maghubad dito tulad ng ginagawa nila! Nagtungo ako sa mga banyo kung saan ako magsho-shower. Transparent na medyo malabo yung mga pintuan. Pero grabe! Transparent pa rin! Kitang kita ko yung mga hubog ng katawan ng mga naliligo! May isang maitim. May maputi. May pandak. May kapre. May mataba. May mapayat. May matanda na. May afro. May straight long hair. May blondie. May maraming peklat. May merong sugat sa pwet. At may mga dalawang tao sa isang cubicle na hindi ko alam kung anong ginagawa nila! Waaaa! Eh ‘di pag naligo ako, makikita rin nila ang katawan ko mula sa salamin? Waaa! Ayoko! Magagalit sa akin si Papa! Kahit pa mga babae ang mga nandito ay hindi ko yata kaya. Inamoy ko ang sarili ko. Syet. Ang baho ko. Amoy pawis ako. Hindi. Hindi! Kailangan ko talagang maligo eh! Pumasok ako sa isang banyo at nilagyan ko nalang ng twalya ang pinto para hindi nila makita ang katawan ko. Hindi naman kagandahan ang katawan ko pero hindi lang talaga ako sanay ibalandra ito sa mga tao. Parang masyadong wild ‘yon para sa akin. Iba yata talaga ang kultura ng mga mayayaman na nakatira dito sa Maynila. Ewan ko lang din. Habang nagsho-shower ako ay naisip ko ang laro bukas. Bukas! Oo nga pala! Bukas na ang laro! Patay! Hindi ko man lang nasabi ang mga detalyeng ito kay Shibama. Kasi naman eh, ang ingay ingay niya. Lagi nalang siya yung nagkwe-kwento. Pano na ‘yan? Hindi pa naman ako marunong mag-volleyball. Paano ko naman kaya ipapakita sa buong ECB na magaling ako kung basics palang ng volleyball ay hindi na ako marunong? Ni hindi nga ako marunong maghawak ng bola nito, eh. Lagot na! Kailangan ko itong masabi kay Shibama mamaya! Kailangan kong matutunan ang basics nito. O kaya naman mag-absent nalang kaya ako? Magpanggap kaya akong may sakit? Hay! Ano bang dapat kong gawin? Bahala na! Pagkalabas ko ng CR ay biglang bumungad sa akin ang masayang si Shibama. Tamang tama! Sasabihin ko na sa kanya. "Hello there! How's your work out with Dyls?" "Okay... lang naman. Shibs, may sasabihin ako sa’yo.” Sasabihin ko na sana kay Shibama yung tungkol sa laro bukas kalaban ang team ni Farrah pero biglang tumunog ang cellphone ko. *Kapal ng mukha, ‘di na nahiya Dapat sa iyo pasabugin ang mukha Ulo-ulo lang ‘di kasama katawan 'Pag kasama katawan, sabog pati laman!* "Omg! What kind of ringtone is that, Ynna? Gross!" hindi makapaniwalang tanong ni Shibama. Oo. Ito kasi yung ginawa kong ringtone kapag tumatawag si Sky. Nakakainis kasi siya, eh. At oo, nilagay ni Sky ang number niya sa akin noong araw na pinirmahan ko ang kontrata niya para daw malaya niyang matawagan ang girlfriend niya. Hmp. "Who's that ba?" tanong ni Shibama. "Si Sky." "Wow! Boyfie much? Go! Answer it na!" Ngayon ko lang na-realize na tumatawag ay si Sky nga! Bakit siya tumawatawag?! Tinignan ko si Shibama na nakangiti at tila hinihintay niya na sagutin ko na ang tawag ni Sky. Ngumiti nalang ako pabalik at sinagot ko na. "H-hello? Bakit ka tumatawag?" [Where are you?] "Nasa gym?" [I'm only here to remind you about the plan.] "Anong…" [The plan? Na magpapatalo ka kay Farrah bukas. Kaya kung nasa gym ka to work out para malakas ka bukas. Umalis ka na d’yan.] "O-okay." [Good. Thanks for doing this for me, Ynna. ‘Wag mo akong bibiguin.] "M-makakaasa ka," dahil hindi naman talaga ako marunong. Siguradong matatalo ako. [You know, I always thought of you as a b’tch who does not care about anyone. But today, you proved me wrong. Thanks so much, Ynna. Bye.] At binaba na ni Sky ang telepono. "Girl! Anong pinag-usapan niyo? At ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kanina?" Natulala lang ako sa tanong ni Shibama. Ano nga bang sasabihin ko kay Shibama? Sasabihin ko ba yung pinag-usapan namin ni Sky sa kanya? Sasabihin ko ba na gusto ni Sky na magpatalo ako sa laban bukas? Papayag ba si Shibama? Malamang hindi. Malamang ay gagawin ni Shibama ang lahat para manalo ako sa laban. ‘Yon naman ang trabaho niya eh, ang panatilihin sa tuktok ang imahe ni Janina. "Girl! Yuhoo! Why so tulala?” "Ah. Wala! Haha! Kinamusta lang niya ako. At yung sasabihin ko sa’yo, wala lang din ‘yon. Sasabihin ko sana na ang sakit ng katawan ko. Meron ka bang salonpas?" palusot ko. Anak ng kabayo. Bakit ako biglang naghahanap ng salonpas? Naman, Ynna! "Hay! ‘Yon lang pala! Sweet naman ni boyfie mo! Kinakamusta ka pa!” "Pekeng boyfriend." "Real boyfie soon." Pumikit ako ng matagal bago ko siya tinignan. "Heto na naman ba tayo, Shibs?" "Hahaha! Sige na nga! Let's go back na sa condo. May salonpas do’n." "Sige." Hindi ko alam kung tama ba na hindi ko sinabi kay Shibama ang tungkol sa laro bukas. Pero kung iisipin kong mabuti, ito naman talaga ang pinaka-best na p’wede kong gawin. Ito nga ba? Oh baka naman ay nagpapakatanga nalang ako sa mga inuutos ni Sky? Hindi ko rin alam. Ang akin lang, isang araw lang naman ang laro bukas. Kung natalo ako ay maaalis na ang team namin. Mawawala na rin ang mga problema ko. ‘Yon nalang siguro ang gagawin ko. Maiintindihan din naman ako ng mga teammates ko kung sinabi ko na ayaw ko manalo ngayong year to give way to Farrah's team, hindi ba? Oo, gano’n na nga lang. Lahat naman ng sinasabi ni Janina ay sinusunod nila, eh. Pagkarating namin sa condo ay humiga agad ako sa kama at patuloy na nagisip sa mga maaaring mangyari kinabukasan nang biglang tumunog na naman ang telepono ko. *Kapal ng mukha, di na nahiya Dapat sa iyo pasabugin ang mukha Ulo-ulo lang di kasama katawan 'Pag kasama katawan, sabog pati laman!* "Sky?! Ano na naman. Sinabi ko na sa’yo, ‘di ba? Magpapatalo na nga ako eh!" [Agh! Uh, Sky!] boses ng… babae? "Ah, Sky? Ano ‘yang naririnig ko. Babae ba ‘yan?" [Uh! Ugh…] "U-ungol ba ‘yan ng babae? Huy!" [Ang galing mo pa rin, Sky!] "S-Sky? Si Farrah ba ‘yan?" tanong ko. Ang bilis bigla ng t***k ng dibdib ko. [Sky… oh yeah, uh! I missed you.] Mukhang napindot lang ni Sky ang telepono at bigla akong natawagan. Hindi ako p’wedeng magkamali, si Farrah ang babaeng umuungol sa telepono. Anong ibig-sabihin nito? Sila na ulit ni Farrah? Eh para saan pa ang kontrata namin? At paano na yung Dave? Alam ba niya? Ang gulo ng isip ko. Pinakinggan ko nalang ang pag-uusap nila ng hindi nila alam. [I missed you too, Farrah. Break up with Dave. Let's be together again.] [I can't. I love Dave.] [But why are you making love with me right now?] [Past-time.] [F’ck.] [Sky, you have a girlfriend too. I'm pretty sure Ynna's good in bed.] [Yeah, she is.] [Dave, too, is awesome.] [F’ck.] [Let's just enjoy today..] [...and forget about it tomorrow.] At naputol na ang tawag. Pero bakit gano’n? Bakit natulala ako ng pagkatagal-tagal nang naputol na ang tawag. Parang... Parang lang... Parang... ang sakit ng puso ko? . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD